Chapter 36

3.6K 108 8
                                    

"MOMMY! MOMMY!" she wad running while chasing her mother. Everything seemed so fine now. Wala siyang maramdamang sakit, the pain that she felt when Karlo was hitting her head to the wall was now gone. She could feel the lightness of her body... pakiramdam niya ay napakagaan at walang problema.

"Mommy!" she called her mother once again. Napatingin siya sa buong paligid. Everything was white but her eyes didn't hurt at all, the lightness was just right for her to see her mother.

Ilang saglit pa ay nakita niyang nilingon na siya ng kanyang ina. She ran as fast as she could to hug her mother. She really missed her mother.

"Oh my, Aria." Her mother hugged her back and kissed her head. She inhaled her scent and a teardrop fell from her eyes. Her mother's scent was already overwhelming. Sobrang miss na niya ang kanyang ina.

"Mommy," she sobbed. Pinunasan niya ang kanyang luha at kumalas sa yakap ng kanyang ina. There she saw her mother's face clearly... wala nang sakit sa mukha nito, her face looked so peaceful and happy right now. "I miss you... so much," a teardrop fell from her eyes once again.

Her mother gave her a warm smile and cupped her face using her palms. She kissed her forehead and that caused her to close her eyes and feel her mother's warmth.

"I missed you, too, my baby. Pero nandito lang naman si mommy, binabantayan ka."

"Ha?"

"Pinapanood kita, and I know you suffered a lot, Aria."

Hinawakan siya ng kanyang ina sa kanyang kamay at tsaka siya nito nginitian. "But... I saw how you smile and laugh and that makes me happy here."

Ngayong kaharap niya ang ina ay biglang may pumasok sa kanyang isipan. "Am I dead, Mom?" she asked her mother.

Her mother chuckled and wiped her tears. "No, Aria. Pero, may choice ka na kung sasama ka na sa'kin o kung babalik ka sa kanila."

Again, a teardrop fell from her eyes. "So, I'm not yet dead?"

Her mother shook her head amd smiled at her. Inayos pa ng kanyang ina ang buhok niya at tsaka siya nito marahang niyakap.

"You suffered a lot, anak ko. Pero sa tingin ko, mas magandang doon ka muna sa kanila."

Her heart broke because of that. Pakiramdam niya ay maiiwan niya ang ina niyang mag-isa kapag iniwan niya pa ito. Sila ang palaging magkakampi noon, hindi naman pu-pwedeng iwanan niya na ito ngayon.

Tila nabasa ng kanyang ina ang kanyang iniisip kaya naman hinaplos nito ang kanyang mukha. "Anak, napatawad ko na ang daddy mo..." her mother smiled at her. "It's not true that he didn't loved me... he did love me. Sinabi niya lang ang mga bagay na makapagpapasakit sa'yo para layuan mo siya dahil mapapalapit ka kina Karlo. Sinabi lang ng daddy mo iyon para protektahan ka. He loved me, believe me. "

"W-What?" napatanga siya sa sinabi ng ina.

"Yes, it's true... Jasmine was your dad's first love. Umeksena lang ako kaya ako ang pinakasalan ng daddy mo but... I knew deep down, he loved me, too."

"Ako, Mommy? Do you think mahal ako ni daddy?" tanong niya sa kanyang ina.

"Ofcourse. He loves you more than anything else in this world," her mother's warm smile assured her. "Believe me... he loves you."

Slowly she nodded her head. "Okay."

Her mother chuckled and kissed her forehead once again. "Kung ako ang tatanungin, doon ka na muna. I'm fine here, anak."

"Pero mommy... mag-isa ka," may pag-aalinlangang sagot niya sa kanyang ina.

Her mother shook her head. "I can't feel loneliness here. All I could feel was contentment and peacefulness." Hinawakan ulit ng kanyang ina ang kamay niya. "And... Sim is waiting for you."

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now