CHAPTER 47 (Frenzy's POV)

1.3K 82 29
                                    


Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni Frenzy ng bigla na lang mag paalam sa kanya ang babe niya. Sinundan niya na lang ito ng tingin ng mag lakad ito papasok ng bahay. She sighed. Nag tatampo ba ito sa kanya?

"Ano problema nun?" Rica asked her. Nakaangkla pa rin ang kamay nito sa braso niya. Naalibadbaran na inalis niya iyon mula sa pagkakaangkla nito.

"Obviously nag selos sayo, dre" Glen said at may inabot na beer kay Rica.

Nanlaki naman ang mga mata ni Rica. "Sakin? Eh Frenz mukha ba akong girlfriend mo? Mahiya ka naman sa balat mo aba?"

Natatawang nailing na lang na nagkatinginan sila nina Harriette dahil nag flip pa talaga ito ng buhok.

"Sorry di din ako papatol sayo." Pang aalaska niya na lang din kay Rica.

Kahit kanina niya pa gustong sundan ang babe niya. She learned too na kailangan niyang bigyan ng space ang mga tao lalo na kapag naiinis o galit. Isa pa. Nag seselos ba talaga ito kagaya ng sinabi sa kanila ni Glen?

"Kanina ka pa ata inaantay nun bestfriend." Mellissa stood next to her and whispered that.

Frenzy bowed her head down. Sinabunutan niya na din ang maikli niyang buhok. Kung di lang talaga mahalaga ang grades sa kanya siguradong nag punta na din siya agad sa airport para salubungin ito. But Nicole told her before na unahin niya muna ang mga pangarap niya, na kung para talaga sila sa isa't isa ay magkikita at mag kikita sila.

"Well.... Hindi ko naman akalain na matatagalan kami sa pag gawa ng templates."

Tinaasan siya ng kilay ni Mellissa. "Kung nakakamatay nga lang ang tingin siguradong patay na ako kanina bestfriend. Ngayon ko lang nakita na mag taray si ate Nics!"

She chuckled and looked at the entrance towards the house. Gusto niya lang sanang tingnan kung lumabas na ang babe niya but she was stunned ng makita ito doon. There was an intensity in those eyes na tila nag papako sa kanya sa kinatatayuan niya.

"Go. Puntahan mo na." Mellissa nudged her.

Tiningnan niya naman ang kaibigan habang nakaawang ang bibig niya. "Pero hindi pa ako nakakapag handa ng surprise ko."

"Hindi mo kailangan yun sa ngayon." Mellissa pointed towards her Babe's direction using her mouth. "Tamo gigil na gigil na yan sayo kanina pa."

"Pero....... I want this welcoming party for her to be good." Sumimangot na siya at tuluyang hinarap ang kaibigan. "Abot mo ang gitara."

Sumimangot din ang kaibigan pero sinunod din naman siya. Glen tapped her shoulders.

"Dun na ba ako p-pwesto sa drums dre?"

"Ako naman sa keyboards." Segunda ni Harriette. Pumwesto na nga ang mga kaibigan sa mga instruments na ginagamit kanina lang ng mga bands.

Gusto niya sanang ang banda ang katambal niya sa pag papakilig sa babe niya. Kaso ito naming mga kaibigan niya ay nag suggest.

"Alam niyo ba kung ano ang tutugtugin?"

Napakamot sa batok si Glen at Harriette. "Hindi dre. Ano ba?"

"You're beautiful by James Blunt."

Nagliwanag ang mga mukha ng mga ito. "Alam ko tugtugin yan."

Naiiling na natatawa na lang si Frenzy ng pumuwesto na nga ang mga kaibigan sa mga instrument. Then Glen started the drums. Pumwesto naman si Frenzy sa center stage at tinitigan ng maigi ang babaeng hanggang ngayon ay nag papatibok pa din ng puso niya.

"Babe. This might be too late of a surprise but I still want you to listen. Please listen as I sing this to you."

"My life is brilliant."

Frenzy walked towards her babe. Wireless naman ang hawak niyang mic kaya madali lang siyang nakalapit dito.

Nakita niya ang agad na pag silay ng ngiti sa mga labi nito. And Frenzy could die right then and there. Ang tagal niyang inantay na Makita ang mga ngiting iyon ng personal.

"Bakit yan, bata? Di ba malungkot ang lyrics niyan."

Ngumiti siya sa sinabi nito. "Basta you will see in a minute."

"My life is brilliant. My love is pure. I saw an angel. Of that I'm sure. She smiled at me on the subway
She was with another 'girl'.But I won't lose no sleep on that. 'Cause I've got a plan."

Natawa ito sa pag papalit niya ng ibang lyrics. "That's very witty."

Frenzy winked. Yes, gagawin niya ang lahat mapangiti lang ito. Ngayong andito na ito ulit sa Pilipinas. Sisiguraduhin niyang lagi itong masaya kasama siya. Even if it means that she will be a clown. She's only a clown for Nicollete Howard Jung.

Inabot niya ang bewang nito. Nakita niya kung paano namula ang pisngi nito sa ginawa niya. And how they managed to get teasings from the crowds. Wala siyang pakialam dahil ito lang ang nakikita ng mga mata niya.

"You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true. I saw your face in a crowded place. And I 'do' know what to do. 'Cause I'll 'always' be with you."

Her babe throws her head back laughing. And Frenzy almost stopped the song to kiss those sinfully red mouth. Pinigilan niya lang ang sarili niya dahil there's a time and place for everything. They swayed to the rhythm of the music. Nakahawak lang ito sa bewang niya habang tawa ng tawa sa balikat niya. Frenzy can feel her body heat up with that simle contact.

Biglang sumagi sa isip niya ang mga panahon kung saan sila nag kakilala. The day she started chasing after her babe, mga kulitan nila, ang mga usapan na na-miss niya. Everything from that day lead her to this very same moment. Still loving the same girl all through out the years.

"Yes, she caught my eye. As we walked on by. She could see from my face that I was
'Flying' high. And I don't think that I'll see her again. But we shared a moment that will last 'til the end."

"La-la-la, la. La-la-la, la. La-la-la, la, la."

"I still love you, babe. Ikaw lang. All this time." She leaned in closer.

Nakita niya ang intensidad na dumaan sa tsokalate nitong mga mata. Her babe's breathing is also getting heavier na tila may ina-anticipate ito. But Frenzy smirked. Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.

"I love you, babe. Kung manliligaw ba ako sayo. Tatanggapin mo na this time?"

"Yes. Frenzy. Tinatanggap ko na yang panliligaw mo."

Frenzy breathing hitched. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti ng malakawak ng titigan niya ang babe niya.

"Y-You mean that?"

Tumango tango ito. The same happiness on her face reflecting on her babe's face too.

"Yes, bata. I will accept it. Sasagutin na din kita agad kung gusto mo. I couldn't wait any longer."

"You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true. There must be an angel with a smile on her face. When she thought up that I should be with you. 'And' it's time to face the truth. I will 'always' be with you."

Nakangiting pagtatapos niya sa kanta niya.

Pinagdikit niya ang noo nila. She wants to stay like this for a little while.

"Bata. Kailangan ko na bang sagutin ang I love you mo?

Natatawang minulat niya ang mga mata niya. "Ikaw ang bahala babe."

"I love you too pero manligaw ka pa din." Hinawakan nito ang likod ng ulo niya gamit ang kanan nitong kamay. "I'm proud of you Frenzy. You made it."

Chasing Nicollete Jung - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora