Chapter 26

3.1K 86 6
                                    

"CAN I HUG you?" she asked Sim the moment that he opened the door for her.

"What——"

Hindi na niya pinatapos na magsalita ito, dire-diretsong naglakad siya para tawirin ang natitirang espasyo sa kanila ng kasintahan... she hugged him tightly. "Let me hug you, baby," she murmured.

Nakasubsob na ngayon ang mukha niya sa dibdib ng binata at ramdam na ramdam niya ang paninigas ng katawan nito. Not long after, she felt Sim's arms wrapping around her. He was now hugging her back. Naramdaman niya rin ang paghalik ng binata sa kanyang ulo and that made her smile.

"I missed you, baby. I love you," she whispered. Her voice was too low that even her, she couldn't properly hear her own voice. Gusto niya lang sabihin sa binata ang nararamdaman niya.

"I love you more, my sunshine," he answered while stroking her back.

Humiwalay na siya sa yakapan nila ni Sim at tsaka niya ito hinarap. She cupped his face and smiled at him. "Don't leave me, ha?" paalala niya. Gusto niyang marinig mula sa binata na hindi siya iiwan nito. That he would stay by her side no matter what happened. Iyon na lang ang gusto niya because everything right now was confusing her.

Gulong-gulo na siya, hindi niya na alam kung anong paniniwalaan niya. . . kung tama ba ang mga pinaniwalaan niya. She was now having doubts about everything.

But one thing was sure, she loved Sim. Mahal niya ang binata at ayaw niyang mawalay rito.

Sim smiled at her and slowly, he nodded his head. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa binata, his eyes were full of love and that made her cry.

"I won't, I promise you, didn't I?" he asked her. "Now, stop crying and let me cook for you. I know, you're tired," he wiped her tears and kissed her eyes.

Tumango naman siya at tsaka nagpatianod sa hila ng binata. She was really blessed to have him. Hindi niya akalain na uuwi siya at mayroon ang binatang naghihintay sa kanya. Now looking at the back of the man who was wearing a simple shirt and shorts made her heart jumped like crazy.

Hindi niya alam kung papaano nagkagusto sa kanya ang binata. It was too good to be true.

"You sit, and I'll cook for you. What do you want?" he asked her. His now putting his apron on kaya naman tumayo siya at siya ang nagtali niyon sa bewang ng binata. She was literally hugging him while she was doing that. Hindi niya alam kung bakit tila uminit ang buong mukha niya dahil sa kanyang ginawa kaya naman binilisan niya ang pagtali sa apron ng binata.

"There!" she chirped. Pero hindi pa niya tinatanggal ang pagkakayakap niya sa binata nang yakapin siya nito pabalik.

"You're clingy today, baby," he chuckled and then kissed her nose. "I like it. Now, what do you want to eat?" he asked her again.

"Hmm? Anything?" she was unsure of her answer. "Basta luto mo."

She saw how his eyes glimmered because of that. "That's sweet, baby. Now sit and I'll cook this. I bet you're famished right now."

She just nodded her head and went back to the chair. Nakapangalumbaba siyang nakatingin sa binata habang nagluluto ito ng adobo.

"You're not going to ask me?" she asked the man. Alam niyang pinipigilan lang ni Sim na tanungin siya nito kaya siya na ang nag-open up sa binata.

"I'm just waiting for you to open up. Don't force yourself if you can't, baby. I can wait." Hindi siya nito tinitignan at ipinagpatuloy ang pagbabalat sa patatas.

Napabuntonghininga naman siya at tsaka sumimsim ng tsaa. Tsaa ito kanina ng binata at nakita niya lang sa lamesa. Medyo malamig na ito pero kahit ganoon ay ininom pa rin niya.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now