Chapter 15

4.6K 143 8
                                    

"WALA KA BANG planong pumasok, Mark?!" kasabay nito ang pag-hila sa kumot na nakatalukbong sa kanyang buong katawan hanggang ulo. Napaungol siyang iminulat ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Patrick na gumigising sa kanya.

"Ano ba, Kuya Patrick, natutulog 'yong tao, eh!" she hissed and tried to cover herself with her blanket once again.

Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa opisina. Nag-email naman siya aa isang kasamahan niya at inayos ang mga schedule ng boss niyang naiwan niya. Tinapos na niya lahat ng mga ginagawa niya at sinend sa email nito.

Nagpapadala na rin ng letter at emails ang mga nasa HR department asking for her explanations but she decided to ignore them.

Tanggalin niyo na lang ako. Ayoko na. She whispered.

Ayaw na niyang munang pumasok. Hindi niya alam kung dahil ba sa napag-usapan nila ni Sim noong nakaraang linggo.

***

"You don't need to hide your tears, my sunshine. I'm just here. Didn't I tell  you, you have me forever? "

Kaagad niyang tinampal ang mga kamay ng binata dahilan para matanggal ang pagkakahawak nito sa mukha niya. She look at him straight into his eyes.

My sunshine?
You have me forever?

Hindi niya alam kung papaano niya sasabihin sa binata na ayaw niya nang marinig ang mga katagang iyo mula sa bibig nito. The last time that he told her that she have him forever haunted her. Hanggang ngayon, naaala niya parin ang sakit sa puso niya. How hard she tried to think what was wrong with her for him to abandon her easily.

Every fucking night, she cried herself to sleep.

Now, he was back, telling her the words that she hated. Inaasahan siguro ng binata na ma-co-comfort siya nito dahil sa pagpunta niya at pagbabalik ng mga nakaraan nila but he was wrong. Mas lalong nadagdagan ang sakit sa dibdib niya. Mas lalong bumigat iyon.

"Wala akong natatandaan, Sir Sim," she coldly told him. Kitang-kita niya kung papaano dumaan ang sakit sa mga mata ng binata.

Kitang-kita niya kung papaano umawang ang bibig nito at kung papaano nagtaas baba ang dibdib nito na tila ba nahihirapan itong huminga.

"Right," he smiled weakly at her and held her hands. Hindi siya nakagalaw. The man's eyes were shouting how sad he was. "I know you won't, but please, let me comfort you," he whispered. His voice was pleading.

No. The last time that you did, you just left me.  Her mind shouted.

She just shook her head and tried to show him her best smile even if her heart and whole being was shattering from different reasons.

"I'm totally fine, I don't need comfort from anyone," she tried her best not to tremble infront of him. Pilit niyang inaagaw ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak ng binata pero hindi nito pinakakawalan iyon.

"Aria..." he breathed out.

Natigilan siya dahil doon. So, naalala niya talaga? What's his agenda?

"Mark, Sir. Please don't call me Aria," she answered him, " ...and I'm good. You can go now," isang malakas na waksi pa ang ginawa niya at tuluyan nang napabitaw ang binata sa pagkakahawak sa kamay niya.

Kitang-kita niya kung papaano ito nanigas sa kanyang kinatatayuan. Like he couldn't think straight at the moment so she used that opportunity to leave him.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now