40

10.8K 317 10
                                    

Pinakatitigan ko ang mukha ko sa salamin, kanina ko pa tinuyo ang mga luha ko sa di mapigilang pag-iyak. Naghalo halo na ang emosyon na nararamdaman ko.


I washed my face first and fixed myself before walking downstairs. Wala na si Kendrick sa lugar kung saan ko siya tinalikuran kanina, at napaisip ako kung umalis na ba siya dahil sa nangyari, o mas lalong nawalan kami ng pag-asang magkaroon ng maayos na ugnayan.


Dumeretso ko sa pool area kung saan nagkakasiyahan ang lahat at mabilis akong sinalubong ni Sab.


"Here's the birthday girl! Did you change?"


"Huh? Ng ano naman?"


"Swim suit, of course! Hanggang mamayang gabi ang celebration! Magpapakalasing tayo." Napailing ako sa sinabi niya, same old Sabria.


"May anak ka ulol..."


"Ano ba beer day mo ngayon kaya dapat chill lang tayo, wag mo na munang ipaalala sa'kin na may anak na ako..."


"Totoo naman kasi, nasaan si Savanna? Bakit wala?"


"Hayon at nasa mamita niya! iniwan ko, hindi ako makakainom pag dinala ko 'yon dito, pati nga anak nila Meast pinadala rin sa Auntie mo." Natatawang sabi nito kaya mahina ko siyang binatukan.


"Amanda, happy birthday ulit!" Nilingon ko ang bumati at si Timber iyon kasunod ni Ruby.


"Thank you, namiss ko kayo!" Agad nila akong niyakap.


"You've changed a lot girl, hindi na intimidating!" Tuwang sabi nito na tinawanan ko lang at aksidenteng nailibot ang paningin. Nawala ang ngiti ko ng makita si Kendrick na kausap si Luhennce, they seem close...na hindi ko alam kung paano nangyari, paminsan minsan pa silang nagtatawanan...at sumama lang ang timpla ko ng makitang kausap niya rin si Clarisse.


"Nagkausap na kayo?" Namalayan ko nalang na si Sab nalang ang kasama ko, umalis na 'yong dalawa at nakisaya sa ibang mga bisita. Malapit ng maglubog ang araw, konti nalang ay magdidilim na kaya mas lalong nagiging wild ang mga kaibigan ko.


"Konti," Tipid na sagot ko, pero iyon naman ang totoo.


"Wala akong ideya kung paano kayo humantong sa hiwalayan, Nakita ko noon na mahal mo siya at ganun rin ang nararamdaman niya for you. And then, boom! bigla na lang...nawala. At pati ako naguguluhan...Pero nakita ko naman na nakabuti iyon, at ngayon birthday mo...ang hiling ko lang...sana maging kayo pa rin."


"I'm scared..." I murmured. "Scared of what?"


"Natatakot akong maulit ang nangyari sa aming dalawa. I'm scared to be in a relationship with him again, kasi hindi ko alam kung this time magiging totoo na...o baka tulad ng nauna mamanipulahin nanaman niya ako."


"Naniniwala ka ba talagang ganun ang ginawa niya noon?"


Owning My Ex (Published)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα