Chapter 21

2.2K 108 26
                                    

(Nicole's POV)

"Where is she?" Ilang beses atang tiningnan ni Nicole ang suot suot niyang blue and black color na relo sa wrist niya.

Nakatayo sila sa tapat ng kotse niya habang inaantay sina Frenyz at Mellisa. 1 pm ang usapan ng pagkikita nila pero hanggang ngayon wala pa rin yung dalawang bata na yun. Baka talagang hindi na ito mag papakita sa kanya dahil sa kiss. H-Hunting-in niya talaga ito.

Tiffany threw her a grin. "May nakaka miss kay Frenzy."

She rolled her eyes. What was more annoying is that Tiffany was saying it in a singsong voice. "Tif."

She was warning Tiffany with her voice. Nagkibit balikat lang ito.

"Ang tagal naman ng mga kasama niyo?"

Inis na binalingan niya si Kevin. Ang kasamang lalake ni Tiffany. She doesn't even know the guy. Ipinakilala lang ito ni Tiffany sa kanya kanina. Ito ang sinama ng kaibigan niya dahil abala si Cas. Hindi daw ito makakasama.

"Sorry Kev. Unti na lang darating din yun." Tiffany pat the guy in the back.

Gusto niyang umirap kay Kevin dahil kitang kita niya sa mukha nito ang pagkakagusto sa kaibigan niya. He had a look of a lovesick puppy. Mukhang mapapaikot ito ni Tiffany sa palad nito kapag nag kataon. But he might just be a random guy in Tiffs life.

Nagpalinga linga na lang siya sa paligid. Hinilot niya ang kilay niya dahil malapit na siyang mainis bakit ba kasi ang tagal ng dalawang yun? Ano ba ang ginagawa-----Nabitin ang iniisip niya when she saw a familiar face running towards them. Pati na ang kasama nitong si Mellisa.

"I am sorry." Yumuko muna si Frenzy sa harap niya.

Nicole's jaw literally fell to the ground, sa nakitang damit na suot suot nito. Frenzy is wearing a white summer dress that fell just above her knees. Tinernuhan pa nito iyon ng isang white summer brim hat na may kulay blue na ribbon sa baseline. Bagay na bagay dito. Lalo itong naging feminine. Hindi niya maiwasang hagurin ng tingin ang dalaga na nasa harap niya.

Nag angat ito ng mukha sa kanya and gave her a smile. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa lakas ng tibok nun. She felt so alive in that moment. Kung pwede niya lang kuhanan ng litrato ang pag ngiti nitong iyon ay ginawa niya na.

"B-Babe?" Frenzy pans her hands out in front of Nicole's eyes. "Uy Babe? Ok ka lang?"

"Uy Nics! Tulo mo lumalaway!"

Doon na siya tuluyang nagising sa pag d-daydream niya. Tiffany just ruined it for her. Tiningnan niya ng masama ang kaibigan. Tatawa tawang pumasok ito sa backseat. Hila hila nito si Fajardo.  Nagpahuli siya para makausap si Frenzy.

Sumabay siya dito ng umikot ito sa passenger side. Tumikhim siya para mawala ang bara sa lalamunan niya.

"F-Frenzy you look beautiful."

Lumingon ito sa kanya. Napangiti siya ng makita ang pag kalat ng pula sa mukha at leeg nito. Umiwas ito ng tingin saka nag mamadaling binuksan ang pintuan sa passenger side.

"T-Thank you." Isang mabilis na thank you lang ang narinig niya dito.

She chuckled. Bakit ang cute nito? Inantay niyang makaupo ito sa passenger seat. She playfully tried to capture Frenzy's eyes pero iwas na iwas talaga ito. Kaya imbes na magka stiff neck pa ito ay umikot na rin siya papunta sa driver's seat.

"Hay tagal naman!" She can clearly hear the mock in Tiff's voice.

Sinamaan niya ito ng tingin bago niya paandarin ang kotse paalis. Nicole can't help but look at Frenzy in the rearview mirror habang nag d-drive siya.

Naaalala kaya nito ang pinag saluhan nilang halik kaya hindi ito makatingin ng deritso sa kanya? Sa naisip ay napangiti siya. She was in a good mood habang nabiyahe sila papunta sa Sta. Rosa kung nasaan ang Enchanted Kingdom.

"Mapapansin kaya. Ang pag sulyap sayo? Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap o chinita? Balang araw ay malalaman mo rin...."

Napatingin silang lahat kay Tiffany nang magsimula itong kumanta. Tila nabuhayan naman ng loob ang katabi nitong si Mellisa na napansin niyang kanina pa badtrip nang makatabi din ng mga ito si Kevin.

"At kung ikaw ay nakatawa? Ako pa ba ay nakikita.... malilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw."

Napaikot na lang siya ng mata at ibinalik ang tingin sa unahan. May papikit pikit pa si Tiffany na nalalaman. Humahawak pa ito sa tapat ng dibdib nito at feel na feel ang pagkanta. Tiniis nilang lahat ang pangit na boses nito habang nabiyahe. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa nasira ang radyo ng kotse niya.

Nagkatinginan sila ni Frenzy sa rearview mirror. Sabay pa silang natawa nang matapos na ang kanta ni Tiff.

"Wow." Mellisa clapped her hands. "I never thought na ang lakas ng loob mo ate Tiff kumanta."

Ngumiti si Tiffany dito. "Why? Ganda ng boses ko no?"

Nicole put her fisted right hand in her mouth, para pigilan ang tawang kakawala sa bibig niya. She knew by the look on Mellisa's face na masasampal ito mamaya ng kaibigan niya.

"No. I was praising you ate Tiff because you are brave enough to let us hear your voice."

"You! ---"Kiniliti ito ni Tiffany. "Bawiin mo yung sinabi mo."

Nakita niya din ang pag pipigil ni Kevin na matawa. Napansin iyon ni Tiffany kaya yung lalake naman ang binalingan nito.

Napailing na lang siya. Napasulyap siya kay Frenzy dahil bigla na lang itong natahimik. She was surprised na nakatingin pala ito sa kanya. Agad itong umiwas ng tingin. Saka yumuko. Frenzy fiddled with her hands.

"T-Thank you nga pala Babe sa pag accept ng mga friend requests ko."

Saglit siyang ngumiti dito saka ibinalik ang tingin sa daan. "Wala yun. Matagal na dapat kaso alam mo naman ako ang arte."

"Ay!"

Napatakip si Nicole sa tenga niya sa narinig na sigaw ni Mellisa. Saglit na sinamaan niya ito ng tingin. Malapit na sila sa location ng mag tuturo ito sa labas ng bintana.

"Ayan na ang EK guys!"

Halata ang excitement sa boses ng kaibigan ni Frenzy. Napatingin siya sa katabi niya nang makapag park na sila. Hindi ito nag sasalita pero kita niya din sa mga mata nito ang paghanga sa buong lugar. The place is really huge kahit sa labas. And she will make sure na mag e-enjoy ito sa group date nila.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now