Chapter 28

2.8K 83 12
                                    

"SALAMAT NAMAN pangit at hinayaan mo akong makapamasyal! Si Sim kasi ayaw akong palabasin ng condo niya, gusto ko lang namang umuwi saglit." Umupo siya sa sofa sa loob ng kanyang bahay at tsaka uminom ng tsaa. Si Patrick naman ay naiiling na tinignan siya.

"Kung hindi ka ba naman siraulo. . . may trabaho ako nangungulit ka!" Tumayo ito at pinitik siya sa kanyang noo kaya naman napasimangot siyang tinignan ito.

"Ang sama ng ugali mo!" Pinaikot pa niya ang mga mata niya para ipakita ang iritasyon sa guwapong binatang kasama niya ngayon sa loob ng bahay niya.

"Matapos kitang itakas?" Patrick asked him. "Papaano kapag nagalit si Sim? " tanong nito sa kanya.

Natahimik naman siya dahil doon. Totoong kinulit niya ng sobra si Patrick kanina para samahan siyang umalis sa condo ni Sim. Alam niyang magagalit ang kasintahan dahil lumabas siya ng condo nito pero pakiramdam niya ay may mali kasi at tsaka isa pa ay gusto niyang umuwi saglit sa bahay niya. Namimiss niya na ito.

She took a deep breath and took a sip of her tea while looking bat Patrick who was now waiting for her answer.

"Hindi naman siguro magagalit si Sim, isang beses lang naman," she mumbled but deep inside, she was panicking. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa utak niya ang mga ginawa niya. Tumakas siya kahit na ang usapan nila ng kasintahan niya ay hindi siya lalabas ng bahay dahil delikado siya.  Hindi niya talaga maintindihan kung bakit sinasabi ni Sim na it was for the better. She was really puzzled.

"Shit naman, naiwan ko pa ang cellphone ko." Napabagsak na humiga siya sa sofa niya. Gusto niyang kausapin si Sim. Pakiramdam niya kasi ay may kasalanan siya ngayon kahit na ang ginawa lang niya ay lumabas ng condo nito.

"Gusto mo na namang ka-text mate 'yang jowa mo, akala ko ba gusto mo mamasyal?" tanong sa kanya ni Patrick kaya naman tumango siya.

Right, siguro ay hindi naman magagalit si Sim sa kanya. Isang beses lang naman siyang tatakas. Babawi na lang siya pagkauwi niya.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong sa kanya ni Patrick kaya naman napahawak siya sa kanyang baba at napaisip.

"Siguro sa park nalang. . . libre mo'ko ng street foods, Kuya," she beamed. Alam niyang hindi siya matitiis ni Patrick.

Nakita niya kung papaano bumuntonghininga ito at tsaka kinuha ang tsaa niyang wala nang laman at nagtungo sa kusina. Siya naman ay umakyat saglit sa kwarto niya at hinawakan ang kanyang mga gamit noon. Namimiss na niya ang bahay niya pero alam niyang hindi na niya kayang iwanan si Sim. Hindi man niya sinasabi sa binata pero Sim was her new home. . . without him, she was lost.

"Mommy." Hinawakan niya saglit ang litrato ng kanyang ina at hinaplos ang mukha nito. "I don't know what dad meant when he told me that you made some mistakes but I know inside my heart. . . he loved you, too. I saw how his eyes sparkled when he was looking at you when I was a kid. Please, help me out." Umupo siya saglit sa kama niya at nilapag ang litrato ng kanyang ina.

"Sim's taking care of me, mommy. Sayang nga at wala ka na, sana nakilala mo siya. He's the best, mommy. I promise, when everything is fine, kapag nagawa ko na ang charity na pangarap natin. . .  ako mismo ang magyayaya ng kasal sa kanya." Tumawa siya ng marahan sa kanyang kalokohan.

"Don't worry about me, okay? Sim is really taking good care of me, love you." Tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto niya.

Pagkababa niya sa hagdanan ay nakita niya si Patrick na nakaupo na sa sofa at busy sa pagpindot sa  cellphone nito.

"Tara na, pangit. Tapos ihatid mo rin ako, baka nakauwi na ang bb ko," she told Patrick. Patrick just tsked and then draped his arms on her shoulders.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now