Chapter 12

362 9 1
                                    

Kate's P.O.V

To think na kaming dalawa lang ni Kleifford sa SSG Room tapos may sakit pa siya...

...OMG.

Ano ba 'to? Binabalikan ba ako dahil sa mga good deeds na nagawa ko?

Narinig kong lumakas ang ulan. Wait. Teka-umuulan?

Tumingin ako sa maliit na bintana ng SSG Room. Oo nga. Mukhang umuulan at ang lakas nito. Kaya pala ang lakas ng hangin kanina. Mukhang bumabagyo ah.

Pinakiramdaman ko muli ang noo ni Kleifford. Sobrang init niya.

Napabuntung-hininga ako at pinagmasdan siya.

Mas gwapo pala siya 'pag ganito :'>

Okay. Tama na muna ang kalandian. Nakakaawa na nga ang kalagayan niya tapos nilalandi ko pa. Maawa ka Kate, okay? Maawa ka.

Pigilan mo ang kalandian hormones mo, 'kay?

Kailangan kong humingi ng tulong. Baka kung ano pang mangyari kay Kleifford.

Kinapa ko sa bulsa ko ang phone ko. OMG.

Nawawala ang phone ko!

Saan ko nga ba yun nailagay?

Ah!

Oo nga pala. Ang tanga ko, iniwan ko sa table ko habang hinahanap ko yung reasearch notebook at libro ko sa room.

Sheez. Isa ka talagang dakilang tanga, Kate.

Paano na 'yan? Paano ako makakahingi ng tulong? Di ko pa naman alam itong sakit ni Kleifford. Mamaya, kung ano pang mangyari sa kaniya. Ako pa ang sisisihin.

Ano bang gagawin ko?

Medyo bumabangon si Kleifford habang nakapikit pa din. Iniusog niya ang likod niya upang makadikit ito sa pader. Sobrang pinagpapawisan na talaga siya.

Napakagat ako ng labi ko. Ay naku, sana kasi Medicine na lang ang course ko para alam ko ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon. Limited pa naman ang kaalaman ko sa pag-aalaga ng may sakit. Yung alam ko lang, bibihisan mo siya, pupunasan ng towel na may maligamgam na tubig, ichecheck yung temperature sa thermometer, lalagyan ng towel sa noo, bibigyan ng gamot tapos papakainin ng lugaw. Yun lang. As in yun lang.

"Erm..."

Napatingin ako kay Kleifford, "Kleifford, anong nararamdaman mo?"

"Masakit..."

Hinawakan ko siya sa braso niya, "Saan masakit?"

"Yung katawan ko...masakit..."

Nakakaawa naman 'tong si Kleifford. Okay lang sana sa'kin na makulong kaming dalawa sa SSG Room eh. Pero yung ganitong may sakit pa si Kleifford, grabe. Naaawa na ako sa kalagayan niya. Mukhang nahihirapan talaga siya. Kung pwede nga lang kaming magpalit ng sitwasyon, ginawa ko na kanina pa.

"Ah, Kleifford. Do you have a phone?"

Napansin kong tumango siya pero iniinda niya pa rin ang sakit.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now