Chapter 15

2.1K 113 7
                                    

(Frenzy's POV)

Saglit siyang napaisip ng ma realize niya ang sinabi ng babe Nicole niya doon sa babae.

“She doesn’t want to know your name. Uuwi na kami ng girlfriend ko.”

G-Girlfriend! Tinawag siya nitong girlfriend!

"W-What did you just say Babe?!"

Hinila niya ang kamay nito. Para saglit na lingunin siya. Kaya huminto sila.

Umiwas ito ng tingin. "A-Ano bang sinabi ko?"

Ngumiti siya ng nakakaloko. "You said I am your girlfriend."

Naging malikot ang mga mata nito. "D-Did I?"

"Yes you did!"

"Ah yung kanina ba?" Napakamot ito sa kilay at umiwas ng tingin sa kanya. "S-Sinabi ko lang yun para makaalis na tayo."

Napangiti siya. Possible kayang nag seselos ito?

"Someone's jelly"

Kumunot ang noo nito. "H-Hindi ah! Pinag sasabi mo bata? Tara na!"

Napangiti siya ng tumalikod na ito at nag lakad. But is still holding her hands.

"Mag d date na ba tayo?" she asked playfully

Nilingon siya nito para pandilatan lang ng mga mata.

"Eh girlfriend na ba kita?"

Doon na ito huminto at napakamot na lang sa ulo sa kakulitan niya.

Natawa siya dahil ang cute nito kapag napipikon.

"Nope. Di ako napatol sa bata. Ihahatid na kita sa inyo." Nilingon siya nito. "Pero bakit ka nga ba nag part time ha?"

"I want to help you."

Natigilan ito at seryoso siyang tinitigan. "Bakit?"

"Because I like you. May iba pa bang dahilan babe?"

"Don't do it. I can take care of myself."

Mukhang na badtrip na naman ito sa kanya. Nalungkot siya dahil hindi nito tinatanggap ang inaalok niyang tulong.

"Ok....." Yun na lang ang nasabi niya. 

..............

After that day. Frenzy felt depleted. Hindi siya makapag function ng maigi dahil sa sinabi ng babe Nicole niya sa kanya. And worst. Nakita niya pa itong kasama yung Max noon na sinungitan siya. Mukhang masaya ang dalawa nung sinundo ito nung Max.

"Uy. Sambakol na naman yang mukha mo. Smile na bestfriend. Papangit yang maganda mong mukha sige ka."

Lalo siyang napasimangot sa tinuran ni Fajardo. Kumakain sila nito ng lunch sa isa sa mga bench sa malawak nilang sports field. 

"Di bale na nakasimangot ako. Di naman ako pinapansin ni Babe."

Natawa ito. "Lagi na lang nakadepende kay babe mo yang mood mo. Eh dapat nga nakadepende din sakin."

Kumindat pa ito sa kanya.

Napalayo siya dito dahil may naisip siya. "Hoy Fajardo! Wag mong sabihin na may gusto ka sakin kaya mo ako kinakaibigan! Are you secretly obssess with me?!"

Tila naeskandalo ito sa sinabi niya. Halatang halata sa mukha nito na di ito makapaniwala sa sinabi niya. "Asa ka naman Bestfriend over my dead body! Yung mga tipo ko kung sa babae man ako mag kakagusto ay yung mga tipo ng ganun o"

Sabay nguso nito sa likod niya. Nilingon niya ang sinasabi nito. And she saw her ate Tiffany laughing about something her babe Nicole said. Magkakasama din ang magkakaibigan habang kumakain ng lunch.

"Sino diyan?"

"Eh di si Ate Tiff!" sabay tawa nito ng nakakaloko.

Napatigil siya sa pag subo ng makita niya na tinititigan siya ng babe Nicole niya. Pero dahil sa naalala niya ang sinabi nito ay agad siyang nag baling ng tingin sa ibang deriksiyon.

"Aba! May lagnat ka ba bestfriend?! Himala at di ka ata kinikilig at nag papapansin sa crush mo!"

Muntik niya ng isalpak sa bibig ng kaibigan ang kutsara niya dahil sa lakas ng boses nito.

Tama naman ito dahil umiiwas muna siya sa Babe niya. Gusto niya lang na palamigin muna ang ulo nito. Pero dahil hindi din naman niya matiis na hindi ito makita ay dito sila pumwesto ni Fajardo. Malayo pero sapat na para lang makita ito.

"Tumigil ka nga Fajardo. Boses mo!"

Napangiti na lang ito ng nakakaloko. Sabay lingon ulit sa pwesto ng Babe Nicole niya.

Pagkatapos ng lunch. Parang tanga na nag s stalk na naman siya sa FB nito. Nabwisit lang siya sa nakitang naka tag dito. Ang Max na naman na yun.

Mukhang lagi ng mag kasama ang dalawa.

'Ate Tiff!' She chatted her Ate Tiff in messenger.

'Yes bunso?'

'Bakit magkasama na laging lumalabas si Babe tsaka yung Max restaurant?'

'Max Restaurant? You mean Max  Palmores? 😂😆 Nakakatawa naman ang tawag mo sa kanya bunso.'

'Seryoso ate Tiff!'

'Hindi ko pwedeng sabihin eh. Sorry Frenz. I think if you want the answers. You can ask her.'

Napabuntonghininga siya. Baka lalo lang itong magalit o mainis sa kanya. Pero kailan ba siya sumuko?

'Thanks ate Tiff'

Nag like lang ito sa message niya.

Hindi ka sumusuko Frenzy!

Dumating ang uwian. She was waiting patiently for her babe. Pero napasimangot siya ng makitang nag aabang na naman dito si Max Restaurant.

"Aist!" Ginulo niya ang buhok niya. But then an idea came to her mind. Pumasok siya ulit sa gate. Doon niya na inabangan ang babe niya.

"Hi Ate Tiff! Hi ate Cas! Hi babe!" Ngiting ngiti siya ng sabihin iyon. 

Kumunot ang noo ng babe niya. Samantalang tawang tawa naman ang dalawang seniors niya.

"Andito na naman pala si Bata. I date mo na kasi Nics. Para sa Valentines day. Di ba malapit na ulit mag summer? Baka umuwi siya sa probinsiya nila." suggestion ng ate Cas niya. 

Kumindat pa ito na nag pa ngiti sa kanya.

"I have somewhere I need to go. Excuse me." dinaanan lang siya nito.

Ouch!

Napayuko  siya ng ulo niya. She felt so rejected.

"Frenz. May dalaw siguro si Nics kaya mainit ang ulo. Kakausapin ko lang."
Sumunod na ang ate Tiff niya dito.

Samantalang tinapunan naman siya ng naaawang tingin ng ate Cas niya. Bago ito sumunod din sa babe niya.

But she was used to being rejected kaya hindi na bago sa kanya ito. Pero hindi pa rin siya susuko.

"Babe! Hindi ako susuko! I will make you fall for me! Tandaan mo yan!"

Ito ang tinuro nito sa kanya mula ng araw na iniligtas siya nito. Na hindi dapat sumusuko sa buhay.

Sinigaw niya iyon dito. Huminto naman ito at nilingon siya. Kunot na kunot ang noo nito.

Ngumiti siya dito. "Mamahalin mo din ako. Balang araw ikaw ang mag hahabol!"

Umiling iling ito. "Crazy kid."

Pero lalo lang siyang ngumiti dito.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now