Chapter 20

4.2K 110 4
                                    

"MS. HARAKE, ano ba?!" Narinig niyang sigaw ni Sim sa intercom kaya naman napaikot na naman siya ng mata. Naiinis na naman siya sa boss niya kaya naman bumuntonghininga siya para pakalmahin ang kanyang sarili.

"Sir?" she asked, her voice was full of respect, kabaliktaran iyon sa kanyang nararamdaman. Gusto niyang ibato ang binata sa labas ng opisina nito. Pero, paano niya gagawin iyon kung hindi matanggal ang bilis ng puso niya kapag kaharap niya ito?

"Diba sinabi ko, sabay tayong kakain? What the hell, baby? Ano——"

She raised her eyebrows and cleared her throat, making him stop talking. "SIR," she breathed out, "nasa trabaho tayo——"

"So what? Girlfriend naman kita?" he smirked at her. Pakiramdam niya ay kumakawala ang puso niya sa kanyang ribcage. Napakalakas ng pagpinting ng puso niya and she could feel her cheeks burning.

Nag-iwas siya ng tingin at tsaka palihim na kinausap ang kanyang sarili. Umayos kang babae ka!

"Hindi mo ako girlfriend," she stated. That was true, hindi siya girlfriend nito.

Kitang-kita niya kung papaano dumilim ang itsura nito at kung papaano biglang nawala sa mood ang aura ng binatang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. He even loosen up his neck tie at tila nabubwisit ito sa kanya. He looked so hot while doing that!

"Yes you are——"

"Sabi ko ayoko hindi ba?" sansala niya sa sasabihin ng binata.

"Sabi mo mahal mo ako?" He asked her. May panunumbat sa boses nito. He looked so stressed out while saying those words. Tila hirap na hirap ito sa sitwasyon.

She took a deep breath and nodded het head. "Mahal naman kita," she sincerely answered him. Ipinaramdam niya aa binata kung gaano niya ito kamahal. While saying those words, her heart was beating too fast. . . So fast that she couldn't breathe.

Nakita niya ang tila pagkalma ni Sim kaya naman napahinga siya ng maluwag dahil doon.

"Come here," Sim tapped his lap kaya naman naiiling na lumapit siya sa binata pero hindi siya kumandong dito. Nagulat na lamang siya nang hawakan siya nito sa kanyang pulsuhan at tsaka hinila para kandungin.

He immediately kissed her lips and then he hugged her tightly causing her to feel the whole damn zoo inside her stomach. Hindi niya mapigilan ang kilig na nararamdaman niya. Her whole being was being giddy to that simple gesture.

"I'll try my best to understand you and your twisted mind," he chuckled and kissed her forehead. She just closed her eyes to feel his kisses. "Kahit gaano ka kagulo, iintindihin kita, baby."

Right at that moment, she knew, she made the right choice.

Alam niyang magtatampo sa kanya ang binata dahil ayaw niyang lagyan ng label ang kung ano mang mayroon sa kanila. She rejected that labelled relationship that Sim was talking about the other day. Her reason? Kailangan niyang gawin muna ang mga bagay na kailangan niyang gawin. May pangarap pa siya, hindi naman niya sinasabing hindi sagabal si Sim. Ang iniisip niya ay kung papaano kung sa gitna ng pagtupaad niya sa pangarap nila ng mommy niya ay hindi niya mabigyan si Sim ng atensyon na kailangan nito? Papaano ang binata?

Noong sinabi niya iyon kay Sim ay labis labis ang protesta nito, but in the end she won.

Nawala ang paglalakbay ng isipan niya nang maramdaman niyang hinahalik halikan ni Sim ang kanyang pisngi at ang mga kamay nito ay naglulumikot na sa kanyang bewang.

"Kumain na kasi tayo, baby," nagpapaawang hinalik-halikan ni Sim ang kanyang pisngi kaya natatawang hinawakan niya ito sa mukha.

"Tama na, tama na!" she was chuckling the whole time because Sim was tickling her again.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt