Chapter 27

1.9K 93 11
                                    

(Nicole's POV)

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Nics?" Madaling nakaiwas sa kanya si Rachele. Humakbang ito paatras ng sipain niya ang bandang paa nito. "Bumabagal ka na ata?"

Napasigaw siya sa sobrang frustration dahil hindi niya ito matamaan. Bakit ba kasi ang galaw galaw nito? Madali lang bang mabasa ang mga susunod niyang gagawin? Kailangan niya na talagang mag igi pa sa pag i-ensayo.

Pinag untog niya ang boxing gloves na hawak niya. Determination can be seen on her face. Lumapit siya ulit dito at bahagyang yumuko ng patamaan siya nito ng suntok sa panga.

Napangiti siya dahil open ang tagiliran nito. In a swift movement she jabbed at that opening with her right hook, pero hindi niya inaasahan ang pag sipa nito sa tagiliran niya. Agad na kumonekta ang paa nito doon. Napaigik siya sa sakit at bigla na lang tumumba patagilid.

Sinapo niya agad ang tagiliran niya dahil ang sakit ng pag guhit ng kirot doon. Napapikit pa siya.

"Shit!" Hindi niya maiwasang hindi mapamura. Parang nabalian pa ata siya ng buto.

Agad na tinanggal ni Rachele ang suot nitong head gear pati na ang gloves nito. Lumapit ito sa kanya at sinipat siya. Halata sa mukha nito ang pag aalala. "S-Sorry. Di ko sinasadya, Nics."

Nauwi sa ngiwi ang pag ngiti niya sana dito. "O-Ok lang. Papahinga ko lang 'to."

Tinulungan siya nito sa pag tayo. Umiiling ito habang nakatingin sa kanya. "Masyado ka kasing distracted ngayon. Ano ba ang iniisip mo? Or should I say who are you thinking?"

Napabuntonghininga siya. Two things actually. Frenzy and that letter she received. Matapos ang masayang pag punta nila sa EK, yung mga magagandang alaala doon na nabuo. Lagi niyang naiisip nitong nakaraang araw pero may bahagi ng utak niya na nagsasabing baka temporary lang ang lahat. Baka mag bago pa ang isip ni Frenzy tungkol sa kanya. Natatakot siyang mangyari nga ang sinabi ng ina niya sa kanya, that everything she touched gets ruined. And then that letter came. Lalo lang nakadagdag ng isipin niya iyon.

"Iwan na muna kita dito. Kukuha lang ako ng cold compress para diyan sa panga mo at sa tagiliran mo. Baka mag kapasa ka pa. Tapos gamot na din."

Tumayo ito at pinagpag ang suot na sport short. Sinundan niya ito ng tingin, hanggang sa makalabas ito ng gym. Napabuntonghininga ulit siya. Sapo ang ulo na yumuko siya.

It took everything in her to avoid Frenzy. Ilang araw niya ng gusting sabihin dito ang tungkol sa letter pero ano ba sila nito? Hindi niya nga alam kung seryoso ba talaga ito sa panliligaw sa kanya.

"O ito lagay mo diyan. Tapos umuwi na muna tayo." Rachele gave her the cold compress.

Napatingin siya doon. Wala sa sariling napangiti siya. She remembered that day nung nasuntok din siya ni Rachele.

"O para kang timang diyan." Rachele throw her a playful smile. "Ngayon naman nakangiti ka. Bakit ba kasi iniiwasan mo yung bata?"

"Rachele. Hindi ko nga alam kung seryoso ba talaga yung bata na yun. Isa pa baka phase lang ako para kay Frenzy. She maybe confused. Gusto ko sigurado muna siya sa sarili niya."

"Sa pag ibig Nics. Di man sigurado ang lahat, kailangan mong sumugal. Kung lagi kang matatakot sa posibilidad, walang mangyayari sayo." Kinuha nito ang bag saka tumayo ng tuwid.

"W-What do you mean?"

Nag kibit balikat ito. "You have to find out for yourself. Ikaw kasi ang hindi sigurado. Hindi si Frenzy."

------------------------------

Nicole stared on her messenger's inbox. Particularly at Frenzy's name.

"You have to find out for yourself. Ikaw kasi ang hindi sigurado. Hindi si Frenzy."

Paulit ulit na nag r-replay sa utak niya ang sinabi ni Rachele sa kanya. Mukha ngang tama ang kaibigan niya. Heto na naman siya. Bumabalik na naman siya sa dati. Siya ang hindi sigurado.

She forced herself to tear her eyes away from the screen's monitor. Kinuha niya ang letter na nasa lamesa niya. Tinitigan niya iyon. Wala na ito sa sobre.

Dahan dahan niyang binuksan iyon. And just like before she can't still believe what the letter told her. 

You have been approved for the exchange student program as a civil engineering student. Please reply to this message for your slot to be filled until the said date below. Send the letter of your reply along with this letter.

Napabuntonghininga siya. Ito na ang pinapangarap niya pero bakit tila ayaw niyang umalis ng Pilipinas? Ayaw niyang iwan kung ano mang buhay ang meron siya. But this is what she wants. Ang maging civil engineer, ang mag design ng mga bahay at building. Hindi humawak ng negosyo ng pamilya nila.

"Nasaan na ang anak mo?"

Mabilis na napalingon sa pinto si Nicole. Her step dad is home again. Kailangan niya munang umalis dito. Bakit ngayon pa ito umuwi? Shit! Hindi niya na napigilang mapamura. Nanginginig ang mga kamay na pinatay niya ang computer niya.

Itatago niya din sana ang letter sa bulsa niya ng biglang bumukas ang pintuan niya. Her stepdad stepped in and quickly saw the letter she was clutching in her hand. Kasunod nito ang ina niya.

Agad na kumunot ang noo nito. "Shit talaga itong anak mo Carol." Lumapit ito sa kanya at pilit kinukuha ang nasa kamay niya. Her mother just stood there watching her. Wala siyang mabasa sa mukha nito.

"Akina sabi yan!" Pilit niyang inilalayo dito ang papel. She had the urge to kicked him where it hurts the most, pero pinigilan niya ang sarili niya. Ayaw niyang mas magkaroon pa ng malaking consequences ang gagawin niya.

"You, brat!" Dumapo ang kamay nito sa pisngi niya. Gumuhit ang hapdi sa pisngi niya sa ginawa nito. Napahawak siya doon at nabitawan ang letter na hawak.

Lalo atang bumalasik ang anyo ng step dad niya sa nabasa nito. Inangat nito ang letter. "You have been sneaking again to send this kind of letter sa ibang bansa! Hindi ba't nangako kang ikaw ang mag m-manage ng negosyo dahil wala na ang kapatid mo?!"

Napatingin siya sa ina niya. She wants her mother to help her pero umiwas lang ito ng tingin.

"I don't want anything to do with it! Gusto kong maging engineer. Hindi niyo ako mapipigilan doon. You are not even my true dad! How dare you tell me what to do!"

Ngumisi ito. "Hindi nga ako ang tunay mong ama pero ako na ngayon ang asawa ng mom mo. Kaya kung ako sayo. Sundin mo na lang ang inuutos ko."

Umiling iling ito. "Hindi ka pumunta sa training ng pag m-manage ng negosyo para lang sa walang kwentang pangarap mo."

Nanlumo siya ng inangat nito ang papel at pinag pirapiraso sa harap niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayong i-give up mo na yung pangarap mo na yun? You destroyed my daughter's future. I don't want you to fufill yours. Pag bayaran mo habang buhay ang pag kawala ng anak ko."

Tumalikod na ito sa kanya. Kasunod ang ina niya na saglit lang lumingon sa kanya.

Napahampas siya sa sahig. Her tears started falling down from her cheeks. Kinuha niya isa isa ang piraso ng papel na pinunit nito. It was cut into smaller pieces na kahit buuin ay hindi na maibabalik pa sa ayos.

Chasing Nicollete Jung - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora