20

10.5K 335 29
                                    

Pinunasan ko ang sariling pawis, bago nilapag ang ginamit kong bimpo at basin para linisan si Kendrick. Napakabigat niya! From salas to his room, pakiramdam ko nagbuhat ako ng napakabigat na bakal.


Bumaba ang tingin ko sa katawan niyang walang saplot hanggang sa pants niya. Napailing iling ako ng may naisip na hindi kagandahan. Argh! Utak mo talaga kahit kailan Amanda.


Get yourself together, bitch! You perv. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay na unti-unti kong inabot ang belt niya. Marahan ko 'yong binuksan kasunod ng butones ng kaniyang pantalon. Pigil hininga kong ibinaba ang zipper ng pants niya at iniingatang wala akong maramdamang kung ano.


Shit! Shit! Shit! Bakit ba ako nanginginig?


I breathed out first before I started to pull on his pants. Mabilis kong tinakpan ang kalahating parte ng katawan niya, dahil naiilas akong makita siyang naka boxer lang, bago nilagay sa basket niya ang mga damit niyang hinubad ko. Kumuha ako ng isang piraso ng t-shirt at jogging pants sa closet niya bago siya binihisan.


Tss! Hindi ko maimagine na gagawin ko 'to! ako ang boss niya diba? I almost gave myself a slap. Nang matapos ay ibinalik ko lang ang mga ginamit ko, bago bumalik sa kwarto ni Kendrick. It's already 11 in the evening; I wonder if he's already eaten dinner. Since hindi ako nakapag-dinner kanina, inayos ko lang ang pagkakalapit ng kumot sa katawan ni Kendrick at lumabas narin para magluto saglit. Pakiramdam ko'y bigla akong napagod kaya imbes na magluto ng medyo mahirap lutuin ay fried chicken nalang ang niluto ko. Good thing he has full stocks in his fridge. Mukhang mahilig siya mag-grocery. Hindi ko tuloy ma-imagine na ang katulad niya ay isang grocery-freak.


Habang kumakain ay ngayon ko lang napagmasdan kung gaano kaayos at kaganda ang condo niya. Napaka cozy niya sa pakiramdam. Hindi mo aakalain na isang lalaki ang nagmamay-ari. Masyadong organized at halatang mandalas linisan. Matapos kumain ay hinugasan ko narin ang pinagkainan ko at kumuha ng isang baso ng tubig at gamot bago bumalik sa kwarto ni Kendrick. Naabutan ko itong tulog na tulog parin at nasisiguro kong bukas na ang gising niya. I put the glass on the side table before settling myself on his couch.


Tahimik akong humalukipkip at pinagmasdan ang lokong tulog na tulog. I don't think he is really a drunkard bastard; hindi halata asa itsura niya so I am thinking, what the hell is his problem? Bumuntong hininga ako at muling tiningnan ang card na nakuha ko sa boquest niya kanina. I wanted to laugh because of that...pero pinigilan ko na lang ang sarili ko't unti-unting pinikit ang mga mata.


I was awakened when I felt something snake around my waist. Tila nakasandal ako sa isang mainit ngunit matigas na bagay. It was cold, but that thing makes everything warm for me. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at pa simpleng Sinulyapan ang tabi ko, only to find out that I was with Kendrick and we were cuddling on his bed. Na gising siya kanina? And he even carried me here? Mukhang nainom narin niya 'yung gamot na iniwan ko sa side table. Marahan akong kumilos para sana umalis mula sa pagkakayakap niya sa akin when he sexily groaned and pulled me closer to him again. Napangiwi ako at pakiramdam ko'y uminit ang buong mukha ko ng muling magdikit ang katawan naming dalawa.


Mukha namang tulog natulog pa siya at gustuhin ko mang umalis ay wala na akong lakas, masyado ring mahigpit ang yakap niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nakaramdam ng pagka-komportable sa posiyon namin ngayon. Too comfortable, which is a feeling I really hated before.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now