Chapter 39

3.8K 110 8
                                    

SHE CLOSED her eyes while enjoying the cold breeze of the air brushing her face. The air made her knee length summer dress fluttered and waved.

She looked like a model standing in the middle of a wide garden. She could feel an unexplainable comfort through the air. Pakiramdam niya ay tila niyayakap siya ng hangin at hinehele siya.

Dahan-dahan ay binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingala sa langit. The blue sky was making her heart flutter in happiness.

"Ate Mark!" Napalingon siya sa gawi ng batang nagtatawag sa kanya. There she saw Mary holding a ball and giving her a gummy smile that she always adore. There was something about Mary's smile that made her smile, too.

"Yes, Mary?" She pivoted to reach the little girl's hand. "Bakit, Mary? Tinakas mo na naman 'yang bola ng mga kuya mo," she chuckled.

She squatted to tucked Mary's hair to her ear. "Ayan, maganda ka na, ulit," she smiled at the little kid.

"Kasi, ate..." ngumuso ng bahagya si Mary sa kanya na tila nagsusumbong. "Ayaw akong isali nila kuya sa laro nila kaya kinuha ko nalang itong ball nila!"

They both laugh because of that.

"Bad 'yon, Mary... kapag ayaw ka nilang kalaro, huwag mo kukunin ang laruan nila, okay? Bibilhan ka nalang ni ate Mark ng sa'yo." Pag-aalo niya sa bata.

"Talaga, ate?" Tila nagningning ang mata ng bata sa kanyang narinig. She was happy seeing that glowing eyes. She was really happy to built the charity and orphanage. Sa loob ng tatlong buwan simula nang magbukas ito ay marami na silang mga batang nakukupkop at nabibigyan ng bagong pag-asa.

Marami na ring nagpapadala ng tulong sa kanila para mas lalo pa nilang mabigyan ng magandang buhay ang mga bata. She was really happy that finally, she achieved one of her main goals in her life.

Sa wakas ay matutulungan na niya ang mga batang  hindi naging mapalad sa kanilang mga murang edad. She wanted to help them and give them the life that they deserved, give them quality education and a home.

"Syempre naman. Lahat kayo bibilhan ni ate ng toys pero dapat mag-aral kayo ng mabuti, ha?" she smiled while nodding her head.

Mary smiled at her and then looked at the ball that she was holding. "Okay, ate. Ibabalik ko na ito. "

Hinalikan niya ang tuktok ng bata at iginaya papalapit sa mga batang kasama nito. She saw how Mary gave the ball back. Nakita niya rin kung papaano nakipaglaro ito sa ibang mga batang kasama niya.

Umupo siya sa isang bench at masayang pinapanood ang mga batang naglalaro. She was really enjoying the view when Sim's face crossed her mind. Namimiss na niya ang binata. Ilang buwan na pero hindi pa rin ito nagpapadala ng mensahe sa kanya.

Gusto niya sanang tawagan ito at kumustahin pero baka makaabala siya at baka busy rin ito kaya hinahayaan niya na lamang muna si Sim na magtrabaho. But that doesn't mean she didn't miss him. God knew how much she wanted to go back to Sim and hug him tightly but she was a grown up woman now. Hindi na siya gaya ng Mark na walang hiya sa pagpapapansin noon.

The months that she was not with him made her realize how much she really loved him. Kahit walang communication at walang balita sa isa't isa... alam niyang mahal niya pa rin ang binata.

She opened her phone and opened her social media account. Gumawa na siya ng bago niyang FB account para ma-stalk ang binata. She realized that these past few years, hindi na rin naging active ang binata sa social media.

Nang makapunta siya sa profile ng binata ay nakita niya ang mga litrato na naka- tag rito.

Sim was really doing well. May mga dinner parties at mayroon ding mga charity events itong pinupuntahan. Halos maluha siya nang makita ang isang litratong naka-tag rito.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora