25

9.6K 286 18
                                    

Posible pala iyon 'no? 'Yong makalimutan mo pansamantala kung sino ka at kung ano ang pagkatao mo.


"Kuya Kendrick girlfriend niyo po ba siya?" lumuhod si Kendrick upang magpantay sila nung isang batang lalaki. Kendrick smiled at him as he ruffled the little boy's hair.


"Bakit gusto mo ba siya para sa 'kin? Maganda ba?" tumingin 'yong bata sa 'kin at para akong tangang napakagat labi.


"Napakaganda niya po kuya, bagay po kayo, siya na po ba talaga 'yong girlfriend niyo?" Kendrick chuckled as he looked at me before looking back at the kid. He licked his lips first before he said something na dahilan para magkagulo ang sistema ko.


"She will be soon. Gutom ka na ba?"


"Hindi pa naman po kuya, gusto ko po sana maglaro tayo kaso..." Lumingon sa akin ang bata na tila nahihiya kaya tumayo si Kendrick at lumapit sa akin, kinuha niya muli ang kamay ko at hinila palapit sa bata.


"This is Ate Amanda, pero para mas cute at mas maganda. . . tawagin mo siyang ate Gabby. Amanda, this is Popoy." I don't know what to say. Wala akong alam sa mga ganito.


"H-hello po ate Gabby, ang ganda-ganda niyo po." napatingin ako kay Kendrick na nakatingin lang sa 'kin at sumesenyas. I didn't know what to do, so I just smiled at the kid.


"Salamat, nice to meet you, Popoy... ang cute mo naman." namula ang pisngi nito kaya mahinang natawa si Kendrick.


"Ayain mo siya Poy, laro tayo."


"Pwede p-po ba tayong maglaro?" Maglaro? Maglalaro kami? Isasali nila ako?


"S-sure! Ano bang laro natin?"


Halos mamutla ako ng ang laro pa lang tinutukoy nila ay agawan ng base. Hindi ko alam kung anong rules niya, basta nakisali na lang ako para sa mga bata. We were divided into two groups, each with five members. Kasama ko si Kendrick, si Popoy, si Terry, at misha. Sa kabila ay ilan pang bata.


"Paano 'to?" kunot-noong tanong ko kay Kendrick ng pabulong.


"Just don't get caught, kada susugod hahabulin mo para tayain. Tapos 'yong nataya kailangan mabantayan para hindi nila matubos. Kapag naubos natin member nila tayo panalo. Kaya 'wag ka papataya." hindi ko alam na may nageexist na ganitong laro. Seriously?


Nagsimula na sila at hindi ako agad nakagalaw, everyone is running, and I was just there—nasa base at nakatayo, namamangha at natulala sa kanila. Nakikipaghabulan na rin si Kendrick, napakagaling niya umiwas halatang binabagalan na lang niya minsan ngunit 'di pa rin siya maabutan.


I breathed out before removing my shoes...namamangha kong pinagmasdan ang mga paa ko na nakatapak sa damo bago tiningnan kung sino ang kalaban namin. Saka ako sumugod at nakihabol. The kid was laughing, halatang napakasaya niya kahit hinahabol ko na siya at hindi ko rin napansing nahawa na ako ng mga ngiti niya.


"I got ya!" mabilis ko siyang tinapik at tuwang-tuwa akong nakataya ako ng isa. Agad siyang dumeretso sa base namin at dumipa na tila nagpalatubos. I laughed and was about to run when someone tapped my legs.

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon