09

11.6K 335 54
                                    

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo. Pagmulat ng mata ko'y likuran ng isang lalaking walang suot na pangitaas ang tumambad sa akin.


"Kendrick," mabilis niya akong nilingon at may kinuhang baso ng tubig at gamot bago umayos ng upo upang makita ako at inabot iyon sa akin.


"Drink this," agad ko naman iyong tinanggap at ininom. Pasimple kong sinilip ang katawan ko at napabuntong hininga. Tumayo na siya at inilapag ang ininuman ko sa gilid.


"Why?" I started to ask.


"Huh?" mukhang malalim ang iniisip niya.


"Bakit hindi mo ginawa? I gave you permission."


"Kasi hindi tama, we don't even have any relationship at hindi pa tayo matagal na magkakilala. Mataas ang respeto ko sa 'yo at alam ko ang limitasyon ko. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na 'yon sa 'yo, unless we both love each other. Or I have your consent." hindi na ako nagsalita at bumangon na lang. Suot ko ang t-shirt niya kaya wala siyang pang itaas na suot.


Tulala akong nag-shower, matapos ay nagbihis lang ako at lumabas na rin. Naabutan ko pa si Kendrick sa kusina; he's cooking breakfast. Nalinis na rin niya ang mga kalat na ginawa ko kagabi. Nakahalukipkip ko itong pinanood bago ako tumikhim na kinalingon niya.


"Are you hungry? Wait lang ah, malapit na." hindi ako sumagot, wala ako sa mood na umupo at hawak ang cellphone ko. I checked my Instagram, and Luhennce's story. Mas lalo akong nawala sa mood ng makita kong magkahawak nilang kamay ang nasa IG story niya. Meron breakfast nila, na may caption na 'Cooked by My future wife, I'm so lucky'.


Mayroon ding stolen pictures ni Clarisse na abala sa pagluluto and so on. Habang tumatagal ang pagtitingin ko ay pabilis nang pabilis ang pagshift ko hanggang sa binalik ko na 'yon at binaba na ang phone ko sa inis. That Clarisse, kung wala siya dapat kahit papano ngayon unti-unti ko ng napapabalik sa akin si Luhennce. Napakalaki niyang bara sa aming dalawa. Be ready Clarisse, you'll feel my pain too.


"Ito na, sana magustuhan mo." napalingon ako sa nilapag ni Kendrick at ng maamoy ko 'yon, ay bigla akong napaayos ng upo.


"You know how to cook!" gulat na sabi ko na kinatawa niya.


"Of course, Madamé," hindi ko pinansin ang sinabi niya, at mabilis nang kumuha ng pagkain. Marami akong kumain, hindi naman kasi ako diet, kaya lang kahit marami akong kumain, hindi ako tumataba. Naramdaman kong walang balak si Kendrick na sumabay, kaya nilingon ko ito.


"Where are you going?"


"Uuwi na," natigilan ako.


"Kumain ka na muna."


"Hindi na, sa bahay na lang. Sige madam boss, alis na ako." Madam boss? Kanina Madamé, arrgh! Is that sarcasm? Hinayaan ko na lang siyang umalis ngunit hindi pa man yata siya nakakalimang hakbang, ay tumayo rin ako at sumunod sa kaniya hanggang sa pintuan.


"Thanks," I said, in a monotone voice. Nilingon niya ako dahil doon at saka ngumiti bago tumango.

Owning My Ex (Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ