PROLOGUE

37.1K 642 53
                                    

"Amanda!" Halos mapatalon ako sa gulat, dahil sa biglaang pagtawag sa akin.


"Damn it, Sabria! You almost gave me a heart attack. What is it?" umayos ako ng upo at nilapag ang sign pen na hawak-hawak sa gilid ng laptop ko.


"Guess what?" My brows furrowed, eto nanaman siya sa pabiting mga salita.


"Quit it, Sab! Just tell me what it is?" ngumisi siya sa akin bago naupo sa harapan ko.


"He's here!" nakaramdam ako ng pagtataka at excitement.


"Are you sure?" I must make sure that he's really here. After five years of looking for him, it excites me to finally know that he's here.


"Yup! Kapapasok niya lang as a college instructor sa Dastan," kinagat ko ang dulo ng sign pen na nakuha ko na pala ulit ng hindi ko namamalayan.


"A college instructor, huh?" tumayo ako at humarap ako sa glass wall ng gusali kung saan ko nakikita ang siyudad. Papalubog na ang araw, ganitong panahon din ng mangyari 'yon.


"Ano ng plano mo?" I pursed my lips, seryoso akong nakatingin ngayon sa malayo.


"Gaya ng dating plano," hindi magbabago ang plano ko noon at ngayon. Iisa lang, at hindi ko iyon papalitan ng panibago.


"You m-mean—" nilingon ko si Sab, bago kinuha ang blazer ko't sinuot 'yon.


"I will get him back," gagawin ko lahat para maging akin siya ulit, even if by force.


I am not selfless; I am not like everyone around me. Kung noon hinayaan ko siyang mawala sa akin dahil din sa akin mismo, ngayon hindi na ako makakapayag. Kukunin ko siya ulit, mamahalin niya ako ulit, iingatan niya ako ulit, gaya ng kung paano niya ako minahal at iningatan noon at sa kung paano niya pinagmalaking sa 'kin lang siya.


Umuwi ako sa condo, I've checked my Instagram, where I can always see his newest posts and IG stories. Bihira siya mag-post ng pictures niya, karamihan mga ginagawa niya lang, kinakain or iniinom.


I bit my nails upon seeing him preparing for his dinner. I've visited my account and posted what's mine. Showing my tats on my wrist and saying, 'Still you'. Wala akong pakialam kung hindi niya 'yon makita. I was busy stalking him when Mavis, my cousin, messaged me.


Mavis:

Weeks from now is your birthday. Any plans? Meast is asking me too.


Me:

Just a pool party will do.


I am not really into celebrating my birthday. Simula nung maghiwalay kami, nawalan na ako ng ganang mag-celebrate ng birthday ko. Nalulungkot lang ako dahil noon, kasama ko siya sa bawat pagdagdag ng edad ko. He was always there, at kahit sa kwarto ko lang niya iseset up lahat sobrang saya ko na. Tears escape my eyes as I remember those times.

Owning My Ex (Published)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن