34

9.3K 289 19
                                    

"Dj Gab, mayroon po kasi akong ex at mahal na mahal ko pa rin po siya, pero ngayon po may mahal na siyang iba. Kahit na minsan nararamdaman ko po may konti pa siyang nararamdaman para sa akin, ano po bang dapat kong gawin? Hindi ko po kasi kayang wala siya sa buhay ko." Napangiti ako at humawak sa suot suot kong head phone.


"Alam mo, kaya mo namang mabuhay ng wala siya eh. Kung alam mong wala na talagang pag-asa 'wag mo ng ipilit, kasi hangga't ipinipilit mo ang mga bagay na hindi na tama, mas lalo kang masasaktan sa huli at makakasakit ka rin ng iba... kung mahal mo talaga siya be happy for her, although feeling mo may nararamdaman pa siya sa 'yo. Hindi naman siya magmamahal ulit kong ikaw pa rin ang mahal niya hindi ba? Learn acceptance and let go. That's how you can overcome and heal. That's how you can move on and then fall for someone else again. Kasi 'yon naman talaga dapat. We can never force love... because love shouldn't be selfish. Let her be happy and make yourself happy, and that happiness... you can never find it in the same place you lost it. Kung ibibigay mo ang kasiyahan no'ng babaeng mahal mo, matututunan mo ring maging masaya pagkatapos." Unti-unting bumaba ang tingin ko sa aking harapan at natulala saglit. Nagpasalamat pa 'yong caller at sinabi niyang susubukan niya, pero hindi ko na iyon naintindi pa.


Pamilyar kasi 'yong sitwasyon niya. Naalala ko nung panahon nasa kalagayan niya ako.


Minsan kong ipinilit ang pagmamahal na hindi na dapat, nanira ako ng relasyon sa kagustuhan kong makuha ang isang bagay na matagal kong pinaniwalaang akin. Masyado akong naging maksarili, self-centered at Ma-pride na babae. Ayoko ng natatapakan ako, ayoko ng nawawalan ako, at ayoko ng nakikita ang mga bagay na dati kong pagmamay-ari na hawak na ng iba, and I realized it wasn't love, tama si Sab. Magkaiba ang obsession sa pagmamahal. Attention and love? Kusa dapat ibinibigay 'yan, hindi pinipilit kunin o agawin.


Bumuntong hininga ako at in-off na saglit ang Mike I just played song na madalas I request ng karamihan at hinubad na rin ang suot kong headphone, if I would make what I said shorter...I would just say do not be too desperate, kung ayaw sa 'yo, layuan mo, kung gustong umalis hayaan mo, kung walang pakialam sa 'yo at hindi ka na gusto 'wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo. The greater feeling than chasing someone is when someone gives you the love and attention you want without asking for it.


"Dj Gab, break muna..." ngumiti ako kay sir Ruis, at mabilis na lumabas, may mga chicken at pizza saka coffee sa mesa na kinatuwa ko.


"Grabe laging pag duty ko pizza at chicken ah! the best ka talaga sir!"


"Ganun talaga kumikita ako ng malaki sa 'yo eh." humaalakhak ito na kinatawa ko naman.


"Kung andito si Oggy nakuh magtatampo nanaman 'yon, sasabihin no'n may favoritism ka." natatawang sabi ko ulit pabalik.


"Oo nga eh! hayaan mo na, teka nga bakit ba ang tagal bumalik ng isang 'yon? baka nakahanap na iyon ng jowa sa lungsod ah!" natawa ako sa sinabi ni sir bago tinawag ang iba pang kasama namin.


"After nito may 15 minutes ka na lang 'no? kakayanin mo pa bang pumasok mamaya sa trabaho mo?"


"Naman sir, ako pa ba?"


"Malaki naman ang kinikita mo sa pagtuturo, I was just curious. Bakit nga ba rumaraket ka pa?" isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now