Chapter 8

2.8K 134 18
                                    

(Nicole's POV)

"Babe Nicole. Here peace offering. Sorry nung nakaraang araw I wasn't sure if it was me or my feelings speaking. Naiinis lang talaga kasi ako nun."

Napasimangot siya. Pati ba naman dito sa sports club sinundan siya nito?

Kasalukuyan siyang nakikipag laban sa sparring partner niya. And when Frenzy shouted that napalingon siya dito.
Kaya naman nasuntok siya sa panga ng kalaban niya.

Agad siyang napaupo sa mat ng gym.

"Are you ok?! I'm sorry!" agad siyang dinaluhan ni Rachelle. Pero hindi na ito lumapit dahil tumakbo din sa kanya si Frenzy.

"Babe?! Nahihilo ka ba? Umiiyak ka ba?"

Napa angat siya ng kilay sa huling sinabi nito. She can't even remember when she cried anymore and besides that bakit napapangiti siya dahil nag aalala ito?

"I'm ok."

Tumayo siya at pa cool na hinawi ang buhok niya. Nakita niya ang paglandas ng tingin nito sa katawan niya. Naka sports bra lang kasi siya at naka sport shorts. Saka iyon umangat para tingnan naman siya sa mukha.

Napaatras pa nga siya ng bigla nitong hinawakan ang mukha niya. Napalunok siya. Ang lapit ng mukha nito. She was getting cute and beautiful at the same time that Nicole can't help but feel her heart beats fast.

"W-What are you doing?" umatras siya ng bahagya dahil ang lapit talaga nito.

"Titingnan ko lang tong pasa mo sa panga!"

Padabog pa nitong iginilid ang ulo niya. Napatingin siya dito. Sobrang concentrated ito sa pagtingin sa panga niya kaya naman napagmasdan niya itong maigi.

Ang cute ng pagkunot ng medyo may kakapalan nitong kilay na bumabagay naman dito. And those lips are pouting, parang ang sarap lang halikan.

"Ehem!" Rachelle exaggeratedly coughed. "Matunaw yan aba? Bata pa naman si Frenzy baka di na lumaki" sabay tawa nito na hawak hawak pa ang tiyan.

Sumimangot siya dito. Saka bahagyang umatras sa hawak ni Frenzy sa kanya.

"Thank you. Ok na to. Mas mabuti pang nurse na mag asikaso."

"Pero---"

She put her pointing finger infront of Frenzy's mouth. And she really felt her smooth lips. Parang napaso siya kaya agad siyang lumayo dito. At pinagpag ang kamay niya.

"Umuwi ka na nga bata. Gabi na delikado."

"Pero---"

"Uwi na." her voice suddenly became serious.

Mukhang natakot niya ito sa boses niya. Kaya naman ng hilain ito ni Fajardo ay agad na lang itong nagpahila.

"Tara na Best."

"Hatid mo siya sa kanila Mellisa. And you should also go home." yun lang ang huli niyang sinabi bago tumalikod ang dalawa palabas ng gym ng school.

"Grabe Nics. Bilib na talaga ako sayo. Makamandag ah?" Rachelle elbowed her softly.

Ngumiti siya dito at nagkamot sa kilay niya. "No. Sadyang makulit yung batang yun kaya kailangang pagsabihan ng maigi."

Nagliligpit na silang dalawa ni Rachelle ng gamit ng bigla ulit niyang makitang nakasilip sa pintuan si Frenzy.

Napatampal siya sa noo niya. Saka mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ito. "I told you----"

May itinapat ito sa mukha niya. It was a cold compress.

"Napadaan kami sa clinic at wala ng nurse doon. So ako na ang nag volunteer na bilhan ka nito para sa pasa mo sa panga."

Saglit siyang natigilan at tinitigan ito. Seryoso ba talaga sa kanya ang batang to? Pero bakit?

"Hoy bata. Umuwi ka na. Kaya ko ng gamutin sarili ko."

Kinuha niya agad ang hawak nito. Saka tinulak ito palabas ng pinto.

"Pero Babe!" nag pupumilit pa sana itong pumasok sa gym pero tinulak niya na talaga ito palabas at pinandilatan ng mata.

Nakita niya din sa di kalayuan si Mellisa. "Hey Fajardo. Uwi mo na tong kaibigan mo. Gabi na!"

Mukhang natakot si Fajardo kaya naman hinila na nito si Frenzy. Hindi siya umalis doon sa pinto hanggang di niya natatanaw mula dito ang paglabas ng dalawa sa gate ng school.

Andun lang siya habang nakalagay ang cold compress sa panga niya.

"Seryoso? Sinapak mo ako kahit na alam mong di ako nakatingin?" binalingan niya si Rachelle na tinapik siya sa balikat.

Tumawa ito. "Chance ko na yun para mabangasan man lang yang maganda mong mukha."

Inis na binalingan niya ito ng tingin dahil tawa pa rin ito ng tawa.

"Chill. Sorry na. Nag papakitang gilas ka kasi kay Frenzy kaya gusto ko lang makita kung anong reaksiyon mo kapag sablay ka sa pakitang gilas mo."

She shove Rachelle playfully. Saka niya kinuha ang gym bag niya. Sumabay lang din ito sa kanya paglabas bitbit din ang sarili nitong gym bag.

Naghiwalay sila ng landas ni Rachelle. At bigla siyang nalungkot ng maalalang uuwi na naman siya sa bahay nila. Agad niyang tinapon sa backseat ang gym bag niya. Saka pumasok sa loob ng kotse niya. Before she could start up the car. Naalala niyang may hawak pa siya sa pisngi niya.

Napangiti siya ng makitang yung cold compress pala yung nasa panga niya. Napailing na lang siya ng maalala ang cute nitong pag pout kanina.
......

"Bakit ngayon ka lang umuwi?!"

Yun agad ang sumalubong sa kanya ng makauwi siya sa bahay. Her mother is at the stairs looking down at her.

"Galing po ako sa gym club."

"Yan na lang ang lagi mong inaasikaso! O baka naman nakipag away ka na naman kaya ka may pasa sa mukha?"

"I'm sorry mom."

"You better be!" saka ito tumalikod at naglakad paakyat sa kwarto nito.

She sigh. Ganito na lang ba lagi ang madadatnan niya sa bahay? Her mother's anger is beginning to escalate again. Is it nearing that month?

Napailing na lang siya saka umupo sa couch. Naihilamos niya ang kamay sa mukha. "I'm sorry.."

Her tears are threatening to fall but she tilts her head back to stop herself.

She doesn't want to see you cry.

Napahawak siya sa suot suot niyang kwentas at inilabas iyon.

The dogtag was something she always carries with her though her name is not engraved on it but another.

R*** J****

Hindi na mabasa ang ibang letra dahil sa tagal na ng panahong nasa kanya iyon. But she knew very well the name engrave on it.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now