41

11K 328 11
                                    

"Bakit hindi ka pa mag-asawa Amanda?" I sipped on my glass before facing Ruby. Nasa isang circular table kami sa may pool side, sa kabila namang parte ng pool ay may sarili ring grupo ang mga lalaki.


Kasama ko sa table ang mga kaibigan ko at kasama sa organisasyon dati. Naririto rin si Clarisse, Mavis at Sab.


"Wala pa kasi akong aasawahin, may irereto ka ba?" Natatawang biro ko na kinatawa rin nila. Binatukan ako ni Sab, dahil doon.


"Gaga! na 'yan na ang hot na si Fafa Kendrick, papareto ka pa?!" sinamaan ko siya ng tingin at sumulyap sa table ng boys sa kabila, they are all laughing. Pag talaga mga lalaki nagsamasama.


"We're not even together," I groaned.


"Pwede naman kayong magbalikan."


"Ako ba dapat makipagbalikan?" Nailing ako ng sabihin ko iyon bago tatlong beses na nagshot.


"That's not my thing now, kapag ayaw, d'wag." It sounds like a bitter coffee, but at least hot. lol.


"Kaya mamaya humanda ka sa body shot," Nagtawanan sila sa sinabi ni Sab.


"Hey! Ayoko sabi no'n!" Pagangal ko na hindi nila sinangayunan. Pinagkakaisahan nila ako!


"Girl, tayong babae lang makakakita! Nakaprepare na yung room! Isang guy lang ang papasok, except sa may mga asawa na shempre!"


"So planado niyo talaga eh no?!"


"And we even bought one box of condoms." Mas lumakas ang tawanan nila na mas kinasama ng timpla ng mukha ko.


"Ano ba wag ka na ngang umangal! Masyado kang pa-virgin—hello! We're adults now. That's normal. Saka isa pa, jusko naman Amanda—Lampas na sa kalendaryo ang edad mo magiinarte ka pa?!"


"Subukan mo kayang maging ako para malaman mo, my God!"


"Wag kang assuming! Hindi mo pa sigurado kung si Kendrick ang gugustong pumasok!"


May parte sa akin na ayaw ko at merong parte na gusto ko. Ayaw ko nung ideya na siya ang gagawa, dahil hindi pa lang ay ramdam ko na. Pero ayaw ko rin naman ng ideyang hindi siya ang pupunta dahil ayaw niya.


"Swimming na tayo!" Agad na nagyaya sila Timber at nagsipuntahan na sa pool, habang ako'y naiwan kasama si Mav at Sab.


"Ano wala kang balak lumangoy?" Tinaasan ako ng kilay ni Mavis kaya napasimangot ako.


"Ang sasama ng ugali niyo." Mas lalo akong sumimangot at mabilis na lumagok ng alak na nasa baso ko.


"Halika na!" Mabilis nila akong hinila patayo at itinulak sa pool. They laughed at how wala akong nagawa kundi ang matawa nalang din. The boys started to swim too, kanya kanya nang lapit ang mga ito sa kanilang babae kya pinili kong lumangoy patungo sa dulo kung saan walang nakapwesto at dun umahon, ngunit di natuloy ng may lalaking nakaupo sa taas at nakayuko ang mukha dahilan para muntikan nang maglapat ang mga labi namin.

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon