Prologue

8.9K 281 28
                                    

(Prologue)

"Ah! Mataba mataba! Matabang tomboy! Walang magkakagusto sayo!"

She was being hit by things on the trascans thrown at her. Narinig kasi ng mga ito na yung crush niya ay isa sa tinuturing na Goddes ng school nila.

"Ang lakas din ng loob mong mangarap! Baboy! Walang mag kakagusto sayo. Pag nalaman to ni Cheska. Mandidiri lang sayo yun!" sabay hagalpak ng tawa.

She clenched her fist and her jaw. Gusto niyang suntukin ang bibig ng mga ito. Mahapdi na nga yung sugat niya mas masakit pa rin talaga yung salitang lumalabas sa bibig ng mga kaklase niya.

Ang masakit pa dun. Yung akala niyang kaibigan niya. Ayon sa gilid tinitingnan lang siya. Tinanong ito kanina kung ipag tatanggol siya. Umiling ito at sinabing hindi naman daw siya niyo itinuring na kaibigan kahit kailan. Sumasama lang daw ito sa kanya dahil nga sa marami siyang dalang baon palagi.

"Ano?! Lalaban ka?"

Tumayo siya para sana sugurin na yung kaklase niyang mataba din naman pero kung makapanglait wagas!

But before she could do that. May humarang sa harap niya. And before she knew it. Nasaksihan niya kung paano kutusan ng babaeng iyon ang mga kaklase niya.

"Don't bully someone just because of their physical appearance and sexual orientation. Kayong mga bata kayo. Di pa nakakatungtong sa Senior high ganto na gawain niyo. Hala layas!"

Malakas ata yung pagkakasapak nito sa mga kaklase niya kaya naman umalis na sa harap niya. Someone even attempted to throw things at the stranger pero agad nitong nasalo iyon at ibinalik lang sa kaklase niya.

Nag sitakbuhan ito palayo sa play ground parking na pinag dalhan sa kaniya ng mga ito.

Humarap ito sa kanya. And she was stunned! Ang ganda nito! Mas diyosa pa sa kaklase nilang si Cheska Mendoza!

And she notice that the girl has the uniform of the prestigious Holy Family University High. Mukhang nasa senior high department din ito. Samantalang siya ay sa junior high naman ng malapit din na school ilang lakad mula dito.

"Uhmm ok ka lang? Di ka ba nasaktan?"

Parang tanga na nakangiti siya dito. She was so struck looking at that beautiful face!

"Hey kid! Sa susunod mag ingat ka na lang ha? Narinig ko kasi yung sinabi nila sayo. Wag mong pakinggan yung mga ganung klase ng tao. You are brave enough to tell them who you are. Wag kang mag bago"

Bahagya pa nitong ginulo ang buhok niya.

Napangiti siya ng todo. Sa tingin niya may bago na siyang ultimate crush. And this time she will not tell it to anyone else but to the object of her affection.

"Ok ka lang ba talaga?" kumunot ang makapal nitong kilay.

"May tanong lang po ako. Ano pong pangalan niyo?"

"Nicole Howard"

"Ah thank you po ate Nic. Kapag pumayat po ako at maging dalaga na. I will pursue you. Salamat po sa araw na to!" marahil dahil sa hiya. Agad siyang tumakbo para hindi na ito makasagot pa sa sinabi niya.

Umuwi siya ng araw na iyon na ngiting ngiti.

But the next day. The bullying even got worse. Kahit sa harap ng teacherr she was being bullied and papers were thrown at her. Natigil lang iyon sa tuwing sasawayin ang mga ito ng mga teachers.

"C-Cheska Hi." dumaan kasi sa harap niya ang babae. But the girl ignored her and made a disgusted face at her.

"Don't talk or come near me. Nakakadiri ka."

She felt her eyes watered. Ganun ba talaga nakakadiri na maging isang homosexual? People are judging her not by her actions and personality but by her sexuality. Maybe it was wrong of her to tell it to the whole world.

Cheska used to be her friend too. Ngayon nagbago na ang lahat. Almost everyone at school is afraid of getting bullied and that being near her means becoming a target too.

Sa sobrang sama ng loob niya. She was thinking of ending it all. Kahit kasi sa bahay nila. Hindi din siya tanggap ng mga magulang niya. Only the family of her kuya Kyle accepted her.

"Ano tong naririnig ko sa school na kaya ka daw na b bully is because you told them you had a crush on your girl classmate." her mother screamed at her." Anak naman."

Napayuko siya.

"Isa itong kahihiyan anak. Naisip mo ba yun? Nag iisa ka na nga lang. Magiging tomboy pa? Please tell me this isn't true." her father also said it while trying to hug her but she let go.

"D-Dad....I didn't mean to. I am born this way. Simula ng magkaisip ako I like girls. At alam ko pong hindi normal yun, but this is who I am. Kung hindi niyo po tanggap iyon. Might as well. I'll get out of your sight!"

Patakbo siyang umalis sa bahay nila. Hindi niya kinakaya ang pandidiri at ang mga insulto ng mga tao sa kanya. But seeing that her parents feel the same. Mas masakit pa iyon.

She found herself infront of the bridge separating the Holy Family University High at ang school na pinapasukan niya.

Umakyat siya sa ledge nun. Her tears flowing down her eyes. Her existence felt like an empty space. Parang walang kwenta.

Napatingin siya sa ibaba. She saw the shallow but turbulent water. Madilim iyon at hindi niya maaninag ang ilalim. Maybe because it's already dark.

Kaya siguro wala ng masyadong nadaan sa lugar.

Napapikit siya. Bigla siyang nanginig. Kaya niya bang tumalon? What about her Kuya Kyle and her uncle and auntie?

Pero Frenzy hindi ka tanggap ng tunay mong pamilya. Hindi ka naman pwedeng mag pa ampon na lang sa kanila.

Napapikit siya. Hindi siya handang mamatay pero bahala na. But before she could fall into the water. She heard a roaring of a car. Napamulat siya ng mga mata at lumingon dito.

Maliwanag ang likuran ng babae but she was sure it was a girl. Mahaba ang buhok nito at kahit madilim. Alam na alam niya ang suot nitong uniporme.

Holy Family University High!

"Bata! Delikado yang ginagawa mo!  Bumaba ka diyan! It's not worth taking your life over for whatever problem you have!"

P-Pamilyar din ang boses nito.

"A-Ate Nicole----?"

Bago niya matapos ang sasabihin niya ay hinila na siya nito palayo sa ledge. Bumagsak silang dalawa sa gilid.

The girl is wrapping her in an embrace. She felt warm all of a sudden. Her knights in shining armor arrived again to save her! Naka uniform nga lang ito.



Chasing Nicollete Jung - CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ