43

10.6K 287 20
                                    

I've prepared myself, matapos mailipat ni Dambie sa magiging room niya ay umalis na ako para pumasok sa trabaho. Six nang mabilis akong pumasok sa restaurant ni Fellie. "Oh, akala ko dika papasok?"


"Kailangan eh, saka biglaan ang balik ko."


"Mabuti naman! namiss ka ni Sir Stevan." Nanunuksong sabi niya na kinailing ko. Hindi ako interesado kay Stevan for Pete's sake.


"Hindi ko siya gusto Fellie. Tigilan mo na kakatukso sa aming dalawa." She tickles me to tease me more.


"Pa-hard to get ka pa eh nasa trentahan ka na." Nailing nalang ako at iniwan siya roon na nangaasar, lumapit ako sa kakarating lang na customer at binigyan sila ng menu.


It was all good, maraming customers, naging abala ako at kahit papano naging magaan ngayon dahil kompleto kami. Mga alas nwebe ng isang customer ang pumasok wearing a leather jacket with a plain gray shirt underneath. May dala itong bouquet ng bulaklak at balloons.


Agad akong tinukso ni Fellie na kinailing ko nalang. Bago lumapit sa ibang customer ngunit pinilit akong hilahin ni Fellie palapit kay Stevan na ngayo'y nakaupo na sa madalas niyang pwestuhan.


Napailing akong inabot dito ang menu, ngunit nanatili itong nakatingin sa akin.


"Are you still busy?" Hindi ko siya tiningnan at hawak ang maliit na note at hinihintay siyang sabihin ang order niya. "I am Sir."


"Just the usual, please." Hindi na ako umimik at mabilis na kinuha ang menu saka bumalik. Kahit tinutukso pa rin ako ng tingin ni Fellie ay umiling nalang ako.


Hindi ako ang nagserve ng order ni Stevan, sinadya ko iyon dahil ayokong tuksuin nanaman ako ni Fellice. Kahit mukha namang maganda ang intention no'ng tao, hindi pa rin ako komportable. Trabaho ang ipinunta ko rito at wala akong balak magentertain ng katulad niya.


Matapos kong magserve ay pumasok ako saglit sa kusina para palitan si Alyssa. I really made myself busy at pinilit na itinutuon ko sa ginagawa ang buong attention ko, kahit na paminsan minsan ay pumapasok sa isip ko si Kendrick. I tilted my head and dried my hands after washing the dishes. Masyado na akong pawisan ngunit hindi ko iyon pinansin at tiningnan ang oras.


Isang oras pa! Mabilis akong lumabas at nagkolekta ng mga pinagkainan.


"Gab, kanina ka pa niya hinahanap." Bulong ni Fellie na kinailing ko. "Fellie, hindi ako interesado sa kaniya..."Malumanay na sabi ko at nagpatuloy.


"Kahit konti teeh? Oh, ang gwapo oh! ang sweet, sweet pa." I know someone sweeter than him, and he's enough for me. I wouldn't want to entertain another man if it wasn't Kendrick. Kung si Kendrick 'yan, kanina pa ako tumakas sa trabaho. Nahinto ako saglit ng maalala ulit si Kendrick. Sinabi niya na babalikan niya ako. Bumalik kaya siya sa bahay ni Meast?


"See? natigilan karin? tss! kung ako sayo go na! hindi kita pipigilan." Nilingon ko si Fellie, at umiling.


"May naalala ako, saka Fellie...hindi ko talaga siya gusto kaya please lang... 'wag mo na akong tuksuin sa kaniya." ngumisi lang siya sa 'kin pero iniwan ko na rin siya sa pwesto niya at dumeretso sa kusina.

Owning My Ex (Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ