Chapter 30

3.3K 93 11
                                    

"KUYA SIM," tawag sa kanya ni Waze kaya naman nilingon niya ito. Inayos niya muna ang buhok ng dalaga at hinawi ang ilan hibla ng buhok nito na nakatakip sa kanyang mukha. After that, he kissed Maria's forehead and put her blanket on before leaving.

Nang makalabas siya ay kaagad niyang isinara ang pintuan ng kwarto para huwag magising ang dalaga. Grabe ang iyak nito magmula kagabi at halos umaga na nang tumigil ito. He called Maria's father to inform him about what was happening. Ang matandang Harake naman ay nasa bahay lang nila at ayaw pa rin na magpagamot.

Gusto sana niya na puntahan ng matandang Harake si Maria para sana may kadamay ito pero alam niyang hindi matutuwa ang kasintahan sa kanyang ideya.

Again, he remember how she cried and how hard she tried to enter the burning house just to save one picture of her mother. That scene was enough to break his heart. Labis na nasasaktan ang kalooban niya para sa dalaga. Nasasaktan siya na nasasaktan si Mark.

Ilang oras na umiyak ang dalaga habang yakap yakap niya, hindi ito nagsasalita, umiiyak lamang ito and that hurts. Wala siyang magawa kundi ang hayaan ang kasintahan na umiyak.

"Waze, sino ang may gawa nito?" he asked Waze straight forward. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ni Waze kaya naman tumukhim ito at marahan siyang hinila papunta sa living room ng kanyang condo.

Nang naroon na sila ay umupo siya saglit at napahilamos sa mukha gamit ang palad. He took a deep breath and look at Waze who was now busy typing and making some techy stuff on his laptop.

Nang iharap ito ng binata ay nakita niya ang nakapalibot na kalalakihan sa bahay ni Mark. Napakunot ang noo niya dahil doon. "Nasa'n ang mga tauhan mo? " he asked. Kunot na kunot ang noo niya at tinitignan si Waze na madilim ang itsura ngayon.

Waze gritted his teeth like he was really mad and then tapped another video in his laptop. Nang mapanood niya ang video ay doon niya naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang ekspresyon ni Waze.

One by one, Waze's men were killed. Kitang-kita niya kung papaano tamaan ng bala ang mga sentido ng mga ito. Kitang-kita niya kung papaano bumulagta ang mga ito.

Hindi niya mapigilan ang maawa sa mga tauhan ni Waze. He looked at Waze once again. "I'm sorry, bro——"

"You didn't kill them. Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin," malalim at galit na sagot sa kanya ni Waze.

Hindi niya alam kung bakit siya natakot at kinilabutan sa boses ng kausap niyang binata. Gone the playful and happy voice of Waze.

"I'll make sure they will rot in hell," Waze told him while typing on his laptop once again.

Inilabas nito ang folder at iniabot iyon sa kanya kaya naman kinuha niya ito at tinignan ang laman.

His eyes widened when he realized one thing. Hindi talaga iisa ang kalaban nila. Tatlo sila.

"What the fuck," he muttered a curse while reading the article.

First on list was Maria's step mother. Hindi na kataka-taka na hindi siya nito gusto. Maria was the only daughter of  Arsalan Harake at napag-alaman niyang walang bisa ang kasal ng matandang Harake at ng nurse nito. Ito ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay ni Maria. Ito ang nag-utos.

Damn you! I'll make you suffer! He cursed the old lady inside his head. Gustong-gusto na niyang puntahan ang mga ito at siya mismo ang pumatay sa mga ito para iparamdam sa kanila ang sakit na nararamdaman ni Maria ngayon. He could kill them in ways more than one and he would make sure that they would suffer. 

It took him minutes before calming down. Inilipat niya ang page ng papel at nakita niya ang litrato ng isang babae. Nakangiti ito at may kausap na lalaki sa isang event. The two looked like lovers.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang