Chapter 17

3.9K 119 11
                                    

"CAN I SLEEP here?" Nagulat siya nang makita niya ang binata sa harap ng kanyang pintuan. He looked exhausted and drained but still managed to look dashingly good at the same time. Parang walang wala itong tulog pero gwapo pa rin ito sa paningin niya. She was asking herself how was that even possible. Natanggal tuloy ang antok niya sa katawan.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at kitang kita niya na nakasuot lang ito ng summer pants, polo shirt at sandals. Nagulat siya nang makitang may bagpack itong dala.

Kagagaling siguro nito sa hospital at sa bahay niya dumiretso.

Kaagad niyang niluwagan ang pintuan ng kanyang bahay at humihikab na tinanguan si Sim.

"Pasok, mag-a-alas dos na, bakit ngayon ka lang?"she asked the man. Tumalikod na siya at nagsimulang naglakad papunta sa kusina ng bahay niya.

"Gusto mo ng kape?" she offered. Nilingon pa niya ang binata na tahimik lang na sumusunod sa kanya.

"Nah, I'm good," binilisan nito ang lapit nito sa kanya at tsaka siya nito niyakap ng mahigpit. "I just want to sleep," he mumbled.

Nakasubsob na ang mukha nito sa kanyang leeg at amoy na amay niya ang pabango nito. She inhaled his scent and that made her heart flutter and her whole being feel giddy.

"Hindi pa ba siya gising?" tanong niya sa binata. She was pertaining to his sister. Napag-alaman niya na Secretary pala ang pangalan ng kapatid nito and she finds it very weird. Pero nang bisitahin niya ito one time dahil kailangan din ni Sim pirmahan ang mga papeles ay nagulat siya nang makita ito.

Sobrang ganda nito. Parang natutulog lang ang itsura nito. Sim's sister looked like a freaking doll! Ang mas nakakagulat pa nito ay kitang-kita niya ang bunso ng mga Ghebreyesus! Sikat iyon dahil sa gwapo at sa yaman nito sa Interworld. Sayang nga lang at tila masungit, pero nang makita niya ito na nagbabantay sa kapatid ni Sim ay kitang-kita niya ang alala sa mga mata nito. Looks like he already met his happiness. She thought.

"Hindi pa," Sim mumbled again, causing his lips to touch her neck. Pinigilan niya ang mapakagat labi dahil doon. Mas lalong hinigpitan ng binata ang yakap sa kanya kaya naman niyakap niya ito pabalik at tsaka tinapik tapik ang kanyang likod.

"Nandito lang ako," she whispered. Hoping that it would make him feel better.

"Thank you..." Sim paused and then removed his hug kaya naman pati siya ay napakalas ng yakap sa binata. "Thank you, bb," he looked straight into her eyes and she can't speak because of that.

That means he really recognized her. Gusto niyang itanong na sa binata kung bakit nagpanggap pa ito na hindi siya nakikilala nito pero sa tingin niya, hindi pa iyon ang tamang oras. Masyado pang maraming iniisip si Sim.

She smiled weakly at the man and then she hugged him. Halatang nagulat ang binata sa ginawa niya at nanigas ang katawan nito pero hindi na niya ininda iyon. Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ng binata, smelling and inhaling his scent. He smell so good.

"I'm just here, no need to thank me," she mumbled.

Hindi niya rin alam kung bakit niya niyayakap ang binata, basta ang alam niya, gusto niyang yakapin ang binata at gusto niyang iparamdam dito na may kasama ito sa mga bagay bagay. That he was not alone.

"Hmm," iyon lang ang sagot ng binata sa kanya at ginantihan na siya nito ng yakap.

"Matulog ka na, iinom lang ako ng tubig," kumalas na siya sa yakapan nila at muling tinalikuran ang lalaki para uminom ng tubig.

Hindi pa siya nakakailang hakbang ay nagulat siya nang hilain niya si Sim sa kamay. Dahilan para tumama ang kanyang katawan sa matipunong dibdib nito.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon