30

9.7K 276 14
                                    

"Hindi ka papasok ngayon?"


Tanong ko kay Kd na abala sa pagluluto. Ang sarap niyang panoorin ngayon, he's wearing my pink apron. Tapos wala siyang damit at naka j-pants lang habang naka top bun ang buhok.


"Nope! Gusto kita makasama." He winked at me, ayon nanaman ang kiliting dulot sa akin ng simpleng ginagawa niya. Kaya lihim akong napangiti, I am starting to love this moment... mga simpleng bagay sa t'wing magkasama kami.


We just ate breakfast together after niya magluto, ako nalang ang naghugas para magkaroon naman ako ng pakinabang.


"Oh, I forgot! May binili nga pala ako for you kahapon, u-umalis kasi ako...para magshopping. Kunin mo nalang sa drawer ko." Kumislap ang mga mata niya at ngumiti, mabilis pa sa alas kwatro na nawala siya sa paningin ko. I love the idea of him being excited over the things I am giving him. Napapasaya ako ng isiping Napapasaya ko siya sa simpleng bagay.


Nakangiti kong pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ay agad kong sinundan si Kendrick dahil gusto kong makita ang reaksyon niya, ngiting ngiti akong pumasok sa kwarto ng makita ko siyang nakatayo at may hawak na box.


Hahakabang pa sana ako habang nakangiti ng unti-unting naging malinaw sa paningin ko kung ano ang hawak niya. My smile vanished as my body stiffened. Tulala siyang nakatitig sa box at nakita ko ang binili ko for him na nasa side table.


"K-kendrick..." Nang matauhan ay mabilis akong lumapit sa kaniya at inagaw ang box. Nanatili sa ere ang tingin niya na tila hawak parin niya ang box, bago mapaklang napatawa.


"Almost 6 years and still you." Banggit niya sa mga salitang mariing kinapikit ko saglit at muli ring nagmulat. Muli siyang natawa pero nakita kong nangilid na ang luha niya bago ako hinarap. The pain in his eyes pinched my heart. It was all visible at sa tagal naming nagkakasama, ito ang unang beses na nakita ko ang ganun klaseng sakit.


"Almost 6 years and still with him? If almost 6 years and still with him, where was I?" para akong napipi ng bumakas ang hinanakit sa mga mata niya, kahit ang boses niya'y nanginig ng sabihin niya iyon.


"K-ken—"


"Hindi pa rin ba Amanda? Hindi pa rin ba ako? Siya parin ba? Siya lang ba talaga?" Fear crosses my chest.


"Kendrick that's—" natigilan ako ng may tumulong luha mula sa mga mata niya. Pinunasan niya iyon at nilapitan ako bago ako ginawaran ng halik sa noo at walang sabi sabing lumabas ng kwarto ko.


Nanginig ang tuhod ko at halos nanginginig na napaupo sa edge ng kama. Mariin ang naging kapit ko sa box at hinayaang kumawala ang mga luha ko. Natatakot ako, baka iwan ako ni Kendrick; I can't lose him. Tiningnan ko ang box at nagsimula na akong mapahikbi.


Nakasulat na ito bago pa maging kami ni Kd, pero inisip niya na ngayon lamang ito. I was planning to burn it, so kaya nilagay ko sa drawer... nakalimutan ko. I'm so stupid! Inis na tumayo ako at galit na tinapon ang box na hawak ko sa basurahan habang mariin na pinupunasan ang mga luha ko.


Kinuha ko ang box na naglalaman ng binili ko for him. It's a silver necklace with a dog tag. Customized iyon at pinaengrave ko ang name niya sa harap para malaman niyang kaniya iyon, at pangalan ko naman sa likod sa para malaman na sa'kin galing iyon.

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon