06

12.2K 360 32
                                    

I texted him again in the morning. It's like nothing happened last night. Binati ko siya ng good morning, and I even asked him to have some coffee and breakfast with me outside. Kahit papaano umaasa ako na sana, mag-reply naman siya. Pero wala nanaman akong napala. That's when another email notified me. Mabilis ko iyong binuksan at hindi ko nanaman nagustuhan ang nakita ko.


May kasama naman pala siya, kaya hindi niya ako magawang replayan at samahan. I asked my tracker to send me some details about the girl. Hindi naman ako nito binigo at ilang minuto lang ay may naipadala na siya sa akin.


Name: Clarisse H. Lopez

Degree: BSED Major in English

CAS- Instructor I

Age: 28 years old

Status: Single


Binasa ko pa ang ilan niyang job experiences at address. Pati ang socio-economic status niya. At isa lang masasabi ko, lamang pa rin ako sa kaniya. Mabilis akong bumangon at itinapon ang phone ko sa kama, bago nagsimulang magasikaso. Tanging white crop top shirt lang ang sinuot ko at denim short, nagsapatos lang din ako at sinuklay ang maiksi kong silver blonde na buhok na hindi pa umabot hanggang balikat ko.


My hair just defined what a bitchy woman I am. Mas pinagmukha nitong maldita at matapang ang mukha ko, maraming nagsasabing maganda ako, pero matapang ang mukha. Isama mo pa ang kilay kong akala mo laging magkasalubong at bahagyang nakaarko.


My pointed nose that screams sophistication and my pouty, apple-shaped lips that always love to form a grin. That's why that woman, Clarisse, looks intimidated to me, huh? Hindi na ako naglagay ng kahit na anong make-up sa mukha ko, sa tapang nito'y baka mas lalo lamang tumapang.


I grabbed my car keys and wallet, along with my phone, before I went off my unit. Saturday ngayon, mas may oras akong bumuntot kay Luhennce. I wore my ear pods and contacted Freed. Siya kasi ang tracker ko, na isa ring tauhan ng Red Society. He told me where I could find the place, kaya madali ko 'yong nahanap.


Ngumisi ako pagkababa at hinubad ang sunglass na suot ko bago taas noong naglakad papasok sa cafe kung nasaan si Luhennce at Clarisse. Pagkapasok ko palang ay nakita ko na sila, bago pa man nila malamang naroon ako ay agad na akong nag-iwas ng tingin at dumeretso sa counter para mag-order. Nagangat sa akin ng tingin ang cashier, and his eyes widened. Kumunot ang noo ko sa naging reaction niya.


"Are you okay?" I asked in a bitchy tone. He has the looks, maraming mga babae ang naririto at pinagpapantasyahan siya ang iba lihim pang kumukuha ng picture niya.


"I-ikaw 'yong..."


"What? Are you sure you're okay?" muli kong tanong at inabot ang bayad ko, pansin kong nanginginig pa ang kamay niya ng tanggapin iyon. Mas lalo lang akong nairita. Ano ba naman ang isang 'to? Napamaang nalang ako at awkward na tinalikuran siya para maghanap ng table.


"Ikaw 'yong sa bar kagabi 'di ba?" bigla akong napatigil. Hindi malakas ang pagkakasabi niya, at sapat lang iyon para marinig ko. I slowly turned to face him again and tilted my head as if examining his features. And the face of a guy flashes in my mind.


"Ah! 'Yong lalaking hindi marunong humalik! I remembered you." bigla siyang namula na kinangiwi ko. Mukha siyang nahihiya na hindi ko alam.


"S-sorry pala, a-ano kasi. Hindi ko naman intention na g-gawin 'yon." napakamot pa ito sa sarili niyang batok kaya mas lalong umawang ang labi ko, I almost laughed, but I didn't.


"Forget about it, I'm not mad. Paki hatid na lang ng order ko sa table ko, at pakibilisan." pekeng ngiti ang binigay ko sa kaniya bago naupo sa nakita kong table na wala pang nakapwesto. I can see in my peripheral vision that Luhennce has already noticed me. Pero hindi ko pinahalata na alam kong naroroon sila. I was checking my phone from time to time at napapansin ko rin ang madalas na pagtingin sa akin nung lalaki kanina, at pag nahuhuli ko siya'y agad siyang napapayuko o iiwas.


Hindi siya mukhang playboy or party boy. Hindi ko alam kung bakit naroroon siya sa bar kagabi, pero wala sa aura niya na mahilig siya sa mga night party. I don't even know if he's already had a chance to touch a pussy.


Never mind; he seems like August anyway. Both virgin and boring, no thrill at all. Masyadong mga good boy! Well, Luhennce is a good boy too, but not in bed. Silly. I bit my lips because of that thought ng may maglapag na ng tray sa harapan ko.


It was the guy cashier again! Pinanood ko siyang ingat na ingat sa paglalapag ng order ko. Nakarinig ako ng mahihinang tilian sa gilid ko, and my lips twisted because of that. Mukhang nahati ang attention ng mga babaeng naririto dahil sa lalaking 'to at kay Luhennce.


"What's your name?" I casually asked. Mukhang nagulat naman siya at hindi inaasahan ang tanong ko.


"Kendrick, K-kendrick ang pangalan ko." Tumango-tango ako.


"Okay, thanks Kendrick." namula siya sa pagtawag ko ng pangalan niya. Halos mabali ang leeg niya sa kakalingon sa akin habang papabalik at muli, gusto ko nanamang matawa at napailing nalang. Accidentally, I met Luhennce's eyes. Mas lalo akong ngumiti at hindi inalis ang mga mata sa kaniya.


Kunot ang noo nito at naroroon nanaman ang paggalaw ng panga niya. It seems like Clarisse is talking and telling him something, and he was just looking at me, glaring. Nakaisip nanaman ako ng kalokohan kaya mabilis kong kinuha ang mga pagkain ko at lumapit sa kanila. Marahan kong nilapag ang pagkain ko at kumuha ng upuan to suit myself between them.


"Hi! Good morning! Good to see you two here." nilingon ko si Clarisse at mukhang gulat na gulat siya. She looks intimidated again at naging mailap ang mga tingin.


"Amanda, can't you see? This table is just for two people."


"But there's still a space for another one! Don't be so rude to me, I bet Clarisse won't mind if I'm here, right? Clarisse?" nilingon ko si Clarisse at naiilang itong tumango. I can feel the tension on this table, nagpapakawala ng mararahas na paghinga si Luhennce bago ako matalim na tiningnan. He holds Clarisse's hand to pull her up.


"Let's go Cass, sa iba na lang tayo kumain ulit." mariin na sabi ni Luhennce at mabilis nang umalis. I was left alone again, and I laughed bitterly before eating my food alone.


No matter how hard you try to protect her, be with her. Palagi akong susulpot sa pagitan niyo Luhennce, walang beses na hindi ko kayo guguluhin. Kung ano mang mayroon sa inyo ng Clarisse na 'yan, I'll make sure hindi siya magiging masaya sa tabi mo. Hinding hindi ko kayo hahayaang maging masaya hangga't hindi ka bumabalik sa akin.


. . .

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now