27

9.2K 324 36
                                    

Tulala ako pagkagising kinaumagahan. Sumusulyap ako sa singsing na kasalukuyang nakasuot sa daliri ko. Kasalukuyan parin akong nakahiga at yakap ni Kendrick. He was still peacefully sleeping.


We're already in a relationship, sa pagpayag kong maging girlfriend niya, parang hinanda ko na rin ang sarili kong maging asawa niya ano mang oras. Mas ngayon ko na-realize ang gusto niya kagabi.


Before you spread your legs, do it wearing the safest thing, and the safest thing isn't condoms or other protection, but a ring securing your future.


Siguro iyon din ang naging pagkakamali ko noon. Masyado akong naging kampante at nagpadala sa nararamdaman ko...akala ko kasi hindi na kami maghihiwalay ni Luhennce. Akala ko, wala nang iba pang lalaki ang darating sa buhay ko, na baka siya na talaga ang para sa akin.


Marahan akong bumangon, napansin kong umiilaw ang phone ko sa couch sa hindi ko malamang dahilan kung paano iyon napunta roon. Kinuha ko iyon matapos suotin ang shirt ni Kendrick at tiningnan. Si mum.


From mum:

Good morning! Already arrived, my dear, your cousin picked me up... he'll send me to your unit. Are you in there?

I'm excited!


Nanlaki ang mata ko, bakit ang aga?!


Mabilis kong pinulot ang mga damit ko at basta na lang sinuot. Sa unit na ako mags-shower. Sakto namang nagising si Kendrick, habang nagsasapatos ako.


"Hey, are you mad? Bakit nagmamadali ka?" He panicked. Mabilis siyang bumangon at nagsuot ng boxer, hindi pa ngalang niya na-zizip ang pantalon niya'y lumapit na siya sa akin at hinawakan ang braso ko.


"Galit ka sa nangyari? S-sorry." Ano bang sinasabi niya?


Matapos magsapatos ay damit ko naman ang hinubad ko, walang pakialam kong nasa harapan ko siya. Kinuha ko ang bra ko at sinuot iyon saka ang damit kong talaga.


"Hurry, fix yourself!" I ordered while looking for my wallet. "H-huh?"


Mukhang hindi niya gets ang nangyayari, "My mum is on the way to my unit! Madali ka at isasama kita."


"A-ano? Paanong t-teka! Hindi pa ako nakakaligo!" Halatang kinakabahan na sabi niya.


"Doon ka na maligo sabay na tayo, bilisan mo na!" mabilis siyang nagsuot ng t-shirt niya, gulo gulo pa ang buhok na nagmadali kaming lumabas ng hotel. Kotse niya ang ginamit namin at siya na ang nagmaneho. Laking pasalamat kong wala pa si mum ng makarating kami sa unit ko.


Hinila ko na si Kendrick at halos takbhuhin namin papasok sa unit ko. I pushed him inside my room, and we both removed our clothes, tulad ng napag-usapan sabay na kaming nagshower.


Nothing nasty happened, of course! Sabay lang kaming naligo para mabilis. Buti na lang at palagi pala siyang may dalang extra na damit. Kaya may naipalit siya. Gray and black checkered pedal shorts and a royal blue v-neck shirt ang pinalit niya.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now