Prologue

11.8K 193 28
                                    

"HOY, MARK. . . nandiyan ka pa, babae?" her friend asked her. Napapitlag lang siya dahil doon. Natulala na naman kasi siya kaya napahigpit siya ng hawak sa kanyang cellphone habang sumisimsim ng mainit na tsaa.

"Sorry naman, friend. Natulala ako saglit, i-ni-imagine ko si Park Hyung Sik, eh. Kailangan natutulala ka rin minsan para damang-dama mo ang pag-de-daydream, ganoon!" Pagdadahilan niya. Nagpakawala pa siya ng tawa dahil sa palusot niya. Hindi niya rin kasi alam kung bakit siya natutulala.

"Gaga ka, ma-le-late ka na sa trabaho mo. Gusto mo pagalitan ka ng boss mo?" Zammy asked her.

Dali-dali siyang tumayo at tsaka naglagay ng mga tsokolate sa kanyang handbag. Inayos pa siya ang damit niya at ang fitted pencil cut skirt niya para masiguradong wala iyong gusot.

Hindi kaya masyadong sexy ang suot ko? Baka mamaya maglaway silang lahat sa akin? She asked herself. Natawa naman siya dahil sa sarili niyang kalokohan.

Pero maganda naman talaga ako, ah! Saad niya sa sarili niya.

"Maria!" she heard her friend shouted. Getting her attention.

"Eto na nga. Mas excited ka pa sa'kin, Zavaiah," she chuckled nervously. Tinignan niya muna ang kaniyang sarili sa lumang salamin na nakasabit sa dingding ng hindi kalakihan niyang two storey house. This was her mother's house. Ipinatayo ito ng kanyang ina noong nabubuhay pa siya.

Parang alam na alam na nito ang mangyayari kapag nawala ito, kaya nagpapasalamat siya mommy niya at hanggang sa huli ay siya ang inisip nito. A teardrop fell from her eyes so she wiped it off immediately. She looked at the mirror once again and gasped.

"Gago," she cursed. "Ang ganda ko."

Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Zavaiah kaya naman napairap na lamang siya sa hangin.

"Tuwang-tuwa, Zammy? Tuwang tuwa?"

"Gaga. Ang dami mong alam, pumasok ka na at baka tanggalin ka. . . " her friend paused a little bit. She hummed like she was thinking about something.  "Seriously, Marky baby, pwede ka namang mabuhay na sa kinikita mo investments mo sa negosyo ko. And. . . bakit secretary ang gusto mo?" Biglang naging seryoso ang masiglang boses ng kanyang kaibigan kaya naman napabuntonghininga siya.

Sumimsim ulit siya ng kanyang iniinom na tsaa at tsaka umupo ulit s kanyang kinauupuan kanina.

She sighed. Alam naman niyang mabubuhay na siya. Pero wala namang kasiguraduhan ang lahat. Kailangan niyang mag-ipon nang mag-ipon. Bibilhin niya ang pangarap nila ng kaniyang namayapang ina. Kaya mag-iipon siya. Isa pa ay malaki ang sweldo sa Reyez Perfume Collection. Mas malaki pa nga kung tutuusin sa sweldo ni Zammy sa Interworld bilang guro.

"Gaga. Nag-iipon ako tapos magpapatayo ako ng business ko," she chuckled. "Hindi naman pwedeng naka-asa lang ako sa'yo kapag sobrang gipit na'ko." Halos maluha-luha siya nang sambitin niya iyon.

"Hoy, Maria Ramil Karmela Harake. . . papaiyak ka na naman ha!" Tila natatarantang saad ng kaniyang kaibigan kaya naman natawa siya ng marahan. Pinaikot pa niya ang kanyang mga mata na tila nakikita siya ng kaibigan niya.

Ayaw na ayaw niya kasing binabanggit ang buong pangalan niya. Masyadong mahaba, masyadong maarte. At ayaw niya sa apelyido ng kanyang ama. Naaalala niya lang ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya.

"Gaga! Bakit ako iiyak? Broken hearted ba ako? No, no," she let out a loud laugh, trying to cover up her pain.

"Duh. Alam ko namang hindi ka pa nakakamove-on sa nang-ghost sa'yo nung college tayo." Narinig niyang tumawa ng malakas si Zavaiah kaya naman halos ibato niya ang cellphone niya at puntahan ang kaibigan para tuktukan ito sa ulo.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now