Epilogue

5.1K 132 23
                                    

"STOP DRINKING coffee, my sunshine!" he hissed at Maria who was now sipping her fifth cup of coffee while reviewing her notes. She was reviewing for her upcoming LET.

Kanina pa niya ito pinatutulog dahil alas tres na pero matigas ang ulo ng asawa niya at halos ayaw nang matulog at ang resulta—dalawa silang walang tulog.

Damn it, Haven! Anong ginawa mo sa asawa ko?! He mentally cursed his brother-in-law Hash Seven. Simula kasi nang dalhin nito ang asawa sa coffee shop ni Yasen ay tila naaadik na rin ang asawa niya sa kape.

"Mamaya, mahal. Ikaw naman, pangalawa lang ito, eh." Maria pouted her lips like she was a baby ready to be cuddled but he shook his head. No, he couldn't let himself be drowned by her beauty. His wife had 5 cups already.

"Anong dalawa? Wife, I've been watching you the whole night. That's already your fifth cup," he massaged his temple to control his anger.

Narinig niyang tumawa ang asawa at tsaka nito ibinaba ang iniinom na kape. She stood up and gave him a quick kiss that melted all his anger and irritation away.

Ah! Just a simple kiss, Sim Sebastian. Just a simple kiss and you're already blushing like a teenager?! His mind teased him.

"Bakit namumula ka, mahal?" tanong sa kanya ng asawa. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa endearment nito sa kanya. Natatawang tinignan naman siya ni Mark. "Kinikilig ka?" tudyo nito sa kanya.

"Yes, I am. So what?" Hinila niya ang asawa para paupuin sa kanyang mga hita. "I love you," bulong niya sa asawa. Just saying those words and he could feel the happiness and overflowing satisfaction with it. Mahal na mahal niya ang asawa.

"I know, I know." Tumatawang sagot ni Maria sa kanya kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. Mark laughed once again. "Galit ka na niyan? Mahal na mahal din kita."

He immediately kissed Maria's lips and then let out a small chuckle. "Bakit naman ako magagalit sa'yo? alam ko namang patay na patay ka sa akin."

"Ang kapal mo!" Pinalo siya ni Mark sa braso kaya mas lalo siyang natawa sa reaksyon ng asawa. They are married for six months already and everyday feels like heaven. It was like they were living in a fairytale. Minsan nag-aaway sila ng asawa niya pero hindi natatapos ang gabi nang hindi sila nagbabati. Well, marriage was not always about happiness and laughters. Pero kahit may mga hindi sila napagkakaunawaan, alam nilang mahal pa rin nila ang isa't isa.

"Bakit?" natatawang tanong niya kay Maria. "Wala namang mali sa sinabi ko."

"Mas patay na patay ka sa akin!" Maria shot back.

"Alam ko."

And just like that, Maria's mood lifted up. She let out a soft chuckle and gave him her sweetest smile.

Ah! That's why I don't argue with her. He thought.

"Matulog na kaya tayo? Bukas na ulit iyan?" he asked MarIa. Tinignan niya ang orasan at nailing na lamang siya nang makitang 3:12 na ng umaga.

Tinignan din ni Maria ang orasan at halos manlaki ang mata nito nang mapagtantong mag-uumaga na pala.

"Saglit, mahal. I'll just clean up my mess." Maria stood up but he was fast enough to hold ger wrist and let her sit on the bed.

"No, you rest. I'll take care of it," he kissed his wife's forehead and then gave her a warm smile.

"Oh! Sige. Mag-to-toothbrush na lang muna ako." Maria stood up and went inside the comfort room to brush her teeth.

Habang tinitignan ang asawa na naglalakad papunta sa banyo ay hindi niya maiwasang mapangiti. Kitang-kita niya kasi ang suot nitong pajamas na may design na Peppa pig. Nagmumukha tuloy bata ang asawa niya. Naiiling ulit siya habang inililigpit ang mga review materials ng kanyang asawa.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now