Chapter 4

584 15 11
                                    

Kate's P.O.V

"Nngghhh..."

Naalimpungatan ako.

"Gising ka na pala, sleepyhead."

Huh?

Napalingon ako sa kung saan ko narinig yung nagsalita.

Isang gwapong medyo sugatan na nakataling nilalang ang bumungad sa 'kin- OHMYGOLLYWOW! Kase...kase..kase...

YUNG POLO NIYA KASEEE! NAKA-UNBUTTON YUNG FIRST THREE BUTTONS AND HINDI NIYA SUOT YUNG COAT NIYA! TAPOS TABINGI PA ANG GLASSES NIYA!

OMG talaga. I'm noseblooding. Halp.

Para siyang Fried Chicken! Ang sarap namnamin! :P

"Will you stop looking at me like an idiot?"

Natauhan ako.

Sandali. Nasaan ba ako? Tsaka, bakit ko kasama si Kleifford?

Wait. Parang may nakatali sa kamay ko.

"Sandali. Ano 'to?" tanong ko habang nagpupumiglas sa something na nasa kamay ko.

"Lubid 'yan. Ang tanga mo naman," annoyed na sagot ni Kleifford.

"Ah, sorry- Teka! Bakit tayo nandito? Tsaka bakit tayo nakatali? Tsaka sinong gumawa n'yan sa 'yo Kleifford?"

"Nasa SSG Room. Hindi mo naaalala? Pumunta ka rito kaya nangyari iyan sa 'yo?"

Inalala ko ang mga pangyayari.

"Ah! Oo nga! Pumunta ako rito para iligtas ka dun sa mga ahas na officers mo pati dun sa mga inutusan nila tapos may humampas sa 'kin nung time na pumasok ako di-"

"Iligtas?"

Napayuko ako, "Hmmm, 'di ba sinabi ko na sa 'yo? May balak silang masama sa 'yo? Kaya nung time na wala ka na sa room, naisip ko na baka nahulog ka na dun sa patibong nila kaya pinuntahan kita agad sa SSG Room para iligtas ka,"

Mukhang naco-confuse si Kleifford sa mga pinagsasabi ko, "Sandali, ito ba yung mga pinagsasabi mo sa 'kin kanina?"

"Pinagsasabi kanina?"

"Bago tayo magklase, sinabi mo na narinig mong nag-uusap ang mga officers ko at ilang students. Sinabi mo na gusto nila akong pagtulungan dahil naiinis sila sa 'kin. Am I right?"

"Ah! Oo. Tama ka!"

"Ah. Kaya naman pala they are acting strange kanina,"

I shift the topic, "Oo nga pala. Speaking of them, nasaan sila?"

"I don't know. They are just bunch of stupid brats. Bakit ba nila 'to ginagawa?!"

"Ano kamo? They are just bunch of stupid BRATZ? Haha. Mga 3d cartoon yun ah,"

"Huh? What are you saying? Are you crazy?"

Oh. Di niya ata alam yun. Sa bagay, mostly girls lang ang nanonood nun. Ang bobo mo Kate. Magjo-joke ka na nga lang sa crush mo, yung 'di pa niya alam. Tsk. Tsk.

Bumukas ang pinto. Hindi ko masyadong nakita yung mga nagbukas dahil malayo sila at madilim sa kinaroroonan nila.

Sumara ulit ito.

"Teka. Ano 'to? 'Di ba sinabi ko na sa inyo na si Kleifford lang? Ano 'yan?"

"Tolzer, iyang babaeng 'yan. Pumunta siya sa SSG Room habang binubugbog namin si Kleifford kaya tinali na rin namin siya,"

"Babae?"

Lumapit sa 'min yung isang lalaki. Kung di ako nagkakamali, si Tolzer yun base sa boses niya.

My 3 Identity BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon