Chapter 29

2.9K 86 7
                                    

"BAKIT HINDI KA pa umuwi?" Waze asked him while he was busy drinking the canned beer. Nandito siya ngayon sa condo ni Waze malapit sa kompanya nila.

"I'll just finish this." Tungga niya ulit sa alak na hawak niya. He saw how Waze tsked while shaking his head. Looks like he was not happy with his actions these past few days. Pati rin naman siya ay hindi siya masaya sa ginagawa niya but what could he do? He was really disappointed, akala niya pagkakatiwalaan siya ni Maria.

Gusto lang naman niyang maging ligtas ang dalaga. . . ayaw niya lang mapahamak ito pero sadyang matigas talaga ang ulo nito at ang malala pa ay kasama pa nito si Patrick.

His haw clenched and unclenched while remembering Patrick's face. How he protected her, he could risk his life saving his sunshine.

"Patrick. . . " bulong niya. " Who are you?"

Umiling si Waze at tsaka kinuha ang cellphone nito. "I told you, that man is tricky. He was a hired bodyguard of Mark and the other side is paying him too." Tumawa ng nakakaloko si Waze at tsaka umiling-iling. Looks like he was enjoying what he was reading on his phone. "This man is too complicated. . . want me to capture him?" Waze asked him.

He just looked at the man ang gave him a glare. "How much?"

"Ang galante naman, kahit isang order lang ng chicken wings. "

"I'll give you a lifetime supply." Tinapik niya ang balikat ni Waze at tsaka kinuha ang cellphone niya.

"You're fucking whipped. . . And what about the flashdrive?" Tanong sa kanya ni Waze.

Waze is pertaining to the flashdrive that Maria's father gave him. He looked at Waze and then smile at him. "Send them all to my email."

"Got it, man," Waze nodded his head.

Nagulat siya nang magring bigla ang cellphone na hawak niya. Si Mark ang tumatawag, napapansin siguro ng dalaga na ilang araw na siyang ilag.

Hindi niya kasi matanggap sa sarili niya na wala siyang nagawa noong inatake si Mark. He couldn't accept the fact that it was Patrick who protected her. . . where in fact, he was an enemy. Hindi lang alam ni Maria iyon at wala siyang planong ipaalam dahil alam niyang masasaktan ang kasintahan.

Patrick and Maria were like siblings. Wala pa siya sa buhay ng dalaga ay kakilala na nito si Patrick. Ilang taon na siyang niloloko ng binata. Kapag nalaman ito ng kasintahan niya ay sigurado siyang masasaktan ito.

"Baby, nasaan ka?" Bungad sa kanya ni Mark, tinignan niya ang kanyang wrist watch at nakita niyang gabi na naman, late na naman siya ng uwi. Sigurado siyang nag-aalala na si Mark.

"I'm with, Waze. Matulog ka na," he answered. He couldn't understand himself, ang alam niya ay galit at nasasaktan siya. Galit siya sa sarili niya dahil wala siyang nagawa noong kailangan siya ng dalaga. Galit siya dahil akala niya mawawala ba ito sa kanya at galit siya sa sitwasyon.

"Ah. . . ganoon ba? Sige ingat ka, I love you," she answered. He stilled upon hearing that words. Doon siya tinamaan ng katotohanan. Narinig niya ang pagkabasag ng boses ng kasintahan, narinig niya ang disappointment at narinig niya ang pilit nitong masayang boses.

What the fuck am I doing?! He asked himself. This is not you, Sim! You're hurting Maria, too. Dapat ikaw ang mayroon sa tabi niya. She got shot for goodness sake! She's all alone right now! His mind scolded him.

Pakiramdam niya ay may sumuntok sa dibdib niya nang makapag-isip isip siya. He was acting like a child lately. Nagpadala siya sa emosyon niya. . . oh God. He prayed.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon