33

9.2K 280 21
                                    

How funny it is for a year to feel like a decade! May mga bagay na bigla nalang nawawala ng hindi mo inaasahan, at sa loob ng isang taon na 'yon, parang lahat ng bagay na meron ako nag-usap na sabay-sabay silang mawala sa akin.


Kumislap ang mga mata ko trying to process everything. This year is the worst year I have ever had in my life.


"Amanda," naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mavis. Basang basa na ako sa ulan, pero hindi iyon alintana sa akin.


Nanatili akong nakatayo at umiiyak sa harap ng dalawang taong bihira ko man maramdaman, ay mahal na mahal ko pa rin.


Hindi ko alam, na sa isang iglap. Pwede silang mawala sa akin. Tama sila noong madalas nila sabihing, "Hindi habang panahon kasama mo kami." They always wanted to make me think about it, and I always asked them back, "How about me?"


Palagi nila pinapaalalang mawawala rin sila, pero hindi nila inisip na paano ako kapag nawala na sila? Wala akong kapatid, my cousins have their own families now. Ako na lang 'yong naiiwan at hanggang ngayon wala parin akong direction.


I lost my compass and my light. And I don't know where to go anymore.


I guess that's how life works... We can't really have everything... that's too greedy to think that we could get what we always want. And instead of trying to force things, we just have to treasure what is left with us. Hangga't nagagawa mo pa iyong makita at mahawakan.


Hindi sa lahat ng oras kasama mo sila, darating ang panahon na mawawala rin sila sa tabi mo, hindi habang panahon makakasama mo ang pamilya kaya dapat habang nandyan pa sulitin mo na.


Maybe I was really selfish before, iniisip ko lang sarili kong kasiyahan. Tuwang tuwa ako sa mga bagay na binibili sa'kin ng mga magulang ko at hindi ko manlang napahalagahan na minsan din silang namuhunan ng pagod para lang maibigay sa'kin ang mga gusto ko.


Sa t'wing makakasama ko sila, mas binibigyan ko ng pansin ang dala nila para sa akin kaysa magpasalamat. Sa t'wing celebration para sa pamilya, mas pinagtutuunan ko ng pansin ang kung anong ihahanda namin para kuhanan ng litrato at ipakita sa buong mundo, o sa Instagram... hindi ko nabibigyan ng pansin 'yung pamilya kong nandyan at nakakasama ko pa.


Sa t'wing magkama kami, nasa phone ko lagi ang attention ko o sa ibang bagay, instead of seizing the moments that I could be with them.


Sa sobrang pagbibigay mo kasi ng attention sa iba, nakakalimutan mong pansinin 'yong mga bagay na nasa tabi mo na... at saka mo lang makikita at mararamdaman 'yong halaga nila..kapag hindi mo na sila nakakasama.


"Nandito lang kami Amanda, don't worry." Nandyan man kayo, hindi niyo parin ako magagawang samahan sa lahat ng oras.


"I'm okay Mavis, dito na muna ako." Naramdaman ko ang pagtutol niya. She's pregnant, hindi siya pwedeng tumagal sa ulan.


"Go on, Mavis, I'm fine. Tanggap ko na 'to, I have no choice—sa ngayon...gusto ko munang mag-isa." Malumanay na sabi ko, convincing her.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now