Chapter 14

4.3K 113 17
                                    

"MARK, PST!" Busy siya sa pag-aayos ng kaniyang table kaya hindi niya pinansin ang pagsitsit sa kanya ng kung sino mang hudyo. "Marky, baby!" Tawag ulit sa kanya kaya iritableng na
apalingon siya kung sino man ang tumatawag sa kanya para sana irapan pero nang makita niya niya kung sino iyon ay napangiti na lang siya.

"Hi, Marian!" she giggled and stood up and then she kissed the man's cheeks. Yes, Marian is a gay, Marian, short for Mariano. Hindi mo mahahalata na bakla ito kapag hindi mo close. Ang katawan nito ay parang alagang-alaga sa gym kaya naman nagulat siya nang mag-confess ito sa kanya. Sayang naman at crush pa man din niya ito noong mga unang buwan niya sa kompanya. Pero okay lang. . . that's his choice. Wala naman itong sinasaktan kaya ayos lang.

"Mark! Eww ka, girl! Baka mamaya marami kang germs, nakakadiri!" tila nandidiring pinunasan pa ng lalaki ang pisngi nito kaya naman tawang-tawa siya at tsaka pinisil ang pisngi nito.

Well, Marian was a one gorgeous man, pakiramdam nga niya ay tila isang bida ito sa isang erotica movie. Siya yung mukhang ibabalibag ka sa kama. Iyong tipo na paggising mo pa lamang ay mapapalaban ka na. Tapos ngayon, tila mas maarte pa ito sa kanya na nagpupunas ng pisngi.

"You're so kadiri, Mark! Alam mo girl, kung hindi ka lang maganda at kung hindi ka lang paborito ni Boss, malamang kinalbo na kita," kitang-kita niya ang pagsama ng tingin nito sa kanya.

Umayos siya ng upo at nagkunwaring inaayos ang mga papeles sa kanyang working station kahit na ang totoo ay maayos na ito. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung papaano nangyari iyon. Isang boss  lang ang sinabi ni Marian pero pakiramdam niya ay tila sinapak siya sa dibdib niya. May masakit at mabilis na nangyayari sa loob ng kanyang dibdib.

Boss pa lamang ang naririnig niya at natutuliro na siya. Just hearing things about him was enough to make her heart flutter.

No, hindi ka nga naaalala nung tao! Her mind scolded her. Hindi ka pwedeng mag-inarte, Mark! Bawal kang ma-fall! Kastigo ng isipan niya sa kanyang sarili.

Yeah... and he kissed you yesterday. One part of her mind shouted. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang kanyang paligid. Her cheeks were burning and her heart started to pound harder. Harder and faster. Kagabi pa siya hindi makatulog dahil sa halik na iginawad sa kanya ng binata. Hindi niya alam kung bakit siya hinalikan nito.

"Hoy, namumula ka!" Marian chuckled and then seated on her desk. "Sinabi ko lang na paborito ka, hindi ko sinabing gusto ka ni Sir cucumber" pinaikot pa ng lalaki ang mata nito sa kanya dahilan ng pagsimangot niya.

Aba't ginamit na naman ng baklitang ito ang mga pagkain para sa pag-de-describe ng kung ano man!

"Wala naman akong sinasabing gusto niya ako," sinamaan niya ito ng tingin. "Umalis ka na nga sa harapan ko, istorbo ka sa buhay," pagsusungit niya.

Hindi niya alam kung bakit tila sumama ang pakiramdam niya sa sinabi ni Marian. Kitang-kita niya ang pagngisi ng binata sa kanya. "Bitter ka kasi——"

"What are you doing here, Mr. Mariano Santos?" Nagulat silang dalawa nang may biglang nagsalita sa kanilang likuran... the voice was cold and menacing enough to made them shiver in fear. Napalunok namang umayos ng tayo si Marian at tsaka hinarap si Sim.

Siya naman ay tumayo lang at tsaka yumuko ng kaunti para bigyang galang ang binatang magnanakaw ng halik.

Hindi niya kayang titigan sa mukha si Sim, hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ang malambot nitong labi. His intoxicating smell and how he made her world stopped spinning in milliseconds. This man could make any girl's hearts flutter in an instant and she was not a fucking exemption. Aminado siya, but no, she would not let him break her again.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon