Chapter 5

3.4K 170 38
                                    

(Frenzy's POV)

"So Mr. Remington. Mag o observe lang po ang mga quizzers sa bawat subject ng mga teachers. And senior department should be the focus for our quizzers dahil yun daw ng consist ng quiz bee this time of the year. Ok lang po ba?"

Kasalukuyang kausap ng adviser nilang si Miss Ryle ang adviser ng math.

But she wasn't focused on the conversation. Nakatitig lang siya sa isang tao sa loob ng classroom na yun.

Napangiti siya saka kumindat kay Babe Nicole niya.

Saglit itong natigilan saka luminga sa likod nito. Marahil naisip na nitong para dito ang kindat niya kaya naman napaturo pa ito sa sarili. Saka kumunot ang noo.

She made a heart shaped with her hands. Umakto din siyang parang binabaril ito gamit ang kamay niya.

Mukha namang na bad trip ito sa pinag gagagawa niya. Naka simangot na ito at hindi na siya tinitigan pa.

Naka rinig siya ng hagikgik and she was surprised to see her ate Tiffany holding her laughter.

"That's really cute. Frenz. Alam mo. She also has a thing for cute girls. Kunwari pang hindi niya nagustuhan."

Napangiti siya. Sabay lingon ulit sa nakasimangot na si Nicole. She smiled. Makukuha niya rin ang matamis nitong oo. Tiwala lang.

"So you may seat where ever you want. Basta don't disturb my class." Mr Remington said.

Kanya kanya naman ng upo ang mga kasama niya. While she on the other hand has one thing in her mind. Ang makatabi ang kanyang babe Nicole.

Pero agad siyang napasimangot ng makitang andito na naman yung babaeng kasama nito kahapon. Kahit naman maganda ito. Hindi niya talaga mapigilan na mainis. Kaya naman ginawan niya ito ng nickname. Si nguso girl. Lagi kasing naka pout.

"Pwede bang makiupo?"

"Yes?" tinaasan siya nito ng kilay.

"Ako po muna diyan. Wala po akong maupu----" napalinga pa siya sa paligid at biglang napa facepalm. Maraming bakanteng upuan sa harap ng teacher.

"Ayon o ang daming upuan. Miss Asistores baka gusto mong doon na lang maupo isa pa. Far sighted si Kira. Di siya pwedeng umupo sa unahan." ngumisi sa kanya ang Babe Nicole niya. Saka siya nito tinaboy na parang bumubugaw lang ng aso.

Napasimangot siya. Hindi naman halatang ayaw siya nitong katabi. "Hmmmph!"

Napapadyak siya sa paa niya habang pumupunta sa unahan. Minsan napapaisip siyang sukuan na lang si Babe Nicole niya pero kahit anong gawin niya hinahabol talaga ito ng mga mata niya.

"It's ok bunso." tumayo ang ate Tiff niya. Saka nito tinuro ang upuan nito. "You seat here. Ako na sa unahan. Malabo mata ko eh. Kumindat pa ito sa kanya.

Napangiti siya. Ok na to kahit sa harap ng Babe Nicole niya atleast malapit lang siya dito. Isang lingon niya lang mukha na nito ang makikita niya.

Napasimangot ito at umakto na susuntukin ang ate Tiff niya. Which Tiffany answered by rolling her eyes.

Napatakip siya sa bibig niya para pigilan ang tawa niya pero sinamaan din siya nito ng tingin.

Nag simula na ngang mag discuss ang teacher at nakalimutan niya ng nasa likod niya ang babe Nicole niya. She was so focused in jotting down notes. Kaya naman di niya na namalayan na labasan na pala ng mga ito.

Nag sisilabasan na sa classroom ang mga kaklase ng mga ito.

Napalingon pa siya sa likod niya. Wala na si Kira sa tabi ng Babe Nicole niya at nakasimangot ito habang nakatingin sa kanya.

Chasing Nicollete Jung - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon