37

9.6K 297 19
                                    

"Teacher Gab?" Nilingon ko ang batang tumawag sa pangalan ko. Nakasakbat ang kaniyang bag, habang hawak hawak niya ang strap nito at nakatingala sa akin. Agad ko siyang nilapitan at yumuko.


"Dambie, wala pa ba ang sundo mo?" kanina pa kasi ang uwian, at halos wala ng mga bata ang naririto. Umiling naman ito sa akin.


"Wala pong susundo sa akin ngayon."


"Bakit naman? Nasaan ang kuya mo?" Wala na silang magulang at tanging kuya na lang niyang 19 palang ang nagaalaga sa kaniya.


"May trabaho po sa ngayon si kuya." malungkot na sabi nito at napayuko.


"Gusto mo bang samahan kitang umuwi?" Lumiwanag ang mukha nito at ngumiti sa akin.


"Talaga po teacher? Sasamahan mo po ako?" ngumiti ako at bahagyang umupo para magpantay kami. Pinisil ko ang dalawang pisngi nito dahil ang cute niya talaga.


"Oo naman, matitiis ba naman kitang iwan dito?" Isa, si Dambie sa mga batang tinutustusan ko ang pangangailangan. Bukod kasi sa nag-aaral ang kuya nito na working student, ay nagbabayad pa ang kuya niya ng tuition fee sa kolehiyo, at upa sa tinitirhan nila.


Kinuha ko ang kamay nito at hawak hawak iyon na inaya ko na siyang lumabas.


"Bakit mo nga pala ako tinawag kanina?" Malumanay na tanong ko habang naglalakad kami. Walking distance lang ang bahay nila, kaya madalas lang talaga nilang lakadin ang Salvacion, karamihan naman sa mga nag-aaral dito ay walking distance lang ang bahay. Pero hindi rin naman iyon ganun kalapit, malayo parin. Pero dahil gusto ko rin maglakad lakad ngayon, hinayaan ko ng maglakad kaming dalawa.


Kasalukuyan na kaming naglalakad sa tabing high way, papalubog na ang araw at medyo masarap sa feeling na naglalakad ng ganitong oras.


"Gusto ko lang po sana makipagkwentuhan," Napangiti ako.


"Tungkol naman saan?" Matalinong bata si Dambie, sa katunayan pumapangalawa siya sa magagaling kong estudyante. Grade 4 na siya, at Grade 4 din ang handle kong klase.


"Kung ano po ang pakiramdam na nakukuha ang gusto nila." Bahagya akong natigilan.


"Sa kabilang school po kasi sa kabilang bayan, nung minsang isama ako ni kuya sa school niya...nakita ko ng'yong ilang mga bata din na katulad ko...ang gagara ng suot nilang uniporme...tapos ang gaganda ng sasakyan nila...ang yayaman po nila. Iniisip ko po, ano pong pakiramdam kaya nila?" Huminto ako sa harapan niya at ginulo ang buhok niya bago ako ngumiti.


"Wala namang pinagkaiba sa pakiramdam, mahirap ka man o mayaman...nagkakapareho pa rin naman. Hindi naman lahat ng mayaman masaya...hindi lahat kompleto, at hindi lahat masaya kahit nakukuha nila ang kanilang gusto."


"Pero at least po 'di ba sagana sila sa buhay. Hindi katulad namin ng kuya ko..." Malungkot na sabi nito.


"Kaya mag-aral ka ng mabuti, para kapag nakagraduate ka na, makakahanap ka na ng trabaho, magkakapera ka na at mabibili mo na ang gusto mo." Gusto ko sanang dagdagan pa pero masyado pa siyang bata para sabihin ang iba pang bagay na medyo malalim na para sa edad niya. Maiintindihan niya rin naman ang mga bagay kapag nagkaedad na siya.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now