23

9.2K 282 17
                                    

Luhennce went home early. Tamad na tamad akong nagbihis, Saturday ngayon means no work. Mas nababagot ako dahil wala nanaman akong gagawin. Pinili kong sa labas nalang mag-almusal. Naka jogger pants lang ako na gray at gray na top before I went off to Kendrick's Cafe.


Nang makapasok ay pasimpleng hinanap ng mga mata ko si Kendrick. Kumunot ang noo ko ng hindi ko siya roon makita. Nakaupo na ako't lahat lahat ngunit wala talaga siya, kaya no'ng may lumapit sa akin na waitress ay agad na akong nagtanong.


"Si Kendrick?"


"Wala po si sir ngayon ma'am, may pinuntahan po." muling nagsalubong ang kilay ko, was it...Clarisse? Magkikita ba sila ulit?


Para akong nawalan ng ganang mag-almusal kaya tanging inorder ko lang ay isang cup ng cappuccino. Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas, nagulat pa ako ng medyo umambon. Hindi ko napansin na hindi kagandahan ang weather. Kanina pa ba ako lutang?


Nabalik lang ako sa wisyo ng may maglapag na ng kape sa harapan ko.


"Ma'am, pinapabigay nga po pala ni Sir, binilin niya po 'to incase na magawi kayo. Actually, ipapadala na po sana namin 'to sa unit niyo kaso dumating ho kayo." natulala ako sa bouquet ng roses na inabot niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at marahan iyong tinanggap. Tulad ng inaasahan meron nanamang card doon. Na nasasanay narin ako dahil iyon ang una kong hinanap. I was excited to see what was written on it this time.


Kagat labi ko iyong binuksan.


'You only live once, so spend your time and life with people worthy of your love.'


May kung anong lumusaw sa puso ko, at ramdam ko ang tila mga paru-paru na umakyat mula sa tiyan ko papunta sa dibdib ko. Gusto ko siyang makita, pero hindi ko alam kung asan siya ngayon. Sa isiping baka kasama niya si Clarisse ay pumapait ang panlasa ko at naibaba ang tasa ng cappuccino na sinimsiman ko.


Mabilis akong tumayo at nagbayad bago piniling lumabas. I was about to get inside my car when I heard voices, ba tila may pinagtatalunan.


"I waited for you! It's my birthday, Luhennce, tapos hindi ka manlang nagpakita sa akin? Kahit no'ng birthday ko lang...ibinigay mo na sana iyon para makasama ka. Alam mo namang bihira nalang tayo magkita!"


"Amanda needed me last night, alam mo namang hindi ko mahihindian si Amanda, malaki ang naging pagkakamali ko sa kaniya." Napaayos ako ng tayo ng marinig ko ang pangalan ko.


"Yeah right it's Amanda! Always be Amanda! How about me, huh? I am still your girlfriend! But not with your obsessive ex around! You're starting to neglect me! Kung asan tayo! Nando'n din siya! Palagi siyang naroroon! She 's always between us! She's ruining us! Tapos ngayon sasabihin mo sa 'kin 'yan? My God, Luhennce! It was my day! Were supposed to be together! Sino ba sa 'ming dalawa ang girlfriend mo ha?! Siya ba!?"


"That's not what it is, Cass! She needed me last night."


"And I needed you too! Alam mo kung gaano sa 'kin kaimportante na makasama ka kahapon at kagabu! Alam mong wala na akong parents at tanging si kuya nalang ang meron ako! Tapos ikaw! Pero pareho pa kayong wala!" She started to cry at nanatili akong nakasandal sa kotse ko habang kunot ang noo at pinakikinggan sila.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now