Chapter 27

3.1K 82 11
                                    

"SAAN KA galing?" Iyon ang pangbungad na  tanong niya kay Sim nang pagbuksan niya ito ng pintuan ng kanyang bahay. Halatang pagod na pagod ito. His face looked drained and he looked terrified at the same time.

Sim smiled at her and hugged her quickly. Parang kanina ay siya lang ang gumawa ng ganoon sa binata. . . ngayon ay ito naman ang yumayakap sa kanya.

"Recharge saglit," he whispered. She smiled and hugged him back. Mukha silang mag-asawa dahil sa ginagawa nila and that made her heart flutter in all ways possible. Well, life was not a fairytale pero dahil kay Sim, her life was extraordinary. Everyday was blissfully amazing.

Ilang saglit pa silang nagyakapang dalawa nang mapagdesisyunan niyang tanungin ito ulit. "Bakit parang pagod ka? Saan ka ba pumunta?" she asked Sim.

Sim released her from his hug and cupped her face. "Yeah. . . no secrets," he mumbled. "I went outside for a while to have a conversation with your dad." Walang kagatol-gatol na sagot sa kanya ni Sim.

Sim's expression was calm now. Hindi ito mukhang natatakot o nababahala man lang dahil nakausap nito ang kanyang ama. She looked straight into his eyes and let out a small nod.

"Sinabihan ka na naman ba niya na iwanan ako? Pumayag ka ba?" she asked. Alam niyang mukhang walang tiwala ang boses niya but she was scared. . . ayaw na niyang maiwan ni Sim, that one time was painful. It was painful to the point that she almost killed herself. Hindi niya alam kung kakayanin pa niya sa susunod.

He removed his hands on her face and took a deep breath. "Sa tingin mo, iiwanan pa kita?" he asked her. Frustration was now evident in his voice. "Wala ka bang tiwala sa akin?" may halo ng pananakit ang boses ng binata at dinig na dinig niya iyon.

She looked away and tried to avoid his gaze. " Hindi naman sa ganoon, I trust you naman, I'm just scared," pag-aamin niya.

"It's the same."

Napalingon siya ulit sa mukha ni Sim nang sabihin ng binata ang katagang iyon sa kanya.

"No! It's not. . . bb ko." Tumigil siya saglit at tsaka hinawakan ang kamay ng binata. " I trust you with all my heart. . . si daddy ang hindi ko pinagkakatiwalaan. He threatened you once, what if he would do it for the second time?"

"Do you love me?" Sim asked her. He was now intently looking into her eyes.

Hindi niya alam kung bakit natanong iyon bigla bigla ng binata sa kanya kaya naman natigilan siya. Her heart started to hammer inside her chest and her lips formed into a curve line. "I do," she whispered. Her voice was too weak that even her, she couldn't hear it.

"What?" Sim asked her one more time.

She took a deep breath and looked straight into his eyes. "Sabi ko, mahal kita, mahal na mahal. . . " umiwas siya ng tingin sa binata. "Gusto kasi paulit-ulit."

"Damn baby! You really know how to ruin the mood, huh?" he chuckled and gave her a quick kiss. "Live with me," he told her.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig niya. What?! Ano na namang nakain nitong mokong na ito?  She asked herself.

Ayaw niyang umalis sa bahay niya. . . pakiramdam niya kasi kapag umalis siya ay parang tinalikuran na niya ang mommy niya. May mga bagay pa siyang hindi alam pero sigurado siyang naging mabuting ina ang kanyang ina sa kanya. Her mother was one of the purest individual that she knew. . . her mother kept on telling her that she must be a better person and a great model for the next generation. Kaya nga hindi pa rin niya binibitawan ang pangarap nila ng kanyang ina.

Ilang taon na ang nakararaan but their dreams would never get out of her her mind. Looked like it was her mission... a mission that her mom left to her.

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon