Chapter 35

3.5K 107 27
                                    

"OH, GOD! Don't!" Naramdaman niya ang pag-hawak ni Yasen sa kanyang balikat para huwag siyang makatayo. He winced when he felt his body pain.

"Yasen?" nagtatakang tinignan niya ang kapatid na tila ba kagagaling sa pag-iyak. He saw how worried filled her sister's beautiful eyes. "Let me go, I need to see her," tatayo na sana ulit siya nang umiling-iling si Yasen at nginitian siya ng bahagya.

Pakiramdam niya ay unti-unting nababasag ang puso niya dahil sa galaw ni Yasen. Pakiramdam niya ay may mali. . . pakiramdam niya ay mayroong hindi magandang nangyari.

He looked at Yasen once again and took a deep breath. "How is she?" he asked his sister.

"Kuya. . . " tinignan siya ni Yasen at tila nagpipigil ito ng luha habang tinitignan siya.

"I'm asking you, Donya Scent!" Tumayo siya kahit masakit ang kanyang tagiliran at pinilit maglakad. Hindi na niya kaya pang maghintay. Kailangan niyang makita si Maria, kailangan niyang malaman na ligtas ito.

"Kuya!" Hinawakan ni Yasen ang kanyang kamay at tsaka siya dahan-dahan na inalalayan para mapaupo sa hospital bed. "Wala pang dalawang oras simula nang matahi ang sugat mo."

Iwinaksi niya ang kamay ni Yasen. "I don't care about my wounds, kailangan ko siyang makita. I need to make sure that I saved her." Halos magmakaawa siya sa kapatid niya na sabihin na ayos lang ang kanyang kasintahan.

"Please. . . tell me that she's fine. That they're fine. Please, Yasen," he pleaded. Wala siyang pakielam kung mukha siyang mahina, kung mukha siyang walang laban ngayon. Gusto niya lang na malaman kung anong kalagayan ng kasintahan. Bawat segundo na hindi niya nakikita ang kasintahan pakiramdam niya ay tila nababasak ang puso niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. It was suffocating him and making him hard to step forward. Just the thought of Maria leaving him was enough to make him go crazy in pain. Hindi niya kakayanin kapag nawala si Mark sa kanya.

"You need to take a rest, kuya," pagpupumilit ni Yasen sa kanya.

He shook his head and looked straight into his sister's eyes. "I don't need a fucking rest, Yasen. What I need is to make sure that she's fine." Tumayo na siya at dire-diretsong naglakad papalabas sa silid na iyon pero nakailang hakbang pa lamang siya nang makita naman niya si Zavaiah na halos mugto na rin ang mata at nakaupo sa waiting area ng operating room.

"Z-Zavaiah," pabulong na saad niya sa kaibigan ng kasintahan. Zammy looked at him and let out a small smile.

"She will be fine, hindi ba?" he asked Zammy.

Zammy nodded her head and tapped her side where he could take a sit. "She will be, Sim. Ang dami pa niyang gustong gawin kasama ka."

A teardrop fell from his eyes. He looked terrible now but he didn't give a damn. Nasasaktan siya. "I love her. . . very much." He whispered.

"And she loves you too. Since college." Zammy chuckled, controlling her tears. " She even created a dummy account to chat you. Alam mo naman iyon hindi ba?"

He nodded his head and chuckled a little bit when he remember those times. Ang dami na pala nilang napagdaanan ng dalaga. Ang dami na rin nitong napagdaanan sa buhay and it made him sad because he left her back then. Hinayaan niyang makipaglaban mag-isa ang dalaga sa kalungkutan.

"She will be fine. She will be," paulit ulit na bigkas niya. "Ilang oras na siya rito? How about tito?" he asked, pertaining to Maria's father.

"Dalawa na yata nasa operating room din ang papa niya, pati na rin si Kuya Patrick." Zammy played with her fingers a sign that she was really scared and nervous. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pinigilan ko siyang umalis ng bahay," tumulo ang luha ni Zammy.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now