Chapter 7

3K 144 37
                                    

(Frenzy's POV)

"Ano ba Fajardo?!"

Tinakpan niya ang mukha nito dahil palapit iyon ng palapit sa kanya.

Naiinis na nga siya ngayong araw dadagdagan pa nito. Pano ba naman Babe Nicole made her hopes high. Only to crush it later dahil may bagong flavor of the month na naman ito.

"Bestfriend---"

"Shut up"

"Pero---"

Tinakpan niya ito sa bibig dahil bigla na lang dumaan ang mga falling stars sa langit. Iyon ang inaabangan nila ng araw na yun kaya sila nasa labas kahit gabing gabi na. Saglit niyang nakalimutan ang pagka badtrip niya.

"It's amazing!" hindi naman makapaniwala na bulalas ni Fajardo.

Ngumiti siya dito. Saka ulit tumingin sa langit. "Yes it is."

Ilang segundo pa nilang pinag masdan ang mga bituin sa kalangitan. Pagkatapos ay niligpit na din nila ang telescope na pag mamay ari ng buong astronomy club. 6 lang naman sila sa grupo kasama na si Fajardo. May nilakad yung apat kaya naman silang dalawa lang ngayon ang mag kasama na tumingin sa langit.

Nasa parke sila at marami din namang mga tao sa paligid kaya safe naman sila.

She gathered all their telescope. But before she could do that. She spotted a very familiar face.

Ang babe Nicole niya at----may kasama na naman itong ibang babae.

Napasimangot siya.

"Hey. Are you ok?" lumapit sa kanya si Fajardo at akmang kukunin na nito ang ibang dala dala niya nang mapatingin din ito sa tinitingnan niya.

Ngumiti ito at bago niya pa mapigilan, nakarating na ito sa pwesto ng Babe Nicole niya.

"Hey ate Nics. Who is she?"

Napatampal siya sa noo niya. Ano bang ginagawa ni Fajardo?

Hindi siya lumapit sa mga ito pero nakita niya ang pag sulyap nito sa kanya. Umingos siya. Oo na nag seselos siya sa mga babae nito.

Kaya ngayon parang ayaw niyang makita man lang ito ngayon. Siya has feelings too. Akala nito. Hmmph!

"Ah. Si Henly Kim. Girlfriend ko. "

Kumaway naman ang babae sa kanya at nag hi pa nga kay Fajardo.

Muntik na siyang matawa sa sinabi nitong pangalan.

Literal atang chicks ang bago nitong babae. Hen equals manok. Hahaha.

"Best Henly daw bagong karibal mo kay ate Nics."

Susko! Ang bibig talaga ni Fajardo!

Lumapit na siya dito. Saka kinuha ang ibang gamit na kinuha din nito kanina. Hindi siya tumingin dito. Derideritso lang siya sa pag kuha ng mga gamit at paglalagay nun sa pick up truck niyang kulay blue.

"Uy best! Ano bang ginagawa mo? Ang alam ko inaaway mo na dapat yung mga umaaligid sa babes mo."

"Wala ako sa mood."

"Ay!" tumili si Fajardo kaya naman tinitigan niya ito. Only to be surprised to see her babe Nicole instead of Fajardo. Muntik pa nga siyang tumalon.

"Best kinikilig ako para sayo. Umuwi na yung manok eh."

Sabay hampas nito sa braso niya. Nasa kaliwa niya na pala ito. And her Babe Nicole is on the right.

"Hi!"

Iniwas niya ang tingin dito at lihim na umirap. "Hello po ate Nics."

"Ate na lang?"

Huminga siya ng malalim saka ito tinitigan sa mga mata. "Yes. Dun ka na sa manok mo." tinulak niya ito pero hinigit nito ang mga kamay niya. Kaya naman napalapit siya dito ng sobra. Halos maduling siya sa lapit ng mukha nila.

"Bakit nakasimangot yang magandang mukha mo?" ngumisi pa ito. "Nag seselos ka ba?"

"A-Asa ka!" pilit niyang inaalis ang kamay niya dito pero ang higpit ng hawak nito.

"Hmmm....Talaga? Pano kung umasa ako. May magagawa ka?" unti unti din nitong nilapit ang mukha nito sa kanya.

Nicole even tilted her head, na para bang hahalikan siya nito. Inilayo niya ang ulo niya pero dahil nga sa limited lang ang espasyo sa pagitan nila. Hindi niya magawang lumayo ng tuluyan dito.

"A-Ano ba?!"

Ngumiti lang ito at unti unti ngang tinatawid ang distansiya sa pagitan nila. Napalunok siya. Ito na ba ang hinihintay niya? Dating pangarap ngayon na ba matutupad?

Unti unti niyang pinikit ang mga mata niya at kinibot kibot ang sariling labi.

Hanggang sa makarinig siya ng tili. It was from Fajardo. The magical moment was ruined. Agad siyang nag mulat ng mga mata. Only to find her babe Nicole clutching her stomach and laughing. Sa sobrang tawa nito halos matumba ito kakatawa. Si Fajardo naman ay kilig na kilig. Hinahampas na nito ang hood ng pick up truck niya.

Kumunot na ang noo niya. Pinag t tripan ba siya nito? Porke alam nitong crush na crush niya ito at patay na patay siya dito?

Sumimangot na siya ng tuluyan. She picked up the last set she needed. And "accidentally" elbowed Nicole.

Napaubo ito habang hawak ang tiyan.

"You---!"

"Nye nye!" she had a tongue out.

"Woi Best ano ba yan?" To the rescue naman ito sa babaerang iyon kaya naman sinimangutan niya din ito.

"Fajardo. Kung bestfriend mo ako dapat di mo kinakampihan yang babaera na yan."

"Ay sorry naman Best. Sige ate Nics. Dito ako sa side ni Best. Baka iwan ako nito eh. Siya ang may ari ng pick up truck."

Nicole glared at her. "Hoy bata. Makakaisa din ako sayo! Three points ka ngayon at two points na ako. But I'll make sure I'll be the victor!"

Napasimangot siya."Anong pinag sasabi mo? Who's keeping the score and why?"

Sumenyas ito ng I see you. Saka hawak hawak ang tiyan na tinungo ang kotse nito na nasa tagong bahagi ng parke.

Umingos siya saka tumalikod na para ibalik ang mga ginamit nila. Akala nito ha? Pero agad din siyang nanlumo. Lalo siyang hindi na nito mapapansin.

"Oh my God! OMG! Fajardo! Kasalanan mo to!"

"Huh? Bakit ako?" napaturo pa ito sa sarili nito.

"Eh ikaw kaya sumiko sa kanya sa tiyan best."

Aist! Nagulo niya ang buhok niya.

--------

Grabe! Ang batang yun. Naisahan na naman siya nito! Akala niya siya na ang mananalo. But the game she played back fired on her.

Bakit nung nakita niya ang unti unti nitong pag pikit at pag kibot ng mga labi ay gusto na niyang sunggaban agad ng halik.

"Nics! Kalma!"

Pero napapikit din siya habang nakatingin sa langit. Nakasandal siya sa kotse niya at napapangiti. Ewan niya kung bakit pero ang cute nitong tingnan kanina.

Kaya nga natutukso na din siyang patulan ito. Pero hindi pa pwede. Hinog sa pilit ang batang kagaya nito kapag pinatulan niya. Maybe in time she will grab that chance.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now