Chapter 34

3.1K 92 14
                                    

"WHAT? NO, n-no, no, my sunshine!" he is sobbing hard while wiping her face full of blood. "No, no. . . you can't do this to me," he cried.

"Sim! Umalis na kayo rito!" Sigaw ni Waze at tinakpan sila habang nakikipagbarilan. Hindi na niya makita kung nasaan man si Karlo at ang ibang pamilya nito. Tinignan niya si Maria at halos madurog ang puso niya nang makitang wala na itong malay. He couldn't even feel her pulse.

Dali-dali niyang binuhat ang kasintahan at kinuha ang isang baril na nasa sahig. He even made sure that she was covered. Sa dami ng pasa at sugat ng kasintahan niya ay siya ang nasasaktan. The sight of her looking like a lifeless body was enough to make his whole being paralyze.

"Kapit ka lang, Mark. Okay? I'll save you," halos paulanan siya ng bala ng mga tauhan ng Karlo kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa dalaga at mas lalo niya itong prinotektahan pra hindi matamaan ng bala.

"Fuck!" narinig niyang sigaw ni Waze kaya naman napalingon siya. Doon ay nakita niyang lima ang nakapalibot sa lalaki at wala nang bala ang baril nito. Nakita siya ni Waze na nakatingin kaya naman sumigaw ito. "Don't mind me! Save her!" One by one, Waze punched them like he was a hero in an action movie. Nakita niya rin ang pagbagsak ng mga kalalakihan sa ibang parte ng bahay na iyon. Gunshots were everywhere and lots of blood were scattered on the floor.

He ran as fast as he could to save Mark. "Hang in there, my sunshine! Malapit na tayo, okay?" Pakausap niya ito. His vision was becoming blurry and he couldn't see what was infront of him now. Basta ang alam niya ay tumatakbo siya papalabas ng gusaling iyon para mailigtas ang kasintahan.

Napaluhod siya nang may maramdaman siyang dumaplis sa kanyang paa.

"Ahh!" he shouted. Pero kahit ganoon ay pinilit niya ang tumayo at buhatin si Mark. Iika-ika siyang tumakbo. Kailangan niyang maging malakas, kailangan niyang mailigtas si Mark. . . even if it means exhausting himself to death.

Nawalan na siya ng balanse nang maramdaman niya ang paghablot sa damit niya ng isang malakas na kamay. Napaharap siya dahil doon at halos magdilim ang paningin niya nang makitang si Karlo iyon.

Hinigpitan niya ang yakap kay Mark na tila ba wala siyang planong bitawan iyon. He saw how Karlo smirked when his men surrounded them.

"Reyez. . . what a powerful man." Ngisi ni Karlo sa kaniya at lumapit sa kanya.

"Let us go," he commanded. Kailangan niyang ipakita na hindi siya natatakot. He would not let the man intimidate him.

"Tell me, Sim Sebastian. . . " Karlo took a deep breath and like a psychopath in a movie he  laughed hard infront of his face. "Did you fuck her fast, rough and hard——" hindi natapos ni Karlo ang sasabihin niya nang may biglang sumuntok sa mukha nito kasabay nito ang pagbagsak ng mga lalaking nakapalibot sa kanila. It was Arsalan, Maria's father.

"Fuck you, I treated you like my own son!" he shouted. He could see how furious Mr. Harake was at the moment. Pinalibutan sila ng mga tauhan ng ama ni Mark. Naririnig niya ang sunod sunod na mura ng ama ni Mark. "Tangina mo! Magsama kayo ng nanay mo at kapatid mo sa impyerno!" Maria's father hissed.

"You act like you hate my mom yet you married her and dumped your ex wife. . . YYu let her die, so. . . " Karlo smirked and look at him. "Sinong mas demonyo sa atin?" he asked.

"That was my biggest mistake! Nagpaniwala ako sa mommy mo! Now, I'll make you suffer. I'll make you feel hell. . . same with your mother and your sister!"

The whole time, he was just hugging his sunshine when he heard her sobbed. Nagising na ito na siyang ipinagpapasalamat niya.

"Bb?" Sobrang hina na ng boses ni Maria at halos hindi niya na ito marinig pero hinigpitan niya ang yakap sa kasintahan at iniangat pa ang buhat dito na tila ba sila magkayakap.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon