CHAPTER 17

1K 27 1
                                    

"Max. Thank you sa pag damay sakin." She sincerely told Max. Kakagaling lang nila sa libingan ng kapatid niya. She felt like she will just destroy everything she hold dear. But she knows that everyday will be a resolve for her. Hindi niya tuloy maiwasang hindi isipin ang sinabi ni Frenzy sa kanya. Seryoso ba talaga itong tutulungan siya? That crazy kid. Napapailing pa siya habang napapangiti.

"That kid does she like you?" Max asked her.

"Hindi ko alam. Obssessed stalker lang yun."

Muntik na nga din siyang mapatawa dahil naisip niya ang cute nitong mukha. Every bit of emotion that passes through Frenzy's beautiful green eyes. It was the most intense eyes she had ever seen. So much determination.

"Mamahalin mo din ako. Balang araw ikaw ang mag hahabol!"

"You are smiling." Malungkot ang mga matang wika ni Max.

Saglit siyang natigilan. "I-I am sorry Max...."

"It's ok Nics. I know. Hindi mo ako magugustuhan kailan man. You had your sisters code right?"

Alam niya. Kahit walang sisters code. Hindi niya kailan man magugustuhan si Max. The girl deserves someone better. Someone who's not so broken. Parehas silang nawalan na ng pag asa na mag karoon ng koneksiyon dahil sa trahedya na nangyari sa kapatid niya.

"Yeah." she cleared her throat. Kailan niya na sigurong ibahin ang topic at umalis sa presensiya nito. "Papasok na ako sa loob Max. Thank you for visiting her grave with me."

Tradisiyon na nila ni Max na dalawin ang puntod ng kapatid niya. And this time hindi niya alam kung sa susunod na taon ay mag kasama pa silang dadalaw.

"It's ok. I still love her though. Pero gugustuhin naman siguro ni Rica na mag mahal ako ng iba."

"Yes she will----"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng makita niya ang ina niya na madilim ang mukha habang nakatingin sa kanila ni Max.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Matapos mong pabayaan si Rica noon. Ngayon babalik ka na naman! Go away! At ikaw Nicollete! Pumasok ka na ngayon din dito!"

"Pero ma.... wala pong kasalanan si Max!"

Ngumisi ito. "Oo nga pala. Hindi lang siya ang may kasalanan. Ikaw din na mismong kapatid niya at anak ko! You two killed her that day! Dahil sa inyo patay na ang anak ko! Patay na si Rica! "

Bumalik sa ala ala niya ang mga panahon na kasama niya pa ang kapatid. Same age as Frenzy before. Her sister was so drunk because Max broken up with her. Hindi na kinaya ni Max na ipag patuloy pa ang relasyon nito sa kapatid niya.

Max loved her more than her sister. And Rica saw Max kissing her that day. Kaya naman nagalit din ito sa kanya. But she doesn't know what she felt for Max too. Kaya naman hinayaan niyang halikan siya nito. Yun yung mga panahong hindi niya pa sigurado ang mga bagay bagay. And her sister paid the price. Nang makita sila nito ay tumakbo ito. Hindi na nila hinabol dahil baka gusto lang nitong makapag isip isip. Kinabukasan nakita na lang ito sa isang abandonadong building. Walang saplot. Patay na. Ayon sa mga police ay na rape ito.

After that day. Lagi niyang napapanaginipan ang kapatid. Nang hihingi ng tulong. And her mother pointing an accusing finger at her. Hanggang ngayon ganun pa rin naman. Pero madalang niya ng makita ang kapatid sa panaginip.

"Ma please..."

"Go away!"

Pinag tulakan na nito si Max paalis. Sinubukan niyang awatin ang ina pero lalo lang itong nag wala. Siya naman ang pinag sasampal nito.

She just let her be. She felt responsible for her sister's death and this is a small punishment to atone for it.

"Tama na po!" Max tried to stop her mother pero parang wala itong narinig.

"It's ok Max. Titigil din siya."

But Max looked at her like she lost her mind. "Pero Nics--"

Titiisin niya na lang sana ang mga sampal ng ina ng maramdaman niyang tumigil na ito. Someone pushed her mother to the ground. And she knew very well the small figure who's back is facing hers.

"Frenzy..."

"Babe? Ok ka lang ba?" Agad siya nitong nilapitan.

Nanlaki ang mga mata niya ng nakitang nakahandusay na ang ina sa semento. Agad niya itong dinaluhan. Pero tinampal lang nito ang mga kamay niya.

"Wag mo akong hawakan! You stopped being my daughter the day. Rica died!" punong puno ng galit ang mga mata nito."Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

Her tears started falling because of what her mother said. Iniiwasan niyang marinig iyon dito. Kaya naman hinahayaan niya lang itong saktan siya o pag sabihan ng mga masasakit na salita dahil mas masakit ang isiping hindi na siya nito tinuturing na anak.

Bago pa siya tuluyang humagulgol, may humarang sa harapan niya. Still that small figure.

"Mabuti nga po may isa pa kayong anak. Kung ano man po ang kasalanan ni Babe----este ni Nicollete sana po mapatawad niyo na siya. Ayaw niyo naman po sigurong mawalan ng isa pang anak."

Nakita niya na natigilan ang ina pero agad din itong nakabawi. "Sino ka ba ha?!"

"Ako lang naman po ang future in law niyo. So dapat po ayusin niyo pag trato sa babe ko dahil di ako papayag na apihin niyo siya. Sige kayo itatakas ko si babe di niyo na siya makikita. Lalo kayong malulungkot kasi imbes na isa lang ang nawala ngayon dalawa na. I'll make sure na di niyo makakausap o makikita si babe."

Parang hindi nito ramdam na naiinis na o nagagalit ang kaharap nito.

Hindi niya alam pero habang nag dadaldal ito sa ina niya. Natatawa na lang siya. That's the exact same words she wants to say to her mother. Masyado itong nabulag sa lungkot nung namatay ang kapatid niya. Not realizing that she was still here.

"Bagay kayo." Tumabi sa kanya si Max. Mukhang naka recover na din ito sa pag kagulat ng dumating si Frenzy. "She doesn't back down so easily. Kayang kaya niya ang ina mo."

She was still smiling. Lalo pa at parang walang nagawa ang ina niya sa sobrang daldal nito. Natahimik na lang din at tila nag iisip.

"Yeah I think she was. Even before."

"Ok. She won" Nag kibit balikat si Max. Pero kitang kita niya dito ang lungkot. "Babalik na lang ako sa Amerika. You don't need me here anymore, to temporarily erase the fear and sadness. Meron ka ng happy place." Pagkasabi nun. Sumakay si Max sa kotse nito. Ngumiti pa ito sa kanya sa huling pag kakataon. But she knew that those smiles didn't; reached her eyes.

"Tara na babe. Ilalayo na kita sa mama mo." Hindi niya namalayang hinawakan na siya ni Frenzy sa kamay."Pero wag ka ng titingin sa Max restaurant ha?"

"W-What?"

"Wala. Sabi ko I love you." Saka ito ngumiti ng pagka tamis tamis.

Natawa na lang siya dito. Ang cute nito.

Hinila siya nito. Saka sila nag lakad palayo sa bahay niya. Tahimik na pinagmasdan lang sila ng ina niya. Kahit nalulungkot pa rin dahil sa sinabi ng sariling ina. She found herself smiling to the cute little thing she has on her hands. 

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now