45

11.4K 382 20
                                    

Pumasok ako sa trabaho ko kay Kendrick, at hindi pa rin niya ako pinansin. Para akong tangang nakaupo sa couch, niya walang ginagawa at naghihintay na balingan niya.


"Sir, do you need help? May maitutulong ba ako?" Pinili kong maging malumanay.


"Just go make me a coffee," Malamig na sabi niya na medyo kinainis ko at tumungo sa kusina. I sighed while brewing coffee.


Patience, Amanda, you know him. Kahit noon pa medyo may pagka-moody talaga siya. Nang makapagtimpla na ng kape ay agad na akong lumabas at marahang nilaapg ang kape sa harapan niya. Hindi manlang niya iyon sinulyapan kaya napa-ikot na lang ako ng mata ko.


"Sir, may galit ka ba sa akin?" Hindi nakatiis na tanong ko habang nakatayo parin sa harapan niya.


"Do I have a right to be?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.


"Sir, pardon?" Hindi niya ulit ako pinansin kaya napabuntong hininga ako. Gosh! nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya.


Napasandal ko sa couch at napahalukipkip nalang. Nakakainis na siya!


"Sabihin mo lang sa 'kin kung kailangan mo pa ako, kasi kung hindi aalis nalang ako." Iritado nang sabi ko at mabilis pa sa alas kwarto siyang napalingon, habang kunot ang noo.


"Kailangan kita." Sagot niya ngunit iba ang naging dating sa 'kin. I pursed my lips because of that. Kahit medyo iba ang pakiramdam noon, naiinis parin ako.


"Kailangan daw pero hindi ako masyadong pinapansin, nakakairita." Bulong bulong ko at nagdadabog na sinampa ang mga paa sa couch. I heard him breathe out harshly a couple of times, but he didn't say anything.


"What do you want for lunch?" Seryosong tanong niya.


"Kahit ano," Iritadong sagot ko. Napansin kong napalingon siya ngunit hindi ko iyon sinalubong. Tumayo siya saglit at pumasok sa loob ng kusina kaya napaayos ako ng upo at saglit na sinilip ang laptop niya.


Napasimangot ako ng siya na nga ang gumagawa lahat ng dapat ay ako. Ginawa lang niya akong spectator niya for moral support. Tumayo ako at sumunod sa kusina, naabutan ko siyang nakasuot ng apron at abala sa pagluluto. Sumandal ako sa side ng pinto at pinanood siya.


"You're mad. Is it because of last night again? Dahil nakita mo nanaman kami ni Sir Stevan? Nagseselos ka nanaman ba?" Hindi na ako makatiis. Naiinis na talaga ako, at wala na akong pakialam kung saan umabot 'to. I need to know! Mas gusto kong mag-away kami kesa tiisin ko ang cold treatment niya.


"I'm not mad," Tipid na sagot niya at hindi man lang ako tinitingnan.


"Then look at me and say that." Hamon ko ngunit hindi niya ginawa.


"If you won't do that, then I'd better go." Mabilis niya akong nilingon at pinakatitigan ang mga mata ko.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now