Chapter 14

2.3K 115 8
                                    

Chapter 14

“Taurus. WEEK OF OTOBER 24, 2018: Persistence requires a lot of patience but hold on, things will start to pick up. You will get the rewards for that hard earned effort. Remember to just always smile and let it change the world.”

(Frenzy’s POV)
Hindi niya maintindihan ang babe Nicole niya. One minute she was smiling at her then the next she was met with a frown.

Kung hindi niya lang alam na matindi talaga ang pinag dadaanan nito these past few days. Medyo maiinis talaga siya sa Babe Nicole niya. Pero di din nman niya ito kayang tiisin.

She finally knew the reason why Nics has a problem with money. Nag iipon ito para suportahan ang sarili at maging engineer balang araw.

Flash Back

“Ate Tiff! Please sabihin mo na po. I want to at least help Babe get through with her problems.”

Kinulit kulit niya ang ate Tiff niya dahil nga sa napapansin niyang parang may mabigat na problema ang babaeng mahal niya.

It was one afternoon and they both are going to the quizzers room. Hawak hawak nito ang ibang libro. Since wala naman siyang dala ay kinuha niya na iyon dito at kinulit niya na nga ito. Actually for a several days niya ng ginagawa ang pangungulit ditto.

Napabuntonghininga ang ate Tiff niya. Tinitigan siya nito ng seryoso. “Ok. Pero promise mo na hindi mo sasabihin sa kanyang ako ang nag sabi sayo ok?”

She eagerly nodded.

(Flashback Ends)

At doon niya nga nalaman ang dahilan. Kaya ito siya on a secret mission to also save for money, para maitulong niya dito. Ayaw niya kasing manggaling sa allowance niya ang naitulong niya dito, dahil paniguradong hindi iyon tatanggapin ng babe Nicole niya. Knowing her babe, in the 4 years of chasing Nicollete Jung. Alam na alam niya na ang mga ayaw at gusto nito. Lalo pa at andiyan din ang ate Tiff niya para mapag tanungan niya.

Magiliw siyang nakikipag kwentuhan sa ibang customer habang tinititigan ng matagal ang babe Nicole niya sa tuuwing nababakante siya ng pag kuha ng order. It’s her way of just admiring her love from this distance.

Ang ganda nitong tingnan kapag namumula at nag papawis ang gilid ng mukha nito. Kaya naman hindi niya na napigilang lapitan ito. Mahigpit na hinawakan niya ang panyo sa kamay.

Sabi sa horoscope mo Frenzy. Persistence is the key. Go kaya mo yan!

She kept telling it to herself over and over again para hindi siya mag back out sa gagawin niya. Sakto namang wala din itong kukuning order sa mga table. Kaya naman nag lakas loob na siyang lapitan ito.

“Hey Babe.” Ngumiti siya ng matamis dito.

Nilingon siya nito. Nakakunot ang noo. “Yes?”

Bago pa ito makareklamo sa gagawin niya ay agad niyang pinunasan ang pawisan nitong mukha.Saka niya pinunasan ang gilid ng leeg nito. Saka ang bandang collarbone nito. Focus na focus siya sa ginagawa niya. And when she was about to pull away ay hinawakan nito ang kamay niya.

Titig na titig ito sa kanya. Her babe Nicole is looking at her intensely with something she can’t quite put a finger on.

“M-May dumi ba ako sa mukha?” Hindi niya na napigilang itanong dito dahil sa matagal din ang ginawa nitong pagtitig bago bawiin ang tingin sa kanya.

“W-Wala.” Hindi na siya nito nilingon at binitawan na din ang kamay niya. “T-Thank you.”

Wala sa sariling napangiti siya. Ang bilis lang para ditong pakiligin siya. Simpleng titig lang kinikilig na siya. Paano pa kaya kapag hinalikan na siya o kaya hinawakan sa kamay?

Kinikilig pa ring bumalik siya sa pag aasikaso sa mga customer ng restaurant. Hindi niya din namalayan ang oras hanggang sa mag uwian na. Agad siyang nag tungo sa c.r para mag bihis ng damit niya na pamalit sa suot niyang waitress uniform. Saka siya lumabas.

“May nakakita ba sa inyo kay Nicollete Jung?” she asked one of her co-staff.

Tumango ito.” Yes. Nauna na siyang lumabas.”

Nalungkot naman siya bigla. Iniwan lang talaga siya nito.

‘Mapapalambot din kita babe Nicole.Kapag sinagot mo na talaga ako saka ako babawi sayo.’

Sa naisip ay napangisi na siya. “Ok. Thank you.”

Tumango ito. Kaya naman lumabas na din siya ng restaurant. Doon na siya lumabas sa front door dahil may guard doon at ipina pa-check ang mga bags nila. Pagkalabas niya ay may isang babae na kumaway sa kanya. It was the group of teenage girls na kanina ay kakwentuhan niya. Kumaway din siya sa mga ito. Saka nag lakad palapit sa mga ito.

Napakunot noo pa nga siya ng tinapik ito ng mga barkada nito sa likod. Saka ngumiti at nag tawanan ang mga ito na tila tinutukso yung babaeng kumaway sa kanya. Malapit na siyang makalapit sa mga ito ng mag alisan ang kasama nung babae. Kumaway pa sa kanya ang mga ito na tila nag papaalam. She does the same. Kahit na naguguluhan.

“Bakit ka iniwan ng mga---------------“ Malapit na siya dito ng may humila sa kanya sa kabilang kanto.

Napatili siya. Pero agad din siyang napatahimik ng makitang ang Babe Nicole niya ang humila sa kanya. Ang lapit nila sa isa’t isa dahil isinandal siya nito sa pader.

“B-Babe----“ Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng takpan nito ang bibig niya,

“Sssshhhh…”

“Pero-----“

“Aish!”

“Miss?!” Narinig niya ang pagtawag sa kanya nung babae kanina,

Nakarinig sila ng pagtakbo patungo sa kanto na yun. And before she could say any words ay inilayo na siya nito sa sarili nito.

“Ayos ka lang ba?” Humahangos pa na bumungad sa kanya ang babae. Hinawakan pa siya nito sa balikat at sa kamay. Hahawakan pa sana siya nito sa pisngi ng hilain na siya ng Babe Nicole niya.

“Yeah. Ayos lang siya Ako ang humila sa kanya.”

“O-Ok.”Tila ngayon lang nito napansin ang babe Nicole niya.

Saglit na nagkatitigan ang dalawa dahil agad ding tumingin sa kanya ang babae.

“I’m glad you are safe.” Ngumiti na ito. And she realized the girl is beautiful. Pantay na pantay ang mga ngipin nito at ang puti. Pwedeng pang model ng toothpaste.”Akala ko kasi nahila ka na ng may mga masamang balak.”

Napangiti siya ditto. Ang bait nito. Talagang hindi muna tumakbo para humingi ng tulong. Agad siyang ililigtas kung nagkataon.

“Ok lang. Thank you”

Inilahad nito ang mga kamay nito, “By the way my name is------“

Bago pa niya abutin ang mga kamay nito. Inagaw na ng Babe Nicole niya ang kamay niya. Saka iyon mahigpit na hinawakan. Hindi niya tuloy maiwasang tumingin  sa magkahawak nilang kamay pati na sa maganda nitong mukha na kahit naka simangot ay napaka ganda pa din para sa kanya.

“She doesn’t want to know your name. Uuwi na kami ng girlfriend ko.”

Hinila na siya nito patalikod. Kaya naman apologetic siyang ngumiti sa babae.

“My name is Frenzy Asistores!” Yun na lang ang sinigaw niya ditto.

“I’m Rica Torres.” Ngumiti pa itong kumaway sa kanya.

Mukhang nainis ang babe Nicole niya dahil kahit pinigilan siya nitong mag pakilala ay ginawa niya pa din.Lalo atang bumilis ang pag lalakad nito.  Pero nakakakilig lang isipin na baka nag seselos ito kaya pinigilan siya. Isa pa inaantay din pala siya nito sa pag uwi.









Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now