38

9.7K 320 25
                                    

The whole ride was so serene. It was early, at 4 a.m., and we were together inside his car in mere silence.


"D'yan na lang Sir sa tapat." turo ko sa labas ng subdivision. "Hatid na kita sa loob."


Napalingon ako sa kaniya ngunit seryoso lang ang tingin niya sa dinaraanan. Marahan niyang inikot ang manibela papasok sa subdivision. Pa simple nalang akong napabuntong hininga at hinayaan siyang ihatid na ako sa pinakaloob. Nang matanaw ko na ang bahay na tinutuluyan ko'y umayos na ako ng upo.


"Okay na ako drito sir, ayan na ang bahay ko."


"Which one?" Tinuro ko ang bahay ko na siyang sinilip niya. Sumulyap ako sa kaniya at nakitang medyo kumunot ang noo niya.


"That's your house?" I bit my lip and nodded, na para bang makikita niya iyon. Hindi na siya nagsalita pa ulit at Marahang piniarada ang sasakyan. Mabilis akong kumilos upang tanggalin ang pagkakakabit ng seat belt ngunit nagulat ako ng mabilis siyang dumukwang at nagkasabay ang pagkakahawak namin dito.


Pakiramdam ko'y napigil ko ang sariling paghinga at napasandal sa backrest ng kinauupuan. I could feel his breath against my face. Nanigas ako sa pwesto ng halos tumama ang tungki ng ilong niya sa baba ko. Marahan niyang tinanggal ang pagkakakabit ng seat belt, matapos ko iyong bitawan at maya maya'y umangat ang tingin niya sa akin. Nagtama ang mga mata namin dahilan para kumalabog ng malakas ang dibdib ko. I pressed my lips tightly, shocked and stiff.


It feels so long since I've had a chance to stare into that mesmerizing, deep set of eyes. Akala ko hindi na ako ulit magkakaroon ng pagkakataon na makita iyon, ngunit heto at ilang inches lang ang layo namin sa isa't isa.


His eyes drifted down on my lips, and mas lalo kong pinigilan ang paghinga ng unti-unting lumalapit ang mukha niya. Halos napahigpit din ang kapit ko sa dala ko na siyang gumawa ng ingay na nakaagaw ng attention niya. Marahan siyang lumayo, at ilang segundo pa'y agad na akong nakabawi.


"T-thank you sir, baba na ho ako." Hindi pa siya nakakapagsalita ay agad na akong bumaba. I was about to walk when he spoke.


Nakababa narin pala siya sa sasakyan at nakapamulsa siyang nakasandal dito.


"Later, at 5 p.m., don't forget your interview. Sa D&B." Marahan akong pumihit at kagat labing nanatili ang tingin sa baba.


"Why me?" I asked because I was really wondering why. "Why not you?"


"Maraming architect na pwede kayong matulungan, although I am very thankful na tutulungan niyo ang school namin, pero kasi may mg tinuturuan ako."


"That's why you'll be on leave for one week."


"H-ha?" Napaangat na ako ng tingin.


"My secretary will replace you for one week. Habang ikaw sa amin ka muna magtratrabaho for 1 week...And why not you, galing ka sa Salvacion. It is better if you're the one who will help us." Tumango tango nalang ako.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now