39

10.3K 339 26
                                    

Agad akong napalayo sa kaniya at mabilis na napatayo. Ang nararamdaman kong kilig ay natabunan ng kaba. Para akong biglang natakot sa isang bagay, para akong naduwag...at hindi na iyon magawa pang harapin.


"M-mauuna na ako Sir... thank y-you." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at mabilis ng naglakad paalis. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko para halos kapusin na ako ng paghinga. He still has the same effect on me. At hindi ko alam kung magagawa ko pa bang makaahon.


Abala ako sa pagaantay ng trycicle ng tumunog ang phone ko, si Kia.


"Hello?"


"A-amanda..."


"Kia? Napatawag ka?"


"Something happened."


"A-ano 'yon?"


"Meast and the rest are wounded."


"Ano?!"


"Sumugod ulit sil" Hindi nito matuloy ang sasabihin dahil para itong maiiyak.


"W-wala man bang napahamak?" Alalang tanong ko.


"W-wala naman. I was just scared... kaya tinawagan kita. Natakot ako ng bumalik sila ritong puno ng mga sugat."


Mariin akong napapikit. Dalawang taon na simula ng umalis ako sa organization. I resigned, laid down my badge, and surrendered my guns. I am no longer a part of the Red Society, pero kahit gano'n ay patuloy parin akong sumusuporta sa kanila, I still care for them.


"Si Meast? Pwede ko ba siyang makausap?"


"He's in c-coma..." Ramdam kong umiiyak na ito kaya naman nanlumo ako sa nalaman. My cousin is in a coma. At wala manlang ako roon? Napakalayo ng probinsiyang ito, kung pupunta ako ngayon ay bukas pa na hapon ang dating ko at ang balik ko naman ay natitiyak kong baka martes na.


"P-pupunta ako," I bit my lips after saying that. Nilingon ko ang cafe at agad na bumalik. Nakasalubong ko si Kendrick, and he was about to say something, ngunit ng magkasabay kami ay tumahimik na lang muna siya.


"H-hindi ako makakapasok ng Monday sa'yo." Kumunot ang noo niya ngunit hindi naman siya mukhang galit.


"Bakit?" Nakagat ko ang sariling labi.


"I need to go back, I need to see my cousin. They're wounded. He's in c-coma..." Nanginig na ang kamay ko at nagsimula ng mataranta. Dapat nandun ako, dapat matulungan ko sila, at si Kia.


Bigla akong nawala sa pagkataranta ng hawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinila papalabas.


"K-Kendrick..." Huli na para bawiin ko pa ang pagbanggit ko sa pangalan niya, but it seems like he doesn't care.


Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now