Chapter 28

234 9 2
                                    

Kate's P.O.V

...they spotted you and Sean Zeret going out together!"

Ako pati si...

Anze?

"Ano bang pinagsasabi mo? Hey, for your info, may boyfriend na si Besh! Okay? And he's not absolutely Sean!"

"Huh? But...all right. Here. Tingnan niyo 'to..."

Naglabas siya ng magazine at binuksan ito. Ipinakita niya sa'min ang isang article...

Yung time na na-stuck kami ni Anze sa elevator ng isang malapit na i-demolish na building. Yung picture, that's the time na magkasama kaming lumabas ng building na iyon.

Agad na kinuha ni Besh ang magazine, "Huh? Impossible! Kailan 'to nangyari Besh?"

"See? The pic says it at hindi lang yun ah,"

Kinuha niya ang magazine kay Besh at ipinakita sa'min ang cover nito, "How can you explain this, Kate? Are you a model, too?"

Kaming dalawa ni Sean ang nasa cover ng magazine. Iyan naman yung time na pina-model ako kasama ni Sean. Yung magkasama kaming dalawa ni Sean na mag-photo shoot pero...

'SCANDAL!!! Who is this girl? Is she and Sean Zeret in some sort of a relationship?!"

Hindi. Hindi.

Isang pagkakamali lang ang lahat ng ito. Mali lang ang pagkakaintindi nila.

Nakita kong may iba pang estudyanteng lumalapit sa'min.

"Kate! Can you explain it?"

"Yeah. What is the relationship between you and Sean Zeret?"

"Are you really, Kate?!"

Napahawak ako ng noo ko.

"Besh...totoo ba na..."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko...

"HINDI KO ALAM! HINDI KO ALAM! IWANAN NIYO MUNA AKO!"

Napalayo silang lahat sa'kin dahil sa sinabi ko.

Umalis na ako sa harap nila at nagsimulang tumakbo.

Paanong...

Paano naging ganito ang sitwasyon?

They're just mistaken. Wala kaming relasyon ni Sean.

Why do they make a big deal out of it?

Magkaibigan lang kaming dalawa.

Masama ba yun?

Napahinto ako sa tapat ng SSG Room pero hindi ko nadatnan ang hinahanap ko. Ang tanging nadatnan ko lang ay ang secretary ng SSG.

"Si...si Kleifford?"

"Wala siya dito Kate. Oo nga pala Kate, yung issue-"

"What 'issue'?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses na yun. Hindi ako maaaring magkamali. Siya yun...

Tumalikod ako at nakita ko siyang hawak hawak ang magazine.

Pero imbis na kuwestiyunin ako, ay hinila niya ako.

***

Huminto kami sa Academy Garden kung saan walang tao.

"Kleifford...yung magazine..."

Binitawan niya ako at ngumiti siya, "Hey. Why are you crying?"

Hinawakan ko ang mata ko. Oo nga. Umiiyak ako. Hindi ko man lang napansin.

My 3 Identity BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon