Chapter 1

7.2K 142 6
                                    

"ZAMMY, TRY THIS," she handed her friend a matcha flavored chocolate after a couple of seconds, she gave her friend a wink. Nasa kalagitnaan sila ng klase nila at wala siyang magawa kaya naman obviously, binubwisit niya nalang ang kanyang kaibigan. Apat na oras ang klase nila kaya antok na antok na siya.

Naramdaman niya ang kaunting kurot ng kaibigan niya sa kanyang tagiliran kaya napaigik siya ng kaunti.

"Mark, mamaya na iyan." Parang takot na takot na tinignan siya ng kaibigan niya. "Nandyan pa si sir Monte!"

She let out a small chuckle. "Paborito mo kasi," she joked. Kitang-kita niya kung papaano tumango ang kaibigan niya at sumangayon sa kaniyang sinabi.

She smirked once again and then put the chocolate inside her mouth. "Heto na, makikinig na po, Madamdamin," she joked.

"Good, good."

"Ms. Salvador, Ms. Harake," their professor called them. Napangisi siya dahil sa alam na niya ang susunod. Tumayo na siya at kinuha ang white board marker na nasa table ng kanilang prof.

Walang kagatol-gatol na nagsulat siya sa whiteboard.

"As usual, Ms. Harake." The gay prof looked at her with eyes showing how satisfied he was with her performance. Then he looked at Zavaiah and gave her a warm smile. Halos maduwal siya dahil doon. Paborito?

Ganda talaga, Zammy. She proudly mouthed.

"Ms. Salvador?" Iyon palang ang sinasabi ng prof nila ay tumayo na rin si Zammy sa upuan at tsaka nito kinuha ang libro ng professor nila. She gave Zavaiah a wink and her friend just playfully rolled her eyes at her.

Halos humagalpak siya ng tawa nang magreport ang kaibigan niya ng impromptu sa harapan nilang lahat. Kitang-kita niya kung papaano siya ismiran ng kaibigan niya. Palagi na lamang ang eksena nila. Pero not even once, narinig niyang nagreklamo ang kaibigan niya.

"Ma'am! May tanong ako!" She raised her hand when Zavaiah was asking if everything was clear.

She saw how Zavaiah glared at her but she just shrugged her shoulders. Bu-bwisitin niya lang saglit ang kaniyang kaibigan.

"Yes?" Zavaiah asked her. She looked at her with the expression 'please, tumahimik ka na, Mark. Ayoko na sa harap'

"Kung ang tagalog ng ghost ay multo, bakit ka niloko?" she smirked.

Narinig niya ang asaran ng mga kaklase nila. Kitang-kita niya ang pagngisi ni Zavaiah.

Uh, oh. Parang may pambawi. She thought.

"Kung ang paborito mo ay monggo, bakit hindi ka pa rin pinapansin ng crush mo?" Zavaiah shot back.

Mas lalong dumagundong ang asaran sa buong block nila kaya napatampal nalang sa noo ang kanilang professor. "Ms. Salvador, Ms. Harake, report the next chapter."

Halos hindi na bumalik sa dati ang mata niya dahil paulit-ulit niyang pinapaikot iyon.

"Gagi kasi," Zavaiah pinched her waist. Natatawang lumapit lang siya sa professor nila at kinuha ulit ang libro na binalik ni Zavaiah rito.

"Favorite mo talaga kami, Sir, ano? " she joked. Nagtawanan lahat ng kaklase nila kaya naman ang ending, halos apat na oras silang nagreport ni Zavaiah.

"Shutanginames 'yan. Tayo na naman pinag-report." Parang pagod na pagod siyang napahiga sa may bermuda grass sa likod ng kanilang department building. "Hayop, sakit ng ulo ko roon, parang matutuyuan ako ng dugo. Ang bata ko pa para mahigh-blood, ha!" reklamo niya.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon