28

9.5K 290 21
                                    

Nagulat ako ng may makitang dalawang bouquet ng red roses at white roses sa dining table ko. May nakahanda naring almusal doon at may note pa.


Dito na rin kasi nag-stay si Kd; it's been a week of being his girlfriend, and so far, okay naman. I don't know what happened to Luhennce and Clarisse. Hawak ko parin ang video at nakahanda na iyon para maipadala ko kay Cleivor, pero hanggang ngayon hindi ko magawa. Sa t'wing nakikita ko si Kendrick, nawawala 'yung rason ko para ipadala ang video kay Cleivor. Nawawala ang kagustuhan kong gumanti at manira.


Kinuha ko ang note na iniwan ng nobyo ko at nakangiti iyong binasa.


"Good morning, my boss baby. I'm off to work. I have 3 meetings in a row. I made you breakfast. Eat well."


Boss baby? Napangiwi ako ng maalala 'yong cartoons na the baby boss, yung sangol na pang matanda ang boses na naka-diaper pero matalino.


Naupo na ako at pinagbalingan naman ang dalawang bouquet na may dalawang card. Sabay ko iyong kinuha at binuksan ang una.


Only true love can heal all the wounds of the past.


Unti-unting sumilay ang ngiti ko bago binuksan ang isa pa.


Universe is much wider than you could ever imagine, and I consider myself a lucky star. Why? Because I met you and had a chance to fall, like the sun met the moon, like the ocean met the ground, and like a prince met and fell in love with the villain.


Hindi ko na maintindihan ang kalabog ng dibdib ko. Nakakainis ang lalaking 'yon!


I spend my time eating breakfast. Tinatamad akong pumasok sa trabaho kaya rito nalang ako sa unit nagtrabaho. I let my secretary handle some of my work.


Before lunch, I was about to cook when I heard a buzz. Binaba ko ang phone ko matapos mag-send ng message kay Kendrick. Nang mabuksan ang pinto ay nagulat ako sa taong nasa harapan ng unit ko ngayon.


"H-hey, can I have a lunch with you? Namiss ko lang luto mo." matamlay ang mga matang ngumiti siya sa akin.


"H-ha? A-ah...sige pasok ka." He's lifeless! Nagbreak talaga sila?


Hindi ako nakatiis, habang nagluluto ay sumusulyap ako sa kaniya. "Are you okay, Luhennce?"


Nagkibit balikat siya, at maya maya'y nakita ko ang pagbagsak ng nga luha niya.


"Can you help me? Amanda? Help me forget her. Help me, please. You love me, right? Please..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin habang umiiyak siya.


Guilt crept onto my chest as my hand caressed his back.


"I love her, but I can't accept what she told me—she likes that guy, she cheated on me...fuck!" para akong dinudurog sa pag-iyak niya. My tears started to escape as I swallowed hard.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now