35

9.7K 312 14
                                    

Kinahapunan ay nagpatawag nga ng meeting, nasa opisina kaming lahat ni ma'am Merciales, ang ang principal ng school na ito.


"Make sure lahat kayo nandirito sa Friday, walang mag-aabsent. Napakaswerte natin at tayo ang napiling hatidan ng tulong sa dinamirami ng eskwelahan na mas may maraming mga kabataan... pinalad tayo."


"Ma'am, kilala po ba namin ang darating na bisita. Na-feature na ba sa magazine o sikat sa social media?" Makulit na tanong ni Ma'am Lia.


"Masasabi kong oo, depende iyon sa inyo. Kung sa 'kin, ay totoong sikat nga siya."


"Pa-suspense naman ma'am, surprise ba kung sino siya?"


"Isa siyang sikat na Engineer, hindi lang dito sa bansa kundi sa ibang bansa rin." Fuck!! si Draven?


Meast is an architect. Family of Architect Kami! Wala saming engineer at ang kilala ko lang na engineer ay si Draven, Clover, at Emjie. Pero malay ko ba kung ibang tao pala, masyado lang akong paranoid. Ang kaninang curious kong pagkatao ay unti-unting kumalma hanggang sa mawala na ang interest kong malaman agad kung sino ba ang taong iyon.


Matapos mapag-usapan ang gagawin naming program para sa magiging bisita, ay agad narin akong umuwi at naabutan ko ang mag-ina sa bahay. Nagulat pa ako ng makitang ang daming pinamili ni Sab.


"Dito na kayo na-grocery?" bungad ko pagkapsok, busy sa paglalaro sa lapag si Savanna.


"Nope for you, 'yan napansin ko kasing wala nang laman cabinet mo at ref, masyado mong tinitipid sarili mo."


"Eh bihira naman akong kumain dito, full sched ako simula umaga hanggang madaling araw." natatawang sabi ko habang hinuhubad ang suot kong uniform at iniwan ang sandong suot-suot. May bago ka nanamang work pwera sa pag d-dj?


"Meron, waitress sa isang maliit na restaurant, ka-vibes ko owner, at pareho kaming all around ang trabaho kasi kokonti naman ang staff niya...hindi naman kasi kalakihan kaya nagtititpid din siya sa tao." nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.


"Then after magd-dj ka? natutulog ka pa ba?"


"Oo naman, simulang 6 to 10 lang naman ako a restaurant na 'yon, simulang 1 to 2 naman ako sa Station, bale yung isang oras, iniidlip ko muna...then papasok sa Station uwi ng 2 matutulog at gigising ng 7." tatango tango pa na sabi ko.


"Your business is getting bigger. Tapos wala ka manlang balak hawakan kahit piso sa kinikitang pera mo at nagpapakahirap ka rito?" she groaned, totoo ang sinabi niya...kahit hinahandle ng mga pinsan ko ang mga business na naiwan sa akin nila mum at dad...hindi nila pinapakialaman ang kita noon at lahat pumapasok sa bank account ko, pero hindi ako kailanman kumuha roon ng kahit piso. I have my cards at may mga banchnet naman dito, napakadaling mag withdraw ng pera pero never kong ginawa.


"Hindi pa naman ako nagpapalaboy laboy sa kalsada, hayaan mo na. Saka kaya ko sarili ko, hindi naman ganun kahirap eh." mahirap na mahirap lang.


Nagpaalam narin sila ng bandang mag aalas sinco. Habang ako naman ay nagluto nalang ng noodles, para madali, at nagpalit lang ng simpleng plain at may kalakihang maroon na t-shirt at simpleng itim na pantalon. Nagdala na rin ako nang pamalit para mamaya pagpasok ko sa station.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now