CHAPTER 41 (Frenzy's POV)

1.1K 39 6
                                    


'Taurus. WEEK OF OCT 29, 2018: You feel sad when you fail. You hope that your stubbornness will help push you through to the end, but avoiding failure isn't always possible. When you're sad, you pretend like everything is fine, but inside you blame yourself for something human and inevitable.'

"Andiyan ba si Babe?"

Frenzy peeked inside the classroom. Ito ang classroom at unang subject ng babe niya. Paano niya nalaman? Well even before pa ay talagang kinabisado niya na ang schedule at room assignments nito. Nakangiti siyang nag aantay sa gilid ng classroom ng mga ito habang pasilip silip. She wants to give the flowers and white chocolates na dala dala niya.

Oo nga at sinabi nitong hindi ito napatol ngayon sa bata but she was really determined to prove to her babe that her love is eternal. Habang andito pa ito ay ipapakita niya dito kung gaano siya kapursigido sa panliligaw. Hanggang andito pa ito ay handa siyang maging masugid na stalker, admirer at manliligaw nito and everything in between. That thought made her smile.

"Uy ano na Frenzy? Ma-l-late na tayo sa klase!" Fajardo looked at her watch. Nakasimangot itong tumingin sa kanya.

"Teka lang baka makita ko na si babe ko. Isang kindat ko lang dun. Tatakbo na yun dito." Nakangiti niya pang ipinakita kay Fajardo ang hawak na chocolates at flowers. "See. This are her favorites."

"Ako nga diyan!" Itinabi siya nito sa gilid at ito na ang sumilip sa pinto. "Eh wala crush ko dito eh."

"Ano?" Parang ewan. Yung crush niya ang hinanap. Frenzy almost rolled her eyes pero pinigil niya ang sarili niya dahil baka iwan siya nito. Sumilip din siya sa loob ng classroom and true enough wala nga din ang ate Tiff niya. Nag katinginan sila ni Fajardo.

"Anong meron best?" Fajardo's brow furrowed. "Di naman basta basta uma-absent si Ate Tiff."

Frenzy looked back inside the classroom. Tama nga ito. Hindi ugali ng ate Tiff niya na umabsent maliban na lang kung may nangyari. But what was it? Ano bang nangyari para umabsent pa ang dalawa?

She sighed. Inagahan niya pa naman pumunta sa classroom ng mga ito, but as the start of her babe's class walang Nicollete Jung na dumating. Wala tuloy siyang nakitang matangkad na babae na astig ngumiti. At kahit ang ate Tiff niya na agad mong mararamdaman ang presensiya dahil sa mga tawa at ngiti nito. The quiz queen bee is also absent.

Hindi niya tuloy maiwasang mag alala. Anong meron at sabay pang um-absent ang dalawa?

"Bestfriend!"

Napalingon si Frenzy sa kasama niya. Inangat nito ang kaliwa nitong kamay at ipinakita sa kanya ang oras. Malapit ng mag simula ang klase nila at kapag na late sila ay malamang lagot sila sa teacher. Ang sungit pa naman ng una nilang teacher at english subject pa iyon.

"Sandali na lang baka na late lang yun."

Sumimangot si Fajardo. Pinagkrus nito ang braso sa dibdib nito at hindi na lang kumibo pero grabe naman sa pag haba ang nguso nito.

Hindi maiwasan ni Frenzy ang ngumiti. Tunay nga talagang kaibigan ang dalagita. Kahit kasi pwede na itong mauna ay ito at sinasamahan pa rin siya. "Thank you sa pag sama sakin."

"Wala yun. Gusto ko din makita si ate Tiff."

Kunwari pa. Sa naisip ay napailing na lang si Frenzy. They waited for a few minutes pero wala talagang dumating na Nicollete Jung o kahit anino ng ate Tiff niya.

"Tara na bestfriend!" Hinila na ni Fajardo ang laylayan ng damit niya. Ilang minuto na kasi ang lumipas at matiyaga lang siyang nakatingin sa pag gagalingan ng mga estudyante papunta sa classroom ng babe niya.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now