CHAPTER 32

1.9K 102 5
                                    

(Frenzy's  POV)

"Tingin ko effective yung ginagawa natin bunso!"

Frenzy sighs. "Ate Tiff. Itigil na muna natin yung pag papanggap. Nakusap ko si Dad, and I think he was right."

Kumunot ang noo nito. "Ano napag usapan niyo ng dad mo?"

"He said that I should let things go. Make the situation flow naturally. Sabi niya dahil sa mga pag subok sa buhay malalaman mo kung gaano ka kalakas and I want to be strong."

She smiled at that thought. Ang laki na ng pinag bago ng perspective ng magulang niya simula nung nalaman ng mga ito na mag papakamatay siya. And they also said na forever silang grateful kay babe Nicole niya dahil sa ginawa nito, but they said na kahit sino ang piliin niya balang araw. Kahit lalake o babae, tanggap na ng mga ito.

"Oh ok. They really said that? I hope I have a dad like that." Mapait na napangiti ang ate Tiff niya.

Malungkot naman na hinawakan niya ang kamay nito. Kahit hindi nito sabihin. She knows her ate Tiff has her own problem too. Wala na kasi itong dad at mom na lang nito ang kasama nito sa buhay. Sa pag kakaalam niya kaya nag susumikap ng ate Tiff niya ay dahil napaka perfectionist ng ina nito. Kahit anong gawin ng ate Tiff niya kahit makuha man nito ang pinaka mataas na marka ay tila wala lang para sa ina nito.

"Tiff!"

Napaalis ang kamay niya sa pag kakahawak sa ate Tiff niya ng makita nila ang pag bungad ng babe Nicole niya sa pintuan ng quizzers room nila. Agad itong napatingin sa mag kahawak nilang kamay ng ate Tiff niya.

Bumukas ang bibig niya para sana mag paliwanag pero bigla na lang itong umalis. Kumunot ang noo niya. She attempted to stand up pero pinigilan siya ng ate Tiff niya.

Paglingon niya dito ay nakangisi ito. "Let her think for a while."

"Eh ate Tiff." Worry is evident in her voice, pero parang wala lang sa ate Tiff niya.

Mukhang may binabalak na naman ito.

Tumayo ulit siya pero umiling ito at pinanlakihan pa siya ng mata. "Don't hayaan mo muna siya. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin sayo ni Nic kapag inistorbo mo siya ngayon."

"Eh bakit naman po siya mag w-walk out?"

Yun talaga ang pinag tataka niya. Damagundong ang dibdib niya ng may ma-realize siya. "W-Wait....M-May gusto ba sayo si Babe, ate Tiff?"

Sa sinabi niya ay tumawa ito. Sobrang tawang tawa na ikinakunot na ng noo niya. Nag tatanong siya ng maayos tapos ganun ang sagot sa kanya. Asan ang hustisya?

Tawa pa rin ito ng tawa. Nag luluha na din ang mga mata nito. Ang higpit din ng pag kakahawak nito sa bandang tiyan.

Sumimangot na siya. "Ate Tiff!"

"You are a good joker Frenz."

"What?" Hindi niya talaga ito maintindihan. Tumayo na siya at nakasimangot na ngumuso. "Bahala ka na nga diyan ate Tiff. Puntahan ko lang si Babe."

Paalis na sana siya pero hinila lang ulit nito ang braso niya. "Teka lang kasi. Dahan dahan lang. Baka lalong magalit sayo yun."

Sumeryoso na ang mukha nito. Kaya bumalik na din siya sa upuan. Inabangan niya ang sasabihin nito pero sumungaw na naman ang isang ngiti sa labi nito at nakita niya ang pag alog ng balikat nito sa pag pigil ng tawang kakawala siguro sa bibig nito.

Sumimangot tuloy ulit siya. Parang hindi kasi siya nito siniseryoso. Tatayo na naman sana siya pero pinigilan siya nito.

"U-Uy wait lang naman bunso."

"Eh bakit mo ba kasi ako pinag tatawanan?"

"W-Wala." Umiling pa ito pero kita naman niya ang ngiti. "Ang cute mo kasi that's all."

Bumuntonghininga siya at pinagkrus niya sa dibdib ang dalawang braso at tiningnan ng seryoso ang ate Tiff niya. Kung hindi maganda ang sasabihin nito ay talagang masasabunutan niya ang ate Tiff niya. Kahit pa ginagalang niya ito. Baka isipin ng babe niya ay hindi ito mahalaga sa kanya kaya hindi niya hinabol. Tsaka yung sagot sa tanong niya hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ng ate Tiff niya.

"Ano na ate Tiff?" Inantay niya itong may sabihin pero nakangiti lang ito habang palipat lipat ng tingin sa mata niya.

Maya maya ay sumeryoso din ito dahil nakasimangot na talaga siya. Kailangan niya pang habulin ang babe niya eh.

Tumango ito. "Yes. May gusto sakin si Nics. Inamin niya before."

She felt like a balloon had burst right out of her chest with what her Ate Tiff said. Nanghihina na napaupo siya sa upuan niya.

"T-Totoo ba yang sinasabi mo Ate Tiff?"

Tumango ito. "Yes. Sorry Frenz."

-------------------------------------

Napabuntonghininga si Frenzy. Naalala niya na naman ang napag usapan nila ng ate Tiff niya. Her heart had been aching since that day. Nawalan tuloy siyang bumisita sa department ng ate Tiff niya at ng Babe Nicole niya.

Should she really call Nicole her babe? Baka kailangan niya na din na tawagin itong ate Nicole.

Isang buntonghininga ulit ang pinakawalan niya. Hindi niya nga alam kung paano siya nakapag paalam ng araw na iyon sa ate Tiff niya ng hindi nito nahahalata na nasaktan siya. Ang pinag tataka niya lang ay ni hindi man lang siya inamo ng ate Tiff niya kagaya ng ginagawa nito.

"Bestfriend! Tara punta tayong department nina ate Tiff."

"Not now Fajardo."

Tumalikod siya sa kaibigan dahil hinahara talaga nito ang mukha sa kanya.

"Uy ano meron? Ikaw ata ang ayaw mag punta ngayon doon? Kung kailan naman ako nag yayaya."

Nag pout pa ito.

Sumimangot siya. "Wag kang mag pout di bagay."

Lalo lang itong ngumuso sa kanya. "Sige na kasi tara na."

"Ayaw ko."

Hinila nito ang braso niya para tumayo siya, pero hinihila naman niya pabalik ang braso niya. Ang ending ay nag hihilaan sila nito.

"Ayaw ko nga sabi eh!"

"Dali na may practice sila dun. Kailangan mong suportahan ang babe mo."

"Hindi ko na ata siya pwedeng tawaging babe. Wala na akong pag asa."

Napahinto naman ang kaibigan sa paghila sa kanya. Kumunot ang noo nito. "Bakit naman?"

"M-May......gus-gusto siya kay ate Tiff."

Saglit na natulala si Mellisa sa sinabi niya, ng makabawi ito ay malungkot na nakiupo ito sa pwesto niya.

"Naku. Paano yan. Crush ko na si ate Tiff, pero wala akong pag asa sa babe mo. Ang ganda nun eh."

Tumango tango siya sa sinabi nito. Sumimangot naman ito sa ginawa niya.

"Anong ibig mong sabihin ha, bestfriend?"

"W-Wala ah." Dinepensahan niya ang sarili ditto ng mag tangka itong sasampalin siya, pero mayamaya ay sumeryoso din ang mukha nito.

"Eh kung tayo na lang kaya ang maging couple papayag ka?"

She made a disgusted face at Mellisa. Mellisa threw her head back laughing. Hawak hawak pa nito ang tiyan sa sobrang tawa.

"Joke lang bestfriend. Mas gusto kong ipag laban kung ano man ang nararamdaman ko kahit pa maraming hadlang. Dapat ganun!"

Hinila na naman siya nito sa braso. "Tara na samahan mo na lang ako. Tutal naman lagi kitang sinasamahan sa babe Nicole mo before. Ako naman ang suportahan mo kay ate Tiff."

Wala siyang nagawa ng hilain siya nito. 

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now